iASK inyong alamin solusyong kaya natin! Ano ang African swine fever o ASF?

 

Ang ASF ay isang sakit na dulot ng virus sa baboy. Ito ay malalaman sa mga sinyales na pagkakaroon ng tila mamula-mulang pasa sa balat ng baboy, panghihina, pagkawala ng ganang kumain, mataas na lagnat, at pagtatae.


Walang gamot o bakuna sa sakit na ito. Wala ring epekto ang ASF sa tao.

Paano masusugpo ang ASF?

Base sa inilabas na kautusan ng Department of Agriculture (DA), mahigpit na ipinatutupad ang “1-7-10 Protocol” upang maiwasan ang paglaganap ng nasabing sakit. 

Nakasaad sa protocol na sa panahon na madeterminang may baboy na namatay dahil sa ASF, lahat ng baboy na nakapalibot sa loob ng 1 km radius sa lugar na pinangyarihan ay kinakailangan na patayin. Sa loob naman ng 7 km radius palibot ay ititigil ang paglalabas at pagpasok ng baboy at kukuhanan ng samples ang mga farms. Habang ang lahat ng farms na nasa 10 km radius palibot ay kinakailangang magsumite ng report kaugnay ng ASF. 

Saan maaaring makipag-ugnayan kung may kaso ng ASF sa lugar?

Ipagbigay alam sa LGU Veterinary office ang anumang kaso ng pagkamatay ng baboy dahil sa ASF. Maaari ring makipag-ugnayan sa DA Crisis Management Task Force sa mga numerong 0995-132-9339 at 0920-854-3119.

Author

0 Response