iASK inyong alamin solusyong kaya natin!

 

Ano ang stylo at bakit mainam na pakain ang legumbre na tulad nito?

Anu-ano ang katangian ng stylo?

 

Kaya nitong mabuhay sa iba’t ibang uri ng lupa at klima

Maaaring mabuhay ito kasama ang iba pang damo sa pastulan

Di namamatay kahit tagtuyot at kahit natatapakan ng mga hayop

Kayang labanan ang pagtubo ng weeds tulad ng cogon at themeda sa pastulan

Mas pinaiinam ang average daily gain ng bulo mula 450 g hanggang 550 g tuwing ipakakain bilang parte ng protina (katulad ng 70% grasses; 20% stylo leaf weed at 10% concentrates)

Ginagamit bilang cover crop, dahil pinagaganda nito ang soil fertility at nilalabanan ang pagguho ng lupa

Ito ay maaaring gamitin sa cut-and-carry feeding (kumpay)

 

Bukod sa pagiging pakain, ano ang karagdagang ganansiyang hatid ng stylo?

 

Pwedeng pagkakitaan ng magsasaka ang seed production ng stylo. Sa kada isang ektaryang taniman nito ay makakakuha ng 50 kg -150 kg na buto. Ang magsasaka ay kikita ng Php500 kada kg na tinatayang aabot sa Php25,000 hanggang Php75,000 kada taon. Habang sa kada ektarya ng stylo ay nasa 2-3 tons naman ng leaf meal ang makukuha. Kung ito’y  ibebenta ng Php3.50 kada kilo, pwedeng kumita ng Php3,500 bawa’t tonelada ang isang magsasaka.

 

Author

0 Response