iASK inyong alamin solusyong kaya natin!

 

Ano ang Rice Straw at saan ito magagamit?

Ang rice straw o dayami ay by-product  na nakukuha mula sa inaning palay. Ito ay maaring gamitin bilang pakain sa hayop, sa produksyon ng kabute, at bio-energy.

Paano gawing pakain ang dayami para sa kalabaw?

1. Kunin ang dayami mula sa palayan, i-bale at iimbak ito sa lugar na may silungan o bubong.

2. I-buro ang dayami  upang makagawa ng Urea-Treated Rice Straw (UMTRS).

Sundin ang mga sumusunod na hakbang:

a. Lusawin at ihalong mabuti ang mga sangkap na urea (4.4 kg), pulot (4 kg), tubig (92.6 kg), at dayami (50-100 kg).

b. Hatiin ang dayami ng tig-dalawang pulgadang haba gamit ang forage chopper.

c. Ilubog ang dayami sa mga pinaghalong sangkap.

d. Pagkaraang basain, ilagay ang dayami sa drum o silo.

e. Siksikin ang lalagyang drum ng mga dayaming binasa hanggang sa  mapuno.

f. Maiging takpan ng plastik ang ibabaw ng drum at maglagay ng pabigat sa ibabaw nito.

g. Ang UMTRS sa drum ay maaari nang ipakain sa alaga pagkaraan ng 30 araw buhat ng gawin ito.

Bakit mainam na pakain ang UMTRS at anu-ano ang dapat tandaan sa pagpapakain nito?

Ang UMTRS ay nakatutulong sa pagpapataas ng produksyon ng gatas at timbang ng hayop. Ito rin ay maaaring ibigay bilang suplementong pakain

sa panahong may kakulangan sa sariwang damo.

Mahalagang pasingawan ng 30 minuto ang UMTRS bago ito ipakain sa hayop. Huwag itong ipakain sa kalabaw na wala pang isang taon at nasa huling tatlong buwan ng pagbubuntis.  Tumawag ng beterinaryo kung makakitaan ang alaga ng paglalaway o hirap sa paghinga pagkaraang ipakain ang UTMRS.

 

Author

0 Response