PCC lumahok sa selebrasyon ng ika-70 anibersaryo ng Ipil, Zamboanga Sibugay

 

Upang mas lalo pang mapagtibay ang pagtutulungan ng Philippine Carabao Center sa Mindanao Livestock Production Center (PCC@MLPC) at lokal na pamahalaan ng Ipil, nakiisa ang PCC@MLPC sa Agro-Trade Fair na bahagi ng walong araw na pagdiriwang ng ika-70 taon ng nasabing bayan.

Ang anibersaryo ay ginunita noong Hunyo 19-26 at may temang “Unity in Diversity”. Ito’y dinaluhan ng mga kawani ng iba’t ibang lokal at pambansang sangay ng gobyerno, mga organisasyong sibiko, at mga lokal na grupo.

Sa Agro-Trade Fair nagpamahagi ang PCC@MLPC ng iba’t ibang impormasyon ukol sa mga  produkto at serbisyo nito. Namigay ito ng tulong teknikal, mga babasahin na may kinalaman sa pagkakalabaw at PCC, at mga kagamitan sa pagtatanim ng pakain sa kalabaw.

Layunin nito na mamahagi ng impormasyon at edukasyong pang-agrikultura at mapalawak ang ugnayan at kalakalan sa Ipil. Tampok sa naturang Fair ang iba’t ibang lokal na produktong  salig sa mga industriya ng agrikultura at dagat.

 

Author

0 Response