Gatas ng kalabaw panlaban sa COVID-19

 

Bilang tugon sa malawakang inisyatiba laban sa COVID-19, nakikipagtulungan ang Department of Agriculture-Philippine Carabao Center (DA-PCC) regional centers sa mga samahan ng magsasakang maggagatas at sangay ng gobyerno sa pagsasagawa ng community milk feeding programs sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Layunin ng nasabing programa na palakasin pang lalo ang immune system ng mga piling benepisyaryo sa pamamagitan ng pag-inom ng gatas ng kalabaw.  Ito ay masustansiya at nagtataglay ng calcium, phosphorus, protina, enerhiya, magnesium, at potassium. 

Kabilang sa mga nabigyan ng gatas ay mga frontliners, bata, senior citizens, buntis, empleyado ng DA-PCC, at ilang piling pamilya.

Sa pamamagitan ng community milk feeding program, natutulungan ang mga maggagatas na patuloy na kumita sa kabila ng enhanced community quarantine (ECQ). 

Mula Marso hanggang Abril, narito ang kabuuan ng naisagawa na at patuloy na isinasagawang milk feeding programs ng DA-PCC regional centers:

 

PCC sa Mariano Marcos State University

Batac, Ilocos Norte

 

Bilang ng benepisyaryo: 873

Dami ng gatas: 1,584 litro ng gatas

 

PCC sa Cagayan State University

Tuguegarao City, Cagayan

 

Bilang ng Benepisyaryo: 4,479

Dami ng gatas: 1,994.8 litro ng gatas

 

PCC sa Central Luzon State University

Science City of Muñoz, Nueva Ecija

 

Bilang ng Benepisyaryo: 164

Dami ng gatas: 237.8 litro ng gatas

 

PCC sa Don Mariano Marcos Memorial State University

Rosario, La Union

 

Bilang ng Benepisyaryo: 17,989

Dami ng gatas: 5,500 litro ng gatas

 

PCC sa University of the Philippines-Los Baños

Los Baños, Laguna

 

Bilang ng Benepisyaryo: 12,452

Dami ng gatas:  4,531.24

 

PCC sa Visayas State University

Baybay City, Leyte

 

Bilang ng Benepisaryo: 2,919

Dami ng gatas: 1,729 litro ng gatas                                                          

PCC sa West Visayas State University

Calinog, Iloilo

 

Bilang ng Benepisyaryo: 2,875

Dami ng gatas: 2,875 litro ng gatas

 

PCC sa La Carlota Stock Farm

La Granja, La Carlota CIty, Negros Occidental

 

Bilang ng Benepisaryo:  1,900

Dami ng gatas:  1,775.2 litro ng gatas

 

PCC sa Ubay Stock Farm

Ubay, Bohol

 

Bilang ng Benepisaryo: 25,692

Dami ng gatas: Mahigit 37,512.63 litro ng gatas

 

PCC sa University of Southern Mindanao

Kabacan, North Cotabato

 

Bilang ng Benepisyaryo: 256

Dami ng gatas: 278.6 litro ng gatas

 

PCC sa Central Mindanao University

Maramag, Bukidnon

 

Bilang ng Benepisyaryo:  3,946 

Dami ng gatas:  4,934.8 litro ng gatas

 

PCC sa Mindanao Livestock Production Complex

Kalawit, Zamboanga Del Norte

 

Bilang ng Benepisyaryo: 1,682

Dami ng gatas: 4,588 litro ng gatas

 

Author

0 Response