Bayanihan sa gitna ng COVID-19

 

Sa gitna ng panganib na dulot ng COVID-19, hindi nawala ang malasakit at pagkakaisa ng mga tao na makatulong sa kapwa. Isang halimbawa nito ay ang Bantog Samahang Nayon Multi-Purpose Cooperative (BSNMPC) na nagkaloob ng mga relief goods sa mga kapos-palad na miyembro at pamilya sa Sitio Cabaruan sa barangay Bantog, Asingan, Pangasinan.

Ipinamahagi noong Marso 26 ang mga relief goods, na ang bawa’t isa ay naglalaman ng dalawang kilong bigas, kalahating kilong asukal, at 25 gramo ng kape. Ang kabutihang ito ay nakapagbigay biyaya sa 50 pamilya sa nasabing lugar.
Ayon kay Pacita Aquino, quality assurance officer ng BSNMPC, sinimulan na rin ng kooperatiba na isagawa ang kanilang community-based milk feeding program para sa mga senior citizens at mag-aaral para makatulong mapalakas ang kanilang resistensiya at immune system. 


Ang BSNMPC ay isa sa mga kooperatibang inaasistehan ng Department of Agriculture-Philippine Carabao Center sa Don Mariano Marcos Memorial State University sa Rosario, La Union.

Author

0 Response