iASK inyong alamin solusyong kaya natin! Ano ang corona virus disease o COVID-19?

 

Ano ang corona virus disease o COVID-19?

Ang COVID-19 ay isang nakahahawang sakit na sanhi ng bagong diskobreng coronavirus. Ang virus na ito ay nagdudulot ng iba’t ibang klaseng sakit mula sa karaniwang ubo at sipon hanggang sa mas malubhang impeksyon.

Ano ang pangunahing sintomas nito?

Lagnat, ubo, at sipon
 

Paano maiiwasan ang COVID-19?

Ang mga sumusunod ang mga paraan para maiwasan ang COVID-19:

1.   Ugaliing maghugas lagi ng kamay o               gumamit ng alcohol o hand sanitizer.
2.   Lumayo at takpan ang bibig at ilong sa             tuwing uubo at babahing.
3.   Umiwas sa mga taong may sintomas ng           lagnat, ubo, at sipon.
4.  Uminom ng maraming tubig at                       siguraduhing luto ang mga pagkain.
5.  Sumailalim sa 14 days self- o home-                   quarantine kung nanggaling sa mga lugar            o bansang may kaso ng COVID-19
6.  Manatiling nasa loob ng bahay habang                   ipinatutupad ang enhanced community           quarantine.
7.   Agarang kumonsulta sa doktor kung may           mga sintomas ng COVID.


(May impormasyon mula sa World Health Organization at Department of Health)

Author

0 Response