Kwentong kumpay at tagumpay Sep 2020 CaraBalitaan Kwentong kumpay at tagumpay,DA-PCC sa WVSU,Pangumpay now, gatas later,Dionisio Capillo By Maria Antonette Andarza DA-PCC sa WVSU — “Pangumpay now, gatas later.” “Tama ka kakapoy, antis magduty gapangumpay pag-uli pangumpay du man. But those sacrifices are now very worth it [Sobrang nakapapagod, nangungumpay ako bago mag-duty at saka pag-uwi ay mangungumpay ulit. Pero lahat ng mga sakripisyong ‘yon ay nagbunga].” -Dionisio Capillo Lambunao, Iloilo Ito ang makaagaw-pansin na linya ng viral Facebook post ni Dionisio Capillo ng Lambunao, Iloilo, na naging inspirasyon sa marami matapos niyang isalaysay ang mga paghihirap na dinanas nila sa pagtataguyod ng pag-aaral ng kanilang mga anak at kung paano nila nalampasan ang mga ito sa tulong ng pagkakalabawan. “Indi man sa gusto namon ipahambog, ang katuyuan sang amon pag-post kay para maganyat man bala ang mga tawo nga sang pagsagod sang karabaw, kapisan lang ang capital, kag wala uyang kay tanan makwartahan [Hindi naman sa pagmamayabang, ang nais naming maiparating sa pag-popost namin ay para mahikayat ang mga tao sa pagkakalabawan. Sa gawaing ito, sipag lang ang puhunan at walang sayang dahil lahat ay mapagkakakitaan],” ani Dionisio. Sa kasalukuyan, ang nasabing post ni Dionisio noong Setyembre 13 ay mayroon nang 190 reactions, 53 comments, at 21 shares. Inilahad ni Dionisio ang buong kwento sa likod ng nasabing Facebook post, mula sa kaniyang pagsisimula hanggang sa nakamit na tagumpay. Dating gawi Nagtrabaho sa Manila bilang cashier ang kaniyang asawa habang siya naman ay security guard. ‘Di nagtagal ay umuwi ng Lambunao, Iloilo ang mag-asawa upang dito na manirahan. Dito na rin nila pinalaki at pinag-aral ang kanilang mga anak. Nagtrabaho bilang collector sa banko si Dionisio habang isinasabay niya rin dito ang pag-aalaga ng kalabaw. Aniya, simula pagkabata ay nakahiligan na niya ang pag-aalaga ng kalabaw ng kanilang pamilya kasama ang kaniyang ama. Kaya noong nagsimula sila ng kaniyang asawa na si Wilma na mag-alaga ng native na kalabaw noong 2000 ay nanumbalik ang passion ni Dionisio sa kinagawiang gawain, na nagbigay sa kaniya ng motibasyon upang pagtiyagaan ang upgrading ng kaniyang inaalagaang hayop. Tulong at tiyaga Personal na nakipag-ugnayan ang mag-asawa sa tanggapan ng DA-PCC sa West Visayas State University (WVSU) upang humingi ng tulong sa pagpapalago ng kanilang nasimulang pagkakalabawan. Mapalad naman silang natugunan ng ahensya at naging benepisyaryo ng paiwi, bull loan, at artificial insemination programs nito. Maliban dito, regular din silang nakatatanggap ng mga serbisyong teknikal para sa kanilang mga alaga. “Pila man ka beses nga gin AI ang amon karabaw kag wala nagbusong. Pero wala guid kami nag-untat kay gusto gid namon magka crossbred nga karabaw. Kag nagbunga man ang amon paghulat kag pagtinguha [Ilang beses ding hindi naging matagumpay ang pag-AI sa aming mga kalabaw. Pero hindi kami sumuko dahil sa kagustuhan naming magkaroon ng crossbred na kalabaw. At ngayon, nagbunga din ang aming paghihintay at pagsisikap],” salaysay naman ni Wilma. Noong 2018, pinarangalan ng DA-PCC sa WVSU ang mag-asawa ng “Best Milk Quality award” bilang pagkilala sa kanilang pagsisikap na mapabuti ang kalidad ng gatas na ibinebenta nila sa kooperatiba. Nagpapasalamat din sila sa DA-PCC dahil nabigyan sila ng pagkakataon na makalahok sa mga pagsasanay sa Nueva Ecija at Ubay, Bohol. Sa kasalukuyan, miyembro si Wilma ng board of directors ng Calinog Farmers’ Agriculture Cooperative (CAF-AGRI Co-op) habang nagtatrabaho naman ang anak nilang si Johnwell bilang milk processor. Benepisyo mula sa kalabaw Nakagawian na sa tuwing magtatagumpay ang mga anak ay ang unang-una nilang pasasalamatan ay ang kanilang mga magulang nguni’t kaiba ang mga anak ng mag-asawa dahil maliban sa kanila, nagpapasalamat din ang mga ito sa kanilang mga alagang kalabaw, na naging isa sa mga daan upang sila’y makapag-aral at makapagtapos. “Indi niyo gid pag ikahuya nga bakero kita. Kay tungod sa karabaw nakaeskwela kamo kag may panggasto kita sa adlaw-adlaw nga tanan. Bisan diin kamo magkadto kag ano man malab-otan niyo, dumdumon niyo ang karabaw nga nagpatapos kaninyo [Huwag ninyong ikahiya na tayo’y nag-aalaga ng kalabaw. Sapagka’t dahil sa kalabaw, nakapag-aral kayo at may pantustos tayo sa araw-araw. Kahit saan man kayo mapunta at ano man ang marating niyo sa buhay, alalahanin ninyo ang kalabaw na nagpaaral sa inyo],” ang madalas na payo ng mag-asawa sa kanilang mga anak. Nakapagtapos ng Bachelor of Science in Marine Transportation ang anak nilang si Jun Kwollen na nagtatrabaho na ngayon sa barko. Nasa ikalawang taon naman si Joy sa kursong BS Accountancy. Silang dalawa ay nag-aral sa pribadong paaralan, na itinuturing na ng mag-asawa bilang tagumpay dahil anila, para sa isang magsasaka, ang makapag-aral sa isang pribadong kolehiyo ang kanilang mga anak, ay isa nang mataas na pangarap. Maliban sa paggagatas, pinagkakakitaan din nila ang dumi ng kanilang alagang kalabaw. Ibinebenta nila ang bawa’t sako ng vermicompost sa halagang Php100, na binibili ng kanilang mga suki upang gawing pataba sa pananim. Malaking tulong din, aniya, ito sa kanilang pamilya sapagka’t walang kailangang puhunan para sa nasabing gawain. “Sa kabuhi, indi tanan nga ti-on utok ta lang gamiton ta. Kinanglan man ang dedikasyon kag paghimakas nga mapatapos ta ang bata ta kag mataw-an ti mayad nga pangabuhi. Ang karabaw, kapisan lang di-a ang imo kinanglan. Kay waay man ti gasto kay hilamon man lang ang ginakaon [Sa buhay, hindi sa lahat ng pagkakataon ay talino ang ating gagamitin. Kailangan natin ng dedikasyon at pagsisikap na mapag-aral at mabigyan ng magandang buhay ang ating mga anak. Ang kalabaw, sipag lang ang kailangan natin diyan dahil hindi naman magastos kasi damo lang naman ang kinakain],” pahayag ni Dionisio bilang paghihikayat sa nakararami na sumubok sa pagkakalabawan. Sa kasalukuyan, mayroon silang inaalagaang dalawang Italian Mediterranean buffaloes at anim na crossbred na kalabaw, na isa rito ay ginagatasan. Ayon kay Dionisio, bago siya pumasok at pagkagaling sa trabaho ay nangungumpay siya ng pakain para sa mga alagang kalabaw. Malaki din ang pasasalamat ni Dionisio sa DA-PCC sa WVSU sa tulong nito sa pamamagitan ng iba’t ibang programa upang mapaunlad ang kanilang pagkakalabawan. Hinikayat din niya ang kaniyang mga anak na tulungan ang CAF-AGRI Co-op sa kanilang mga programa upang mas mapalago ito. Aniya, naging daan ang DA-PCC at CAF-AGRI Coop sa pag-abot ng kanilang mga pangarap. Tinatanaw din ng mag-asawa ang oportunidad na magtayo sila ng kanilang sariling milk processing facility. Sa tulong ng anak nilang si Jun Kwollen, binabalak din nilang ipaayos ang kulungan ng kanilang mga kalabaw upang mas mapabuti ang kanilang pag-aalaga sa mga ito.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.