Maki-wacky sa babaing wagi! Mar 2016 Karbaw babaingwagi, maki-wacky, Doc Belle, Manang Grace, Manang Glo By Rowena Galang-Bumanlag & Clarisse Bondoc & Shekinah Peridas Kasigasigan, dedikasyon, tapang at malasakit ang bumubuo sa karakter ng mga kababaihan sa hanay ng mga manggagawa sa PCC. Dr. Annabelle Sarabia, Grace Marjorie Recta, at Gloria dela Cruz Sina Dr. Annabelle Sarabia, Grace Marjorie Recta, at Gloria dela Cruz ay ilan lamang sa mga nagpapaningning sa katuparan ng Carabao Development Program sa buhay ng mga magsasaka at kanilang mga pamilya at komunidad. “Tapang at malasakit” ang matatandaang pinasikat na campaign slogan ng ating bagong Pangulong Rodrigo Duterte noong siya’y nasa kainitan ng kampanya. Nais lang ipaabot ng slogan na sa kabila ng kanyang pusong mapagmahal bilang isang lider ay may tamang katapangan din para gawin ang nararapat para sa kabutihan ng buong bansa at sambayanang Pilipino. Ganyang-ganyan si Dr. Annabelle Sarabia o “Doc Belle” sa karamihan. Kilalang may malaking puso ngunit may katapangan sa harap ng mga isyung dapat kagyat na desisyunan. Ayon sa kanya, ang isang empowered woman ay isang babaing matapang at kayang harapin ang ano mang pagsubok. Hulyo 1982, nagsimula bilang science research specialist si Doc Belle kung saan siya ay naging katuwang sa maraming pananaliksik patungkol sa kalabaw na nakapaloob sa “Strengthening the Philippine Carabao Research and Development Center” o PCRDC na proyekto sa UPLB. Siya ang isa sa mga nanguna sa pananaliksik noong panahon na kung saan si Dr.Vicente Momongan ang namumuno sa nasabing proyekto. Si Doc Belle ay naglingkod din bilang consultant para sa Tamaraw Conservation Program at pinangunahan din niya ang marami pang pananaliksik sa carabao reproduction. Naging center director siya ng Philippine Carabao Center (PCC) at West Visayas State University (WVSU) na kung saan kanyang naiplano, inorganisa at pinadali ang pagtataguyod ng carabao development program (CDP) sa Region 6 na may sangay hanggang sa Isla ng Panay at Guimaras bago naging ganap na Chief of the Operations Group sa pamamahala ng opisina ng Executive Director sa PCC. Lumaki si Doc Belle ng hindi kapiling ang kanyang mga magulang at mga kapatid. Pinalaki siya ng kanyang lolo at lola na naging dahilan upang siya ay matuto at mamuhay nang hindi nakadepende sa kahit sino man kundi sa kanyang sariling kakayahan. Bilang Chief of Operations, nagpapamalas ng katatagan si Doc Belle sa lupon ng 13 center directors sa PCC network na karamihan ay pawang mga lalake. Dahil sa kanyang integridad at angking kakayahan, kayang-kayang gampanan ni Doc Belle ang isang hindi birong tungkulin na pangunahan ang mga gawain patungkol sa programa ng PCC sa iba’t iba nitong istasyon sa buong bansa. “Sanay na ‘kong makihalubilo sa mga lalake dahil sa kinalakihan ko at hindi na ‘yon mahirap para sa’kin,” paliwanag niya. Dagdag pa niya, ang pagiging mag-isa sa kabila ng edad na 60 ay itunuturing niyang pansariling kapasyahan. Pero para sa kanya, ang tunay na kahulugan ng katapangan ay ang pagtanggap sa iyong kahinaan at hindi pagsuko sa bawat pagsubok ng buhay. Ayon pa kay Doc Belle, ang kaligayahan ng isang babae ay hindi lang sa pera o sa mga materyal na gamit makukuha. Para sa kanya, kaligayahan ang maibahagi ang kanyang kaalaman at kahusayan sa ibang tao. Ang payo niya sa mga kababaihan ay ang pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili at katapangang harapin ang lahat ng naka-ambang pagsubok. Dapat, aniya, na maging determinado upang malampasan ang mga problema at huwag padadaig o panghihinaan ng loob. “Dapat matuto tayo sa ating mga kamalian at kung magkamali man tayo ay tumayo tayo agad at gawing inspirasyon ang pinagdaanang pagsubok upang sa susunod ay mas magiging matatag tayo at mas matalinong haharap sa susunod na hamon.” - Doc Belle Katulad ng kanyang pangalan, masasabi ngang isang pagpapala si Grace sa kanyang nasumpungang karera bilang lingkod-bayan. Si Grace Marjorie Recta, 58, ang kauna-unahang babaing center director sa PCC network. Siya ang pinunong tagapagpaganap sa PCC at Mariano Marcos State University (PCC-MMSU) na nakabase sa Batac, Ilocos Norte. “Pwedeng piliin ko na lang sana na maging simpleng maybahay na lang na ang tanging kasiyahan ay magampanan ang iba’t ibang gawaing bahay para sa pamilya. Pero batid ko na sadyang inilagay ako ng Panginoon sa posisyon ko ngayon para sa isang magandang dahilan,” pahayag ni Director Recta. Ang dahilan na iyan, aniya, ay ang pangunahan ang Carabao Development Program sa Region I (Ilocos Norte at Sur) at CAR (Abra). “Malaking responsibilidad ang maging center director. Pananagutan mo ang anumang kahihinatnan ng mga programang hawak mo. Kaya naman sinisiguro ko ang pananagutan ko sa lahat ng aming mga kilos. Ang isip ko’y ganito: dapat wala akong ibang kakumpetensya kundi ang sarili ko mismo. Dapat malampasan ko o mahigitan pa ang nakaraan kong performance. Para magawa ko ito, masigasig ang aking pagtatrabaho at hinihimok ko rin ang aking mga kasama sa trabaho, na may iba’t ibang personalidad, na ibigay din nila ang pinakamaganda sa lahat ng kanilang gagawin,” paliwanag ni Director Recta. Dahil din marahil sa kanyang magandang pakikitungo sa kanyang mga tao kung kaya’t mas kilala siya sa tawag na Manang (Ate) Grace sa PCC. Ayon kay Manang Grace, hindi naman daw hadlang sa pamumuno ang kanyang pagiging babae. “Hindi ko naman nararamdamang dapat akong matakot na ang mga kahalubilo ko ay pawang mga kalalakihan. Karamihan sa kanila ay mga naging estudyante ko noon kung kaya’t madali lang silang katrabaho. Gayundin ‘yong mga nakakasalamuha namin sa extension work. Hindi rin problema ang pangmamaliit sa mga kababaihan” aniya. “Ang mahalaga sa mga tao ay kung makatutulong ang dala-dala nating impormasyon para sa kanila,” Dagdag pa ni Manang Grace. Wala rin daw siyang maalalang pagkakataon na naramdaman niya ang pangmamaliit sa kanyang kakayahan bilang babae sa kanyang trabaho. “Nagpapasalamat ako sa aking mentor na si Dr. Zosimo Battad dahil inihanda niya ako ng maige sa posisyong ito. Noong siya pa lamang ang center director dito, sinisiguro niyang lagi akong kasama sa mga pagpupulong hanggang sa makagamayan ko na ang trabaho maging ang pakikitungo sa iba pang mga center directors na pawang mga lalake,” kwento ni Manang Grace. Naniniwala rin siya na pinakamainam na isang babae ang maging tagapagtaguyod ng programang carabao-based dairy development. “Bilang tagapangasiwa sa budget ng tahanan, mainam din na mahimuking magnegosyo sa gatas ang mga nanay bilang pandagdag panustos sa mga pangangailangan ng pamilya,” ani Manang Grace. Ayon pa sa kanya, hinihimok din nila ang mga kababaihan na bumuo ng samahang salig sa pag-aalaga at paggagatas ng kalabaw. Suhestiyon niyang ang mga kababaihan ay dapat na magsama-samang magtayo ng kahit na munting planta kung saan maaaring magawa ang mga produktong gawa sa gatas ng kalabaw. Kung mangyayari ito, aniya, mabilis na yayabong ang tinatanaw ng PCC na dairy industry sa mga kanayunan. Ngunit hangga’t maaari, mag-asawa ang inaanyayahan ng PCC na dumalo sa mga gayong katulad na pagpupulong upang mapagdesisyunan ng mag-asawa ang kanilang pasya sa pagsali sa programa. Simula nang maitalagang center director si Manang Grace sa PCC-MMSU noong 1996, hindi na nagmaliw ang masigasig na pagiging ina niya hindi lang sa kanyang mga tao kundi maging sa mga kabalikat ng PCC sa programa. Patunay dito ang kanyang hindi mababaling paniniwala sa programa ng PCC na ito’y lubos na makatutulong sa pagpapaunlad ng kabuhayan ng mga magsasaka-maggagatas, kanilang mga pamilya at kabuuang komunidad. “Darating ang panahong wala nang mga malnourished na bata kundi matatalinong mga bata! Nakikita ko rin ang panahong ang tunay na lakas-kababaihan ay makikita sa mga ina ng mga tahanang maggagatas na pinakikinabangan ang pagkakaroon ng kalabaw na mestisa o crossbred,” madamdaming pahayag ni Manang Grace. Saksi ang kanyang mga natulungan sa programa, kasama ang buong pwersa ng PCC-MMSU, na tunay ngang pinagpala ang Ilocandia at Abra dahil mayroon silang “Grace” mula sa Poong Maykapal. “Bilang babaing lider, ipinakikita ko sa aking nasasakupan na mabilis tayong magpasya ngunit matatag, maingat, at kalkulado.” -Manang Grace Nataragsit. Sa Tagalog, “maliksi” ang ibig sabihin ng salitang Ilocano na iyan na pinakamainam na pagsasalarawan kay Gloria Dela Cruz, center director ng PCC sa Don Mariano Marcos Memorial State University (PCC-DMMMSU). Sa edad na 62, malayong tungkol sa retirement na ang nasa isip ng Ginang na ito. Isa si Dela Cruz sa dalawang babaing regional center directors ng PCC. Ang isa ay katulad din niyang “nataragsit”, si Grace Marjorie Recta ng PCC sa Mariano Marcos State University. Bukod sa masigla niyang awra at disposisyon sa buhay, kamakailan lang ay naparangalan si Dela Cruz ng “National Civil Service Award o PAG-ASA Award” dahil sa kanyang natatanging kontribusyon sa serbisyo-publiko. Patunay itong may ibayong sigla pa ang ale sa kanyang ginagampanang trabaho sa PCC. Bukod sa PAG-ASA Award na tinanggap noong nakaraang taon, kinilala rin si Director Dela Cruz sa Department of Agriculture - I nang tatlong ulit: bilang “Outstanding Employee”, “Outstanding Provincial Agriculturist” at “Outstanding Municipal Agricultural Technologist”. Dahil marahil sa kanyang aktibong maternal instinct, isa sa mga tinututukang programa ni Director Dela Cruz ang paninigurong hindi mauubos o bababa ang populasyon ng mga kalabaw sa kanyang saklaw na lugar ng serbisyo sa Region I kabilang ang mga lalawigan ng La Union, Pangasinan, at Benguet. Ang kanyang malasakit na ito ay tulad ng sa isang ina na handang proteksyunan ang kanyang mga supling. Sa katunayan, nilakad niya ang paglalaan ng pondo para sa buyback program ng mga mestisang kalabaw o yaong mga produkto ng bull loan at artificial insemination. Sa tulong ni dating senador Leticia Ramos-Shahani, na masigasig na kaakibat ng PCC-DMMMSU sa mga gawain nito, naglaan ng pondo ang mga opisyal sa kanyang mga sinasakupang lalawigan para sa programang buyback. Gayundin naman, dahil pa rin sa kanyang pagkukusa, nagbigay ng Php5.5 milyon ang local government unit sa pamamagitan ng Department of Labor and Employment para sa parehong panukala. Ang hangarin nito ay bilhin ang mga mestisang kalabaw at ipamahagi sa mas marami pang magsasaka. Bukod diyan, nilakad din ng PCC-DMMMSU sa pangunguna pa rin ni Dela Cruz ang pagpasa ng Pamahalaang Panlalawigan ng Pangasinan ng ordinansang “Regulating the Sale and Slaughter of Female Breedable Carabao”. Kaakibat nito ang paglalaan ng pondong Php1.5 milyon taun-taon para sa pagbili ng mga babaing kalabaw. “Hindi natin hahayaan na dumating ang panahong ang makikita na lang na kalabaw ng mga susunod na henerasyon ay walang iba kundi estatwa,” ani Dela Cruz. “Kinikilala natin ang kontribusyon ng kalabaw sa pagbibigay ng kabuhayan sa maraming maliliit na magsasaka at mga pamilya sa kanayunan kung kaya’t patuloy natin itong isinasagawa,” dagdag pa niya. Sa paggampan niya sa kanyang mga tungkulin, naitanong sa kanya: “Nakaranas ka ba ng pangmamata sa kakayahan mo bilang lider dahil babae ka?” “Para sa akin hindi dapat maging batayan lang ng kakayahan mo ang height mo o ang educational attainment mo o maging ang pagiging babae mo. Dapat may bukal na puso sa paglilingkod. Iyon ang mahalaga,” diretsong sagot ni Dela Cruz sa katanungan. Aniya pa: “Ang babae kasi kayang gawin ang lahat para sa kanyang pamilya o sa mga mahal niya sa buhay. Bukod diyan, hindi rin maikakaila ang kanilang pagkalinga at pag-aalaga,” dagdag niya. Dahil sa pag-ibig na iyan, ani Dela Cruz, kaya ng babaing mapagbago ang kanyang kapwa na mas maging mabuting tao. Sa kanyang trabaho bilang center director, ito ang mga prinsipyong pinaiiral ni Director Dela Cruz kung kaya’t nananatili siyang may positibong pananaw sa buhay. Kaya nga kahit saan mo tignan, “nataragsit nga agpayso! (masiglang tunay!).” “Hindi dapat minamaliit ang babae dahil mas marami pa siyang kayang gawin dahil sa tunay na pag-ibig kaysa sa lalake.” -Manang Glo
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.