Luzon: "Star-Island" ng Pilipinas Jun 2017 Karbaw Luzon: "Star-Island" ng Pilipinas, Gng. Erlinda Mercader By Anselmo Roque Pinakamalaki, sentrong pulitikal at ekonomiya, sandigan ng pangunahing pagkain, at kinaroroonan ng kabisera ng bansa. Si Gng. Erlinda Mercader, isa sa mga matagumpay na magkakalabaw sa Nueva Ecija, habang ipinamamalas ang ilan sa premyadong produkto mula sa karne, balat, at gatas ng kalabaw mula sa iba’t ibang panig ng Luzon. Ito ang Luzon, isa sa tatlong pangunahing isla sa kapuluan. Mayroong lawak na 109,965 metro kuwadrado at mahigit sa kalahati ng buong populasyon ng bansa ang naninirahan dito. Ito’y pang-15 sa mundo sa lawak ng sinasakop nitong lupain at pang-apat na isla na may pinakamalaking populasyon kasunod ng Java, Honshu, at Great Britain. Ito’y kinabibilangan ng mga grupo ng isla sa dakong hilaga. Polilio Islands sa silangan, at ang mga pinakadulong isla ng Catanduanes, Marinduque, Masbate, Romblon. Mindoro at Palawan sa dakong timog. Nahahati sa walong rehiyon ang Luzon. Ito’y ang mga rehiyon ng Bicol, Cagayan Valley, Calabarzon, Central Luzon, Cordillera, Ilocos MIMAROPA, at National Capital Region. Noon pa man, sa Luzon inaani ang pangunahing produktong agrikultural na palay na siyang ginagawang bigas bilang pangunahing pagkain ng halos lahat ng mamamayan sa bansa. Gayunpaman, nang sinaunang panahon ay kilala ang Luzon sa paggawa at kalakalan ng mumunting sisidlang yari sa putik na niluto sa apoy. Ginagamit noon ang mga sisidlang ito sa pagtitinggal ng berdeng tsaa at rice wine. Sa mga kauring sisidlang ito, pinakamalaki ang burnay ng Ilokos. Nang mga panahon iyon, ang ilang bahagi ng Luzon ay sinakop ng Sultanate ng Borneo sa ilalim ng Kaharian ng Maynila. Bukod dito, ay naging subordinadong estado ng China ang Pangasinan. Sa kalaunan, nang taong 1405, itinalagang gobernador ng Luzon ang isang Tsino sa pangalang Ko Ch’a-lao. Kasaysayan, tanawin at iba pa Ayon sa naitalang dokumento ng mga manlalakbay na Portuguese, ang Luzon ay nadiskubre nang taong 1521. Ang tawag sa mga naninirahan sa islang ito ay Lucoes at marami sa kanila noon ang mga aktibong empleyado ng Portuguese Malaca samantalang ang iba naman ay sa kalakalan, paglalayag sa dagat, at kampanyang militar sa Timog Silangang Asya. Sa Luzon nakatalatag ang pinakamahabang mountain range na tinatawag na Sierra Madre. Kasunod nito ay ang Caraballo Mountains na siyang kanaroroonan ng pinakamataas na bundok sa Luzon na tinatawag na Mount Pulag (may taas na 2, 922 metro) at gayundin ang Cordilla Mountain na kahangga ng Sierra Madre sa Dalton Pass sa Nueva Vizcaya. Ang Dalton Pass ay siyang pasukang daan patungo sa Cagayan Valley at sa pamosong “Rice Terraces” ng Ifugao. Sa dakong timog, naroroon ang Laguna de Bay (na ang dating tawag ay Lake of Bay town) na siyang pinakamaluwang na lawa sa bansa. Ang pinakamaliit namang lawa sa bansa ay ang Taal Lake na kung saan naroroon ang Taal Volcano na humahangga sa gawing timog ng Cavite, Tagaytay City at buong lalawigan ng Batangas. Sa timog pa rin, matatagpuan ang Mount Makiling sa Laguna at ang Mount Banahaw. Nasa Luzon pa rin, sa Albay, naroroon naman ang bantog sa mundo na Mayon Volcano na inilalarawang perfect cone, sa Quezon ay hangganan ng Sierra Madre Mountains at sa Camarines Norte ay ang bundok ng Isarog at Iriga at sa Sorsogon ay Mount Bulusan. At, siyempre sa Luzon nakapaloob ang Metropolitan Manila na tinatawag na “Kalakhang Maynila” o kaya’y “Kamaynilaan”. Ito’y binubuo ng Maynila, Quezon City, Caloocan, Pasay, Las Piñas, Makati, Malabon, Mandaluyong, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasig, San Juan, Taguig, Valenzuela at Pateros. Natatag ang Metro Manila nang taong 1975. Bukod sa pagiging sentro ng pamahalaan, ekonomiya, kultura, sining, edukasyon, naririto sa dakong ito ang lahat ng embahada at konsolado na siyang lundo ng pandaigdigang diplomasya. Ang pagiging isang napakahalagang katangian ng Metro Manila ay ang malawakan nitong impuwensiya at epekto sa kalakalan, pananalapi, media, sining, pananamit, teknolohiya, edukasyon, at sa mga pang-aliw na gawain. Agrikultura at iba pa Hindi matatawaran ang kahalagahan ng Luzon kung produktong agrikulutural ang pag-uusapan. Sa islang ito inaani ang pinakamalaking bahagi ng kabuuang total na aning palay sa buong bansa. Nangunguna ang Nueva Ecija na noon pa’y tinawag na “Rice Granary” dahil sa laki ng ani. Sa ngayon, tinatawag na “Rice Bowl” ang Central Luzon na nag-aambag ng hindi bababa sa 18 porsiyento ng aning palay sa buong bansa. Kung pagsasamahin ang produksiyon sa Cagayan Valley at Ilocos Region, nasa mahigit na 20 porsiyento ng kabuuang aning palay sa bansa ang kanilang kontribusyon. Pangunahin ding prodyuser ng mais ang mga angkop na lupang sakahin sa Luzon. Pagkakalabawan Marami pang iba’t ibang klaseng produktong agrikultural ang inaani sa Luzon. Sa paghahayupan, hindi maitatatwa ang malaking papel na ginagampanan ng kalabaw na siyang katuwang ng mga magsasaka sa iba’t ibang gawain. Kaya naman, napakaraming kalabaw sa Luzon. Sa imbentaryo, pangalawa ang Isabela, sa talaan ng sampung prubinsiya sa bansa na may pinakamaraming kalabaw. Nasa ika-apat namang puwesto ang Cagayan at pansiyam ang Pangasinan. Palibhasa’y may pambihirang lakas ang kalabaw, maamo at masunurin, kaagapay nga ng mga magsasaka ang kalabaw sa kanilang mga gawain. Gayunman, sa pagdagsa ng mga makinang pantrabaho sa bukid, nabawasan ang pagsandig ng mga magsasaka sa kalabaw sa ibinibigay nitong lakas sa gawain. Pero may ibang lakas ang kalabaw. Ang naiibang lakas nito ay nagbubunsod naman sa pagsasandig ngayon ng tinatawag na “sunshine industry” ng bansa – ang paggatasan at paggawa ng mga produktong mula sa gatas. Kung noon ay hindi gasinong inaasahan ang kalabaw sa pagggagatasan – dahil hindi lahing nagbibigay ng maraming gatas ang katutubong kalabaw – ngayon minimithi ng maraming magsasaka ang magkaroon ng gatasang kalabaw. Ito’y bunga ng masigasig na pagsasakatuparan ng mandato ng Philippine Carabao Center (PCC) na iangat ang katutubong lahi ng kalabaw, na ang tipo ay “swamp buffalo”, sa lahing gatasan na may tipong “riverine” na malakas na magbigay ng gatas at mas maraming karne kapag kinatay. Sa pamamagitan ng siyensya, marami na ngayong may pinagbuting lahi ng kalabaw na tinatawag na “crossbred”. Sa lalo pang pag-angat ng lahi ng “crossbred”, hindi malayong dumating na ang panahon na magkaroon ang bansa ng “Philipine Dairy Carabao” na higit na malalaki, sagana nang magbigay ng gatas ang mga babae, at mga lalake nama’y para sa mas maraming karne. Sa pagkakaroon ngayon ng maraming gatasang kalabaw, kabilang na iyong mga inangkat para sa pagpapabuti ng lahi ng katutubong kalabaw, nangunguna na ang Luzon. Sa Nueva Ecija, na itinakda bilang “national impact zone” o modelo sa paggagatasan, malapit nang umabot sa dalawang milyong gatas ang inaani sa isang taon mula sa “purebred at crossbred” na mga kalabaw na karamiha’y nasa kamay ng mga magsasakang-maggagatas. Kaya naman, unti-unti nang kinagagawian itong tawaging “dairy carabao capital of the Philippines”. Nasa Nueva Ecija ang punong tanggapan ng PCC. Sa pagtataguyod ng “carabao development program” at ng “carabao-based enterprises” may panrehiyong tanggapan ang ahensiyang ito sa Central Luzon, Southern Luzon, Cagayan, Ilocos, at sa La Union. Sa San Agustin, Isabela, makikita ngayon ang libu-libo nang crossbred carabao na sinasabing pinakamarami sa buong bansa. Bunga ng pagdami ng mga naaning gatas, laganap na ngayon sa Luzon ang mga produktong tulad ng fresh milk, choco milk, coffee milk, white cheese, mozzarella, pastillas de leche, fruit-flavored milk, yogurt; espasol, ube halaya, puto, chicharabao, macaroons, dulce de leche, at mga candy at brownies na may sangkap ng gatas ng kalabaw. Patok na rin ang mga nilutong pagkain at kukutin mula sa karne ng kalabaw na tulad ng tapang kalabaw, longganisang kalabaw, chicharong balat ng kalabaw at iba pa. “Beast of fortune” ang turing sa kalabaw na kapalit ng dating turing na “beast of burden”. “Sa mahabang panahon, hindi natin nakita ang kontribusyon ng kalabaw sa produksiyon ng gatas. Ngayon, umaabot na sa 34 porsiyento at nadaragdagan pa” sabi ni Dr. Arnel del Barrio, executive director ng PCC. Dagdag pa niya: “Kung ang pag-uusapan naman ay kotribusyon sa karne, dati’y 11 hanggang 12 porsyento lang ang kontribusyon ng karneng kalabaw. Ngayon mahigit na sa 16 na porsiyento”.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.