Kakaibang tapang kalabaw, patok sa siyudad ng Davao

Sa mga foodie o mga taong mahilig kumain ng mga natatanging pagkain, ang pritong tapang kalabaw ay nagiging lubhang patok lalo pa nga’t ito’y napabalitang paboritong pagkain ng isang Filipino lider na isa sa pinakatanyag sa mundo.

Sa Lunsod ng Davao, isang karinderya, ang Sana’s Carinderia, ay dinarayo ng maraming mahilig sa natatanging pagkain upang matikman din ang paboritong pagkain ng dating fiscal at alkalde ng nasabing lunsod.

Ang dating fiscal at alkalde? Si Rodrigo Duterte na ngayo’y pangulo ng bansa.

Maliit lamang ang Sana’s Carinderia. Nguni’t bigla itong naging tampulan ng pansin sa buong Pilipinas nang manalo si Duterte bilang pangulo nang ito’y malathala sa diyaryo, radyo at telebisyon lalo na sa CNN TV na napanood sa buong daigdig. Dinumog na rin ito ng maraming sikat na mga mediamen at sari-saring lathalain ang naisulat at ibinalita ukol sa nasabing karinderya at ang naiiba nitong pagkain. 

Sa mga pagbabalita, tinukoy na paboritong pagkain ng Pangulo sa karinderyang ito ang tapang kalabaw.

Ayon sa may-ari ng kainan na si Proferia “Sana” Valles, ibinando ng kanyang karinderya noon na isa sa mga natatangi nitong pagkain ay “fried carabao meat”. Matagal-tagal ding ito ang naging tawag sa kanyang inihahandang pagkaing tapang kalabaw.

Nguni’t nabago na ang tawag sa pagkaing ito sa karinderya.

May kuwento si Sana kung bakit nabago ang tawag niya sa inihahanda nilang pagkaing ito.

“Dumating minsan si Mayor dito (ito pa rin ang mas gusto niyang itawag sa Presidente) kasama ang kanyang mga bisita. Tinanong ko kung fried carabao meat ang gusto niyang i-serve namin. Tumango siya kasabay ang sabing tawagin na lamang daw na tapa ito. Mula noon, inalis na namin ang pangalang fried carabao meat at simula noon ay tapa na ang itinawag namin sa pagkaing ito,” sabi niya.

Tapang kalabaw

Kaiba sa karaniwang tapa na nakasanayan ng mga Filipino ang itsura at lasa ng tapang kalabaw sa kainang ito.

Ang karne ay pinalalambutan muna ng mga ilang oras sa pinakukulong tubig na may halong asin. Pagkatapos, ito ay hinihiwa nang maninipis at mina-marinate sa suka, lemon juice, asin,  paminta, at vetsin sa loob ng isang oras at saka ipiniprito nang lubog sa mantika.

Ang resulta nito ay malutong, malasa, at mala-ginto ang kulay na maninipis na pirasong tapang kalabaw.

Bukod sa karaniwang kinakain itong pang-ulam sa kanin sa loob ng karinderya, minabuti rin ng may-ari ng kainang ito na maghanda na rin ng mga nakapakete nang tapa na mabibili at maiuuwi ng mga parukyano. Ang nakagayak na pakete ay tig-isang kilo na  maaaring tumagal  ng 2-3 linggo nang hindi napapanis kahit hindi ito inilagay sa refrigerator. Kapag ito naman ay inilagay sa freezer, maaari itong tumagal  ng mahigit isang buwan.

Ayon kay Sana, mas mura ang karne ng kalabaw sa kanilang lugar kung kaya’t  ito  ang kanyang napiling ihanda sa kanyang karinderya.

Kanyang binibili ang karne ng kalabaw sa palengke ng Davao. Umaabot sa 30-40 kilo ang nailuluto niya araw-araw.

Bonggang pagkain sa simpleng kainan

Kapag titingnan sa labas, ang Sana Carinderia ay wala itong ipinagkaiba sa mga karinderya na puntahan ng pangkaraniwang tao.

Wala  ring kakaiba sa loob nito, maliban sa isang bahagi na kung saan nakasabit ang mga larawan ng pamosong kliyente nito na kasama ang pamilya ni Sana. Sa larawan ay mapapansin na ang pamosong kliyente nilang ito ay nasa kabataan pa noon.

Nag-umpisa ang Sana’s Carinderia na magsilbi sa mga Davaoeños noong 1980s. Lubak-lubak pa at maputik noon ang kalsadang patungo sa karinderya. Noo’y bagong lipat  mula sa Jagna, Bohol si Sana at ang kanyang pamilya sa nasabing lugar na malapit lamang sa gusali ng pamahalaang Lunsod ng Davao.

Nadiskubre ito ni Pangulong Duterte noong siya’y isa pa lamang fiscal (prosecutor)  dahil malapit lang doon ang opisina niya. Naging magkaibigan ang dating fiscal at si Aling Porferia. Tinawag siya nito na “Sana” na nangangahulugang sa Boholano na “babaeng may-asawa”. Ginamit na rin niya ang tawag na ito sa kanyang karinderya.

Ibinida ni Sana na namuhay ang pangulo nang simple at hindi siya nahihiya na kumain sa isang simpleng karinderya na katulad ng kanyang karinderya.

“Siguro dahil masarap naman ang pagkaing iniluluto ko at saka malinis naman ang aking karinderya kaya tinangkilik niya ito,” ani Sana.

Tulad ng hayop na pinagmumulan ng paboritong tapang kalabaw ng pamoso niyang kliyente,  nananatiling payak ang itsura ng Sana’s Carinderia hanggang ngayon. Nguni’t simple man, ito’y  tinatangkilik ng maraming tao. At, sabihin pa, ito’y namamayagpag sa ngayon sa dahilang ito’y dinarayo ng maraming kumakain doon kabilang na ang mga dayuhan.

“Wala kang makikitang tapang kalabaw na ganito kasarap at kasikat, lalo pa’t ito ang paboritong kaininan noon at magpahanggang ngayon kapag siya’y nauuwi  at may mga bisita, dili’t iba kundi ang ating Pangulong Duterte,” tila nagmamalaking sabi ni Sana.

Author

0 Response