Lumalaking pag-asa sa pagkakalabawan sa Mindanao Dec 2016 Karbaw pagkakalabawan sa Mindanao, Karne ng Kalabaw By Mervalyn Tomas Sadyang malaki ang naiaambag ng Mindanao sa agrikultura ng bansa. Ito’y dahil sa mataba ang lupa nito at ang karamihan ng mga taong naninirahan doo’y nakasangkot sa pagsasaka. Landas sa matagumpay na negosyo sa karne ng kalabaw Sa pagbubungkal ng lupang tatamnan, ang karaniwang katuwang ng mga magsasaka ay kalabaw. Bukod dito, pinakikinabangan din ng maraming tao ang kalabaw sa karne nito na tinatawag na carabeef. Mayroon din namang nakikinabang sa gatas na nagmumula sa mga gatasang kalabaw. Ngunit kaiba ang sitwasyon ng Mindanao kumpara sa iba pang lugar sa Pilipinas kung ang kapakanan ng kalabaw ang pag-uusapan. “Maraming kaso ng nakawan ng kalabaw dito,” ani Dir. Benjamin John Basilio, director ng PCC sa University of Southern Mindanao (PCC@USM). Pero buong-buo ang paniniwala ng director na aangat din ang industriya ng pagkakalabawan sa maraming lugar sa Mindanao. “Kailangan naming ipagpatuloy ang mga ginagawa namin upang lalong mapahusay at mapaunlad ang industriya ng pagkakalabawan dito,” sabi niya. Sa isinagawang Value Chain Analysis (VCA) na pinangunahan ni Dr. Flordeliza Lantican, isang Agricultural Economist at Professor sa College of Economics and Management sa University of the Philippines-Los Baños, Laguna, nakita na patok ang carabeef sa Mindanao. Nakita rin sa pag-aaral na sa mga lugar na bulubundukin, tulad ng sa Bukidnon, laganap pa rin ang paggamit ng kalabaw bilang pang-araro sa lupang ginagamit sa mga pagtatanim. Nakita rin ng mga nagsagawa ng pag-aaral ang malalaking oportunidad kaakibat ng mga hamon sa pagkakalabawan at nagbigay sila ng mungkahi kung paano mapahuhusay pa ang pagkakalabawan sa pakikipagtulungan ng mga stakeholders sa isa’t isa. Napansin din nila na sagana ang Mindanao sa dayami, mga pakaing mula sa mga pinag-anihan mais at tubo, at iba pang halaman kaya hindi suliranin ang ipapakain sa mga inaalagaang kalabaw. Mayroon ding mga maluluwang na lugar na sineserbisyuhan ng PCC sa Central Mindanao University na kung saan maaaring pahusayin ang mga itinatanim na pakain ng kalabaw upang ang mga binhi nito ay maparami at maibigay sa mga magkakalabaw. Pagpaparami ng kalabaw Ipinapayo ng mga nagsagawa ng pag-aaral sa mga magkakalabaw na gustong paramihin ang kanilang alaga na magsanay sa PCC para sa basic pregnancy diagnosis (PD) at artificial insemination (AI) para sa kalabaw. Kasama na rin sa pagsasanay ang ukol sa kalusugan at ovarian palpation ng mga babaeng kalabaw. Nagbibigay din ng orientation-seminar ang PCC@CMU tungkol sa Carabao Upgrading Program (CUP) upang malaman at maunawaan ito ng publiko. Para naman sa mga village-based artificial insemination technician (VBAIT) na kasangga ng mga magsasaka sa pagpaparami ng alaga nilang kalabaw, laging ipinababatid ng PCC na may kapasidad ito na magkaloob ng gantimpala kung malalampasan nila ang itinakdang dami ng matatagumpay na serbisyong AI sa mga alagang kalabaw ng mga magsasaka. Ang gantimpala ay isang insentibo para lalong magsumigasig sila sa kanilang gawain at maparami pa ang mga gatasang kalabaw. Sa mga magsasakang namomroblema dahil sa mahirap magbuntis ang kanilang kalabaw, ayon sa mga kinauukulan ay maaaring mapataas ang conception rate ng kalabaw kung palaging sinusuri ang kalidad ng semilya na ginagamit sa pag-AI. May mga training module din sa tamang pangangalaga at pamamahala ng kalabaw ang PCC@CMU ukol sa bagay na ito. Kung ang problema ay mababa sa target performance ang naibibigay ng mga bulugang hiniram ng mga magsasaka, nakita na ang mga imported na purebred na kalabaw ay nasasanay na sa klima ng Mindanao at ito ay makatutulong upang maging maganda ang performance ng mga ito. May training module din ang PCC sa tamang pag-aasikaso, pamamahala at pag-aalaga ng bulugan upang mas mapabuti ang performance ng mga ito. Ukol naman sa pag-aalaga ng upgraded na kalabaw para gawing carabeef, isinaad ng mga kinauukulan na lubhang malaki ang pamilihan para dito. Dagdag pa rito, isinasaad na mataas ang presyo ng upgraded kumpara sa native na kalabaw. Sa pag-aaral, dahil mas marami ang demand para sa upgraded na kalabaw para sa carabeef nito, mataas ang presyo nito lalo na sa Bukidnon. Gatas at mga produktong gawa dito Ayon sa grupo ni Lantican, maraming bata sa Mindanao ang kulang sa nutrisyon. Malaking bahagi ang maiaambag ng pag-aalaga ng kalabaw dahil ang karne at gatas nito ay mas masustansiya pa sa gatas at karne ng baka. Makatutulong pa ang mga magsasakang nag-aalaga ng kalabaw dahil may mga programa ang gobyerno na tumutulong sa mga batang nangangailangan ng karagdagang nutrisyon sa pamamagitan ng milk feeding programs. Nakita sa pag-aaral na malaki ang maiaambag ng local government unit sa industriya ng paggagatasan at pagpoproseso ng gatas para sa iba’t ibang produkto. Kabilang sa magagawa ng mga LGU ay pagpapadali sa transportasyon ng gatas at mga produktong gawa dito, transportasyon mismo ng kalabaw at gayundin sa transportasyon ng pakain sa pamamagitan ng pag-aayos ng farm-to-market road. “Magsisilbing gabay ang pag-aaral na ito upang malaman natin ang mga pangangailangan ng bawa’t lugar lalo na sa Mindanao,” sabi ni Dr. Arnel del Barrio, acting executive director ng PCC. Idinagdag niya na ipagpapatuloy ng mga sentrong-tanggapan ng PCC sa Mindanao ang lalong pagpapaigting sa pagpaparami ng mga crossbred para sa produksyon ng gatas at karne ng kalabaw. Makatutulong din nang malaki, aniya, ang mga hayop na ito sa mga gawain sa bukid lalo na sa mga lugar na hindi gumagamit ng makina.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.