Patotoo ng mga magsasakang-maggagatas 'Dahil sa Farmer Livestock School, nadagdagan ang aming kaalaman, kahusayan sa pag-aalaga ng gatasang kalabaw' Jun 2017 Karbaw Farmer Livestock School, Moises Alfonso, Ludivico Guieb, Rafaelle Arca, Ceferino Ligot By Ma. Cecilia Irang “Learning by doing” o pagkatuto habang isinasagawa. Ludivico Guieb Ito ang estratehiyang nakapaloob sa “Farmer Livestock School on Dairy Buffalo Production (FLS-DBP)” na isinasagawa ng Philippine Carabao Center (PCC) para sa lubusang pagkatuto ng mga nag-aalaga ng mga gatasang kalabaw ng mga pamamaraan at teknolohiya ukol sa kanilang gawain. Mas epektibo kasi ito, kung tutuusin, kaysa binabasa o pinanonood lamang ang mga pamamaraan at angkop na mga gawain. Ayon kay Dr. Eric Palacpac, project leader, matututunan talaga ng mga kalahok ang mga teknolohiyang itinuturo sapagka’t ipinaiintindi muna sa kanila at aktwal na ipinasusubok ang paggawa ng mga itinuturong teknolohiya. Para naman hindi sila mabagot ay sinasamahan din ng palaro ang mga talakayan. Minsan sa isang linggo sa loob ng 34 na linggo dumadalo sa FLS-DBP ang mga kalahok, ani Dr. Palacpac. Sa isinagawang FLS-DBP, nakapagtapos noong nakaraang Pebrero ang 36 na kalahok mula sa San Jose at Guimba-Talugtug, Nueva Ecija habang noong Mayo naman ang 41 kalahok mula sa Ilocos Norte. Apat sa mga mga magsasakang-maggagatas na nagsipagtapos sa “paaralang” ito ang nagpatotoo na nadagdagan ang kanilang kaalaman sa pag-aalaga ng kalabaw. Ina-aplay na nila, anila, ang kanilang mga natutunan sa pagsasanay. Idinagdag pa nila na mas naging mahusay ang kanilang pangangasiwa sa mga inaalagaang kalabaw bunga ng natamong kaalaman sa pagsasanay. Testimonya Labis ang pasasalamat ni Moises Alfonso, 23, miyembro ng Eastern Primary Multi-Purpose Cooperative sa San Jose City, Nueva Ecija, na mapabilang siya bilang kalahok sa FLS dahil mas nalaman na niya ngayon kung paanong mapananatili ang magandang kalusugan ng kanyang mga alagang kalabaw. “Masarap sa pakiramdam na mayroong dahilan ‘yong paggising ko sa araw-araw para gampanan ‘yong mga tungkulin ko sa pag-aalaga ng kalabaw. Sa ganoong paraan ko kasi sila masusuklian sa araw-araw na perang hatid ng gatas nila,” salaysay niya. Nang tanungin kung anu-ano ang ina-applay niya na natutunan niya sa FLS, ito ang kanyang tugon: “Natutunan ko ‘yong tungkol sa body condition score (BCS). Alam ko nang tumingin ng katawan ng kalabaw. Nalaman ko rin ang iba pang damo na pwedeng ipakain sa kalabaw maliban sa napier at mais. Ina-aplay ko na lahat ‘yon,” ani Alfonso. Dagdag pa niya, natutunan din niya na para maiwasan ang sakit na liverfluke sa mga kalabaw ay hindi dapat itong isuga sa lugar na matubig at sa tuwing magsasakate naman ay dapat munang ibilad ang sakate sa araw bago ipakain. “Naging malaking tulong talaga ‘yong pagsali ko sa FLS para mas mapagbuti ko pa ‘yong pag-aalaga ko ng kalabaw. ‘Yong mga maling alam ko noon ay naitama dahil sa FLS,” wika niya. Kinilala si Alfonso bilang “Gold Farmer” noong nakaraang Pebrero sa seremonya ng pagtatapos ng FLS-DBP sa Nueva Ecija dahil sa ipinamalas niyang angking galing sa kanyang pakikilahok sa pagsasanay. Sa kasalukuyan, may 47 kalabaw na inaalagaan ang pamilya ni Alfonso. Isa pang magsasakang-maggagatas na kinilala ring “Gold Farmer” ay si Ludivico Guieb, 58, chairman ng Ayos Lomboy Producers Cooperative sa Guimba, Nueva Ecija. Para sa kanya, nakuha niya ang nasabing pagkilala dahil sa pagiging aktibo niya sa pakikilahok dahil na rin sa kagustuhan niyang matuto at madagdagan pa ang kaalaman niya sa pag-alalaga ng hayop. “Ang pag-alaaga ng hayop ay siya ko nang mundo. Maliban sa pamilya ko, dito na umiikot ang buhay ko,” wika ni Guieb. Sa ngayon, 31 kalabaw na ang inaalagaan ni Guieb. May pangarap pa siya na paabutin hanggang 50 ang mga ito kaya’t nakatakda pa siyang bumili ng iba pa. “Marami akong natutunan sa FLS… para akong bumaril ng isang ibon na na marami ang nalaglag. Hindi lang sa kalabaw ko nai-aaplay ‘yong mga natutunan ko kundi sa iba ko pang mga hayop. Natutunan ko rin kung paano ihahanda ang kalabaw para magbigay ng maraming gatas,” ani Guieb. Idinagdag niya na sa pagiging bulo pala lamang ng hayop ay dapat nang tutukan ang pagpapakain. Dalawang beses na ring ginagatasan ni Guieb ang mga alaga niya, bagay na hindi niya noon ginagawa bago siya lumahok sa FLS. Napag-alaman niya na nakatutulong nga ang gawaing ito para mas tumaas pa ang produksyon ng gatas ng kalabaw basta rin sinisiguro na sapat ang ibinibigay na pagkain sa mga ito. “Kailangan kasing dapat daw bigyan ng masustansiyang pagkain ang gatasang hayop dahil kung ano ‘yong kinuha mo sa kanya, ‘yon din dapat ang ibalik sa kanya,” ani Guieb. Mula naman sa mga kalahok ng FLS-DBP sa Ilocos Norte, nagbahagi rin ng kanilang mga natutunan sina Rafaelle Arca, 34, ng Vigan Ilocos Sur, at Ceferino Ligot, 49, ng Marcos, Ilocos Norte. Nang napag-alaman ni Arca, na nakapagtapos ng kursong animal science, na nasa maliit na porsyento lang ang napoprodyus na gatas ng Pilipinas kumpara sa ibang mga bansa ay naging hamon ito para sa kanya. Magmula noon, ninais na niyang makapag-ambag ng produksyon ng gatas sa bansa kaya siya nag-umpisang bumili at mag-alaga ng mga gatasang kalabaw noong 2010. Hindi naglaon, naging recipient din siya ng anim na Italian Mediterranean buffaloes ng PCC sa Mariano Marcos State University at napabilang sa mga piling kalahok sa FLS-DBP. Ayon kay Arca, na may 16 na gatasang kalabaw, malaki ang naging tulong ng FLS para lumawak pa ang kaalaman niya sa pag-aalaga ng kalabaw. Nasubukan niya, aniya, ang aktwal na paggawa ng mga teknolohiya tulad ng pagbuburo ng damo (silage), urea-treated rice straw (UTRS), at vermicomposting na ina-aplay na niya ngayon sa kanyang gawain. “Dati kasi sariling sikap ang pag-aaral ko. Pagbababasa lang at walang aktwal na paggawa ang ginagawa ko noon, pero sa FLS pinag hands-on kami kaya doon ko talaga natutunan ang dapat mapag-alaman. Nalaman ko rin ang siyensiya sa likod ng mga teknolohiya at kung bakit ito ang dapat isagawa,” patotoo niya. Dagdag pa niya, kahit tapos na ang FLS ay patuloy pa rin ang pagsasagawa niya nang lahat ng mga natutunan niya para sa ikaaayos pa ng paraan niya ng pag-aalaga. Ayon naman sa patotoo ni Ligot, na may dalawang crossbred na babaing kalabaw, natutunan naman niya kung ano ang paunang lunas na dapat gawin kung sakaling magkasakit ang kanyang mga alaga at kung paano maiiwasan ang pagkakasakit ng mga ito. Dahil din sa FLS ay nahikayat siyang magpatayo agad ng maayos na kulungan para sa kanyang mga alagang kalabaw, magpagawa ng vermibed at magtanim ng mais para may maipakain sa kanyang alaga. “Noon, ‘yong mga kalabaw ko ay talagang wala pang kulungan, nakapastol lang sila sa bukid . Ngayon may kulungan na sila at mas madali ko na silang naaalagaan at nababantayan,” ani Ligot. Bunga ng FLS Ayon kay Dr. Palacpac, layunin ng FLS-DBP na makapag-debelop ng extension modalities para kumpletong maihatid ang mga kasudlong na serbisyo at mapatibay pa ang technology adoption (pagtangkilik sa teknolohiya) ng mga magsasakang-maggagatas sa kanayunan. Ang FLS learning workshops (para sa facilitators at magsasaka) ay pinamamahalaan din ni Ms. Marie Alo, Senior Science Research Specialist mula sa Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD). Nang dahil na rin sa mga patotoo ng mga naging kalahok, nagsagawa muli ng “Facilitators’ Learning Workshop on FLS-DBP” para sa isasagawa pang FLS. Ang mga sinanay ay kinabibilangan ng 10 miyembro ng local government units, pitong magsasakang-maggagatas at tatlong kawani ng PCC mula sa Bulacan, Tarlac, Ilocos Norte, at Bohol. Sila ay sumailalim sa 15 araw na pagsasanay mula Mayo 8 hanggang Mayo 26 sa punong tanggapan ng PCC.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.