Sa Capas, Tarlac, Kawili-wiling lugar panturismo sa EDL Agritourism Farm Sep 2018 Karbaw EDL Agri Tourism Farm, Capas, Tarlac By Ma. Cecilia Irang Masusumpungan ng mga turista sa EDL Agritourism Farm Incorporated (EDLAFI), sa barangay Dolores, Capas, Tarlac ang halos lahat ng sangkap sa industriya ng agrikultura na magpapamalas sa kanila kung paano ang tunay na pamumuhay sa gawaing pagsasaka. Isang kakaibang karanasan ang hatid ng EDL farm sa transportasyon gamit ang kariton na hinihila ng native na kalabaw. (Larawang kuha ng EDL Agri Tourism Farm, Inc.) “Buhay-rancho” kung ilarawan ng mga namamahala sa EDLAFI ang mararanasan ng mga bibisita rito . Isa ang EDLAFI sa mga destinasyong pang-agri-turismo na akreditado ng Department of Tourism (DOT) kung kaya’t siguradong nakaayon sa dapat asahang magandang kalidad ng serbisyo at pasilidad ang makikita rito. Anim na ektarya mula sa 30 ektaryang kabuuang lawak na lupain ng EDLAFI ang nakalaan para sa farm tourism ng kumpanya sa ilalim ng brand enterprise nito na “EDL Farmhouse” o “Farmhouse by Estancia de Lorenzo”. Isang konsepto ito na nagtatampok sa pagsasaka bilang pangunahing atraksyon sa turismo. “Gusto naming tunay na maintindihan at hangaan ng makabagong henerasyon ang pagsasaka. Magkakaroon lang sila ng tunay na pagpapahalaga kapag nakita nila kung paano ba napoprodyus ang ating mga pagkain at ang dulot na saya nito,” ani Allan Casajeros, Vice President for Operations ng EDLAFI. Bukod sa maginhawa at komportableng bahay-tulugan at mga lugar-pasyalan, mararanasan din ng mga turista ang aktuwal na paggagatas at pagpapakain ng baka, kalabaw, native na baboy, at maging ang pagtatanim ng palay. Bukod dito, mapapanood din ang aktuwal na paggawa ng organikong pataba, balut at itlog na maalat. Pwede ring mamitas ng mga gulay, sumilip sa egg-hatchery, at bumisita sa mga pasilidad para sa aquaponics at hydroponics. Ang aquaponics ay isang sistema sa pag-aalaga ng isda na kung saan ang mga dumi nito ay nagbibigay ng nutrisyon sa mga halaman na siya namang nagpapadalisay sa tubig. Ang hydroponics naman ay isang pamamamaraan sa pag-aalaga ng halaman na hindi ginagamitan ng lupa kundi ng tubig na may kaukulang nutrisyon. Isa pa sa kakaiba sa EDLAFI na tiyak na maiibigan ng mga turista ay ang paraan nito ng transportasyon para sa pag-iikot ng mga turista. Maliban sa paggamit ng traktora at ordinaryong sasakyan, mayroon ding kariton na hinihila ng native na kalabaw. “Kapag anim hanggang walo ang bilang ng bisita, p’wede na nilang subukan ‘yong pagsakay sa kalabaw na karaniwan lang na mararanasan sa probinsya,” ani Casajeros. Bagama’t isang taon pa lamang nitong Abril 2017 simula nang mairehistro ang EDLAFI, libu-libong turista na ang bumisita rito at nag-iwan ng mga papuri ukol sa kagandahan at pagiging isang tunay na atraksiyong panturismo ng lugar na ito. Ang EDLAFI ay rehistrado sa ilalim ng pangalan ng may-ari na si Dr. Eulalio Lorenzo. Pakikipag-ugnayan sa PCC Dahil limitado lamang ang bilang ng mga kalabaw na inaalagaan ng EDLAFI at para mapakinabangan din ang potensyal na umani ng maraming gatas, nakipag-ugnayan si Casajeros sa tanggapan ng Philippine Carabao Center (PCC) at nag-apply para sa isang family module category ng programang Carabao-Based Enterprise Development (CBED). Nitong nakaraang Marso, napahiraman sila ng PCC ng anim na kalabaw (dalawang bulo at apat na inahin) na may lahing Bulgarian Murrah. Sa kasalukuyan, 16 ang inaalagaang kalabaw ng EDLAFI. Sa bilang na ito, pito ang kumpirmadong buntis at inaasahan na ang pagdami ng produksyon ng gatas sa susunod pang mga taon. Ayon kay Casajeros, artificial insemination ang paraan ng pagpapalahi nila sa mga alagang kalabaw. Sa pakain naman ay mayroon silang Napier na Pakchong, Mombasa, at Mulato. Gayon din, sinusuplementuhan nila ang pakain ng concentrates at silage tuwing tag-araw. “Madaling alagaan ‘yong mga kalabaw. Sa umaga ay ipinapastol namin sila sa mga madamong pastulan at isinisilong tuwing gabi,” ani Casajeros. Binubuo ng tatlong enterprises ang EDLAFI: ang EDL Farmhouse kung saan nakapaloob ang farm tourism; ang EDL Farm Selection na nakatuon naman sa mga hayop na ibinebenta bilang breeder gaya ng Peking duck, black pig, at Japanese eel; at ang EDL Farm Fresh na para naman sa iba’t ibang farm products. Nagsanay ang PCC ng mga empleyado ng EDL para sa mga produktong gawa sa gatas ng kalabaw at baka. “Bilang ako nama’y isang nutritionist by profession, balak naming i-fortify ng selenium ang mga produktong gawa sa kalabaw at baka. Alam ko kung paano mapapataas ‘yong selenium content ng protein products namin tulad ng gatas, karne, at itlog,” paliwanag ni Casajeros. Dagdag niya, mainam ang selenium sa katawan ng tao dahil sa taglay nitong antioxidant na nagpoprotekta sa selula (cells) mula sa pagkapinsala. Ang mga produktong gatas ng kalabaw at baka na nakalagay sa magkaibang pakete ay dumaan mula sa matamang pananaliksik ng EDLAFI. Nakapagproseso na sila ng pastillas, cream cheese, milk jam, at kasalukuyan na ring nagdedebelop ng ice cream. “Sa totoo lang, mas mabenta at gusto ng merkado ang gatas ng kalabaw para sa pastillas at ice cream dahil mas masarap ang mga ito kung linamnam din lang ang pag-uusapan,” patotoo ni Casajeros. Plano sa hinaharap Ilan sa mga nakalinyang isasakatuparan ng EDLAFI ang pagkakaroon ng sample farm o “agritainment park” na maglalaman ng lahat na dapat malaman at makita ng mga bibisita sa farm para maseguro ang biosecurity at hindi makakuha ng sakit ang mga hayop mula sa mga bisita. Maliban dito, magbubukas na rin sila ng restaurant, magdadagdag ng bilang ng kuwartong tulugan, seminar halls, at villas, magdedebelop ng pasture area para masuportahan ang pakain para sa mga idaragdag pang alagang hayop, at magtatayo rin ng feed mill at farm school para sa mga magsasaka. “Kapag nagkaroon kami ng farm school, ibabahagi namin ang mga kaalamang teknikal sa pag-aalaga ng kung ano ang mayroon kami rito at nang sa gayon ay maging inclusive ang progreso at paglago namin sa komunidad,” salaysay ni Casajeros. Maliban sa PCC, kabilang din sa mga kabalikat na ahensiya ng gobyerno na umaasiste sa EDLAFI ay ang National Dairy Authority (NDA), Agricultural Training Instititute (ATI), DOT, at Villar SIPAG.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.