Kuwento ni Juana Mar 2020 Karbaw Emily Velasco, San Jose City, Nueva Ecija, kuwentong juana By Charlene Joanino Upang kilalanin ang mahalagang papel at ambag ng kakabaihan sa industriya ng gatas at ipagdiwang din ang “2020 National Women’s Month” ngayong Marso, ibinabahagi ng DA-PCC ang kuwento ni Emily Velasco. Siya ay isa sa mga carapreneurs na inaasistehan ng ahensiya sa San Jose City, Nueva Ecija. Emily Velasco, San Jose City, Nueva Ecija (Larawang kuha ni Rowena Bumanlag) Ilang taon na ang lumipas nang suungin ni Emily Velasco, 56, ng Villa Joson, San Jose City, ang mga negosyong salig sa pagkakalabaw. Ang kanyang sipag at tiyaga ang naging susi upang makamit niya ang parangal bilang “Modelong Juana sa Kalabawan” noong 2017 na iginawad ng PCC. Kaakibat nito, kanyang pinatunayan na ang carapreneurship o pagnenegosyo sa tulong ng kalabawan ay maaaring gawin ng kahit na sino at hindi hadlang ang kasarian o ano pa man upang umasenso. “Ang mga babae ay hindi pahuhuli pagdating sa industriya ng gatasan. Hindi natin dapat hayaan na maging dahilan ang ating mga limitasyon para hindi magtagumpay,”ani Emily. Pumalaot si Emily sa paggagatas upang makatulong sa pampinansiyal na pangangailangan ng kanyang pamilya. Tulad ng marami, kinailangan niyang pag-aralan ang pag-aalaga ng kalabaw. Sumali si Emily sa Simula ng Panibagong Bukas Producers Cooperative (SIPBUPCO) kung saan nagsilbi siyang sekretarya nito sa loob ng apat na taon. Kabilang si Velasco sa mga miyembro ng SIPBUPCO na naging benepisyaryo ng gatasang kalabaw sa ilalim ng “25 Dairy Cow Module” ng PCC. Siya pa lamang noon ang nag-iisang babaeng maggagatas na miyembro ng SIPBUPCO. Taong 2012, napasama siya sa Board of Directors ng nasabing samahan. Siya ay naging tagakolekta naman ng gatas mula sa mga miyembro ng koop simula ng maging multi-purpose cooperative ito. Sa kasalukuyan ay mayroon nang walong kalabaw si Emily at tatlo rito ay pahiram ng PCC. Nakalagak ang mga ito sa kaniyang dalawang ektaryang lupain sa Villa Joson. Nandito rin ang kawan at taniman ng damong pakain para sa kaniyang mga alaga. Katulong niya sa pagkakalabaw ang kaniyang asawa na isang empleyado sa San Jose City. Naranasan nilang kumita ng Php1,000 araw-araw buhat sa pagbebenta ng 10 litrong gatas mula sa isang kalabaw lamang. Kanilang ipinagbili ang gatas sa halagang Php60 kada litro. Ani Velasco, ang perang kaniyang kinikita sa paggagatas ay sapat na para sa pangangailangan ng kanyang pamilya at mas malaki kung ikukumpara sa suweldo ng kanyang asawa. Kung kaya’t nilayon niyang pag-igihan ang pag-aalaga sa kaniyang mga kalabaw gayundin ang pagbalanse niya ng oras para sa kaniyang pamilya at mga gampanin sa koop. Bukod sa paggagatas ay kumikita rin si Emily sa iba pang paraan sa tulong ng mga alaga. “Sa panahong ‘di inaasahang may pangangailangan sa pera, ibinebenta ko ang ilan sa aking mga kalabaw. Ito ay lubos na nakatulong para matustusan ko ang pag-aaral ng aking panganay na anak, na ngayon ay isa nang civil engineer,” pagbabahagi ni Emily. Isa pang pinanggagalingan ng kita ni Emily ay vermicomposting. Ang nasabing teknolohiya ay gumagamit ng dumi ng kalabaw at bulateng African Night Crawlers para sa produksyon ng organikong pataba na “vermicompost”. Kada dalawang buwan ay nakakokolekta si Velasco ng 10 sako ng pataba mula sa kaniyang bakuran na kanyang naipagbibili sa halagang Php2,500. Ang kaalaman ni Emily sa naturang teknolohiya ay kaniyang natutunan sa Farmer Livestock School on Dairy Buffalo Production (FLS-DBP) na kanyang nilahukan noong 2016. Ang FLS-DBP ay isang pagsasanay na isinasagawa ng PCC. Saklaw ng FLS-DBP ang iba’t ibang teknolohiya at pamamaraan sa pag-aalaga ng gatasang kalabaw maging ang mga negosyong salig dito na maaaring pagpilian ng mga magsasaka base sa kanilang pangangailangan. “Mainam mag-alaga ng kalabaw ang mga kababaihan lalo’t natural kaming mapag-alaga. Kung natututukan ang kalabaw mas maraming biyaya ang ibibigay nito,” ani Emily. Sa hinaharap ay pangarap ni Velasco na mas maparami pa ang kanyang mga kalabaw at magproseso na rin ng mga produktong may gatas. Kaya naman, noong ika-27 hanggang ika-28 ng Pebrero ay dumalo siya at ang ilang mga miyembro ng kanilang koop sa pagsasanay na isinagawa ng PCC ukol sa pagpoproseso ng mga produktong may gatas ng kalabaw.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.