'Export Quality' ice cream na may gatas ng kalabaw patok sa Pinas Mar 2020 Karbaw Magnolia Ice Cream, MIC, export quality By Charlene Joanino Kung ang hanap ay ice cream na sumasalamin sa kultura at panlasang Pinoy na pang-world class, tiyak na magugustuhan ang mga produkto ng Magnolia Ice Cream (MIC) – partikular ang dalawang ice cream lines nito na “The Best of the Philippines” at “Premium Classic” na may gatas ng kalabaw. Magnolia Ice Cream na may gatas ng kalabaw. Ayon kay Camille Dimaculangan, MIC assistant product manager, taong 1925 nang magsimula ang MIC na magbenta ng ice cream popsicles at buhat noon, unti-unting dumami ang produkto nito. Kalaunan ay nakilala ang MIC sa patok nilang “Magnolia flavor of the month” kung saan kada buwan ay pumipili ang MIC ng ice cream flavor na ihahain sa mamimili. Unang gumamit ang MIC ng gatas ng kalabaw sa kanilang kesong puti flavor noong 2013. Ayon kay Joel Galareta, MIC product development manager, ibinase nila ang lasa nito sa kesong puti ng Nueva Ecija na may gatas ng kalabaw. Nguni’t, ito ay hindi na nasundan pa. Taong 2018 na nang magdesisyon ang MIC na gumamit ulit ng gatas ng kalabaw sa mga piling produkto nito. Bukod sa layuning mas mapasarap pa ang kanilang produkto, ito rin ay parte ng adbokasiya na matulungan ang mga magsasakang maggagatas ng kalabaw. “Nais namin na matulungan ang mga magsasaka na magkaroon ng siguradong mapagbebentahan ng ani nilang gatas,” paglalahad ni Dimaculangan. Bumibili ang MIC ng pirming dami ng gatas mula sa PCC, Nueva Ecija Federation of Dairy Carabao Cooperatives, at isang pribadong farm. Tinitipon ang gatas sa planta ng PCC at ipinapasteurize saka ipinapasa ng PCC sa MIC. Upang masiguro ang kalidad ng gatas, direktang kinukuha ng MIC ang gatas sa planta ng PCC sa Nueva Ecija. Inilalagak ang mga ito sa mga milk cans at iniimbak sa kanilang planta kasama ng iba pang sangkap ng ice cream. Matatagpuan ang planta ng MIC sa Laguna. Sa ngayon, ang paboritong flavors ng Best of the Philippines line na tinatangkilik ng consumers ay Tablea Yema, Taro White Cheese, at Avocado Macchiato. Ang iba pang flavors nito ay Quezo Mangosteen, Ube Salted Carmel Waffle, Turon Dulce De Leche, Mango Dark Chocolate, at Ube Keso. Sa Premium Classic line naman, ang mga flavors ay Avocado, Pastillas, at Kesong Puti. Ang mga flavors na ito ay piniling patuloy na i-prodyus ng MIC dahil mula noon hanggang ngayon ay tinatangkilik pa rin ng masa. “Sa tuwing nag-iisip kami ng flavors, isinasaalang-alang namin ang panlasang Pinoy. Kaiba sa kalimitang flavor, may ‘twist’ yung sa’min dahil pinaghahalo namin ang sangkap na ‘di mo akalaing masarap pala ‘pag magkasama,”ani Galareta. Dagdag niya, mas lalo pang naging creamy at masustansiya ang kanilang ice cream lalo’t nilagyan ng gatas ng kalabaw. Napansin din niya na may mga sangkap na natutulungan ng gatas ng kalabaw na mas maging malasa kaya mas sumasarap ang ice cream. Taun-taon ay naglalabas ang MIC ng bagong flavor na dumadaan sa sensory assessment upang masiguro ang kalidad ng kanilang ice cream. Ipinatitikim ito at tinitingnan kung ito ay kanilang magugustuhan. Kung mayroong negatibong komento rito ay agad-agad na inaayos o pinapalitan ang isang flavor. Hindi lamang sa Pilipinas ibinibenta ang mga produkto ng MIC kundi ini-export din sa Middle East, Singapore, Australia, at Japan. Samantalang kilala ang mga produkto ng MIC bilang San Miguel Gold Label sa US at Canada. Kabilang ang MIC sa mga saklaw ng Magnolia Inc. na isang subsidiary ng San Miguel Food and Beverage Inc. na nasa ilalim ng San Miguel Corporation (SMC). Ang SMC ay pinamumunuan ni SMC President Ramon Ang habang ang MIC ay nasa pamamalakad naman ni Judah Ruiz na siyang vice president at marketing manager ng Magnolia.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.