Anang isang magsasaka sa Maramag, Bukidnon ‘Walang tagumpay kung susuko sa buhay’ Dec 2018 Karbaw Zosimo Tejano, Italian Mediterranean Buffalo, Bulgarian Murrah Buffalo, Maramag, Bukidnon By Chrissalyn Marcelo Kaakibat na ng buhay ang anumang pagsubok. Kaya naman kailangan na maging matatag, tanggapin ang mga hamon, at huwag sumuko upang marating ang minimithing pagtatagumpay. Si Zosimo Tejano kasama ang kanyang kalabaw. Ganito inilalarawan ni Zosimo Tejano, isa sa mga magsasakang maggagatas na ginagabayan ng PCC sa CMU sa Maramag, Bukidnon, ang kanyang pananaw at naging gawi sa dinanas niya sa buhay. Taong 2015 nang siya’y mapahiraman ng gatasang kalabaw na may lahing Italian Mediterranean Buffalo mula sa PCC sa CMU. Ito ang naging panimula niya sa pagsuong sa pag-aalaga at paggagatasan ng kalabaw na kasama ang ilan pa sa kanilang lugar. Lubhang mahirap ang panimula, na naging dahilan para ang kanyang mga kasama ay panghinaan ng loob at bumitaw. Karaniwang naging dahilan ay ang pagkainip sa pagbubuntis ng kani-kanilang alaga. Pero hinarap ni Zosimo ang problema at siya’y hindi sumuko. Ang resulta? Siya na lang ang natirang nakatindig at nagtatamasa ng mga ganansiyang dulot ng pagkakalabawan. Laki sa hirap Si Zosimo, na ngayo’y patuloy na ginagabayan ng PCC sa CMU, ay mailalarawang medyo angat na sa buhay kumpara sa kapwa niya magsasaka. Palibhasa’y lumaki sa kahirapan, hindi niya alintana ang pagtitiis sa kalagayan at gawain sa buhay katulad ng nag-iisa siya sa pag-aalaga sa kanyang mga kalabaw, walang daloy ng kuryente sa kanilang lugar para sa pagpapagaan ng mga gawain sa pagkakalabawan, at sa araw-araw ay nagtatrabaho pa siya sa kanyang bukid. Pag-ahon sa kahirapan ang nakasilid sa isip niya kung kaya’t walang pag-aatubili siyang sumali noong 2014 sa programa ng PCC sa CMU na pagpapahiram ng gatasang kalabaw. Naririnig niya noon sa isang himpilan ng radio ang programang ito ng PCC sa CMU at ang kabutihang maidudulot nito. Ama ng limang anak sa asawang si Grace, nairaraos lang niya noon ang buhay sa pagiging isang kasama sa dalawang ektaryang lupa na dating tinatamnan ng mais nguni’t ngayo’y may mga tanim ng “rubber tree”, isang ektaryang taniman ng tubo, at pag-aalaga ng baboy. Umaabot lang sa 75% ng tubo ang kita sa lupa na lubhang hindi naman kalakihan ang naaani. Ngayon, sa kanyang pagkakalabawan, solong-solo niya ang buong kita na ayon na rin sa kanya ay mas malaki pa kumpara sa kinikita niya sa pagtatrabaho sa lupa. Pagkakalabawan Inamin ni Zosimo na sadyang hindi naman madali ang mga gawain sa pagkakalabawan lalo pa nga’t wala na silang daloy ng kuryente sa kanilang lugar na magpapadali sana sa mga gawain. Manu-mano niyang tiniis ang mga gawaing kaakibat ng pag-aalaga ng kanyang mga kalabaw. Sa ibabaw nito, tambak din ang aniya’y lubhang nakasusubok ng katatagang mga gawain o mga pagtitiis, na katulad ng: (1) pagkumpleto sa mga kailanganing kahingian o requirements na pagtitindig ng kulungan ng kalabaw, pagtatanim ng napier grass sa isang ektaryang inuupahan niyang lupa, at paglahok sa mga kailanganing pagsasanay sa pag-aalaga ng kalabaw; (2) matagal na paghihintay sa pagbubuntis ng ilan sa mga alaga niyang kalabaw; (3) pagkamatay ng pitong bulo dahil sa pagkakaroon ng sakit ng mga ito, at (4) kawalan ng pagkakataon para makapagproseso ng gatas dahil sa wala ngang daloy ng kuryente sa kanilang barangay. Pero, patuloy pa rin si Zosimo sa pagpupursige sa pagkakalabawan sa kabila ng mga hamong ito. At, hindi naman siya nabibigo. Sa katunayan, tinatamasa niya ngayon ang mga ganansiya sa pag-aalaga ng 14 na kalabaw na binubuo ng 10 babaeng gatasan, isang bulugan at tatlong bulo na kinabibilangan ng Italian Mediterranean Buffalo at Bulgarian Murrah Buffalo. Mula nang taong mag-alaga siya ng gatasang kalabaw, siya’y kumita na ng kabuuang Php837,221 mula sa 15,222.20 litrong gatas na naibenta niya sa PCC sa CMU. Bunga nito, aniya, patuloy na napag-aaral niya ang mga anak sa eskwelahan, nakapagpundar na rin ng mga gamit na lutuang de gasul mula sa dati-rati’y de-kahoy lang na lutuan na kanilang gamit, at generator set na nagbibigay ng daloy ng kuryente para sa kanilang ilaw at washing machine; at milking machine na ang halaga’y Php52,000. Gamit ang kanyang milking machine, dalawang beses sa maghapon ang paggagatas niya sa kanyang 10 kalabaw. Bawa’t isa sa mga ito ay nagbibigay ng limang litrong gatas, na papahina na dahil papaatras na (drying off period) ang gatas ng mga ito, at naibebenta naman niya sa PCC sa CMU sa halagang Php60 kada litro. Pinakakain niya ng isang kilong lactating feeds bawa’t kalabaw na ginagatasan kada araw. Nasa halagang Php10,000 din ang karaniwan niyang gastos sa pakaing ito. Bumibili rin siya ng yelo na ginagamit para sa pagpapalamig ng gatas at krudo para sa kanyang makina. Umaabot sa halagang Php40,000 hanggang Php50,000 ang kita niya ngayon bawa’t buwan mula sa kanyang paggagatasan samantalang nasa halagang Php15,000 naman ang kabuuan niyang gastos. “Buong akala ko noon ay hindi ko na magagawang maiaangat ang aming kabuhayan at makapagpundar ng mga gamit namin sa bahay. Salamat sa pagkakalabawan, at salamat din sa naging paninindigan ko na huwag sumuko sa mga matitinding hamon kaugnay ng kinakailangang gawain,” buong saya at pagmamalaking sabi ni Zosimo.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.