Epektibong pagpapalahi, pag-alam kung buntis na ang kalabaw, susi sa pag-igi ng paggagatasan Mar 2019 Karbaw protein-associated glycoprotein, calving interval, epektibong pagpapalahi, buntis By Charlene Joanino Kalimitang isang malaking hamon sa magsasakang maggagatas ang pagpapabuntis at pag-aantay sa muling pagpapabuntis (calving interval) ng alagang kalabaw. Sa panahon ng paghihintay, walang kitang pumapasok sa pamilya ng magsasaka. Upang ma-determina sa pinakamabilis na panahon kung nagtagumpay ang pagpapabuntis ay gumagamit ng ultrasonography o ultrasound at protein-associated glycoprotein (PAG) assay. Bilang tugon sa mga hamong ito, inilunsad ng PCC at Philippine Council for Agriculture, Aquatic and Natural Resources Research and Development (PCAARRD) ang proyekto na tinawag na “Development of Reproductive Management Program for Increased Efficiency of Artificial Insemination (AI) in Dairy Buffaloes.” “Layunin ng proyekto na ‘di lang mapahusay ang paraan ng pagpapalahi sa kalabaw gamit ang AI kundi mapaiksi din ang calving interval (pagitan ng huling panganganak at susunod na panganganak) sa pamamagitan ng paggamit ng Triple E strategy,” ani Dr. Edwin Atabay na siyang tagapamuno ng proyekto. Kasama niya sa proyekto sina Dr. Eufrocina Atabay, Dr. Jessica Gay Ortiz, Jhon Paul Apolinario at Erwin Encarnacion. Ang kahulugan ng “Triple E” ay Enhancing Pregnancy Rate, Effective Rebreeding Program at Early Detection of Pregnancy. Tinitingnan sa proyekto ang pagpapataas ng bilang ng napagbuntis na mga kalabaw gamit ang mas pinabisang AI. Kaugnay din sa proyekto ang maagang pag-determina ng pagbubuntis at pagpapataas ng kita sa gatas dahil sa pinaikling calving interval. Ayon kay Dr. Edwin Atabay, kung dati ang pagiging epektibo ng AI ay umaabot lamang sa 20-25%, umangat na ito sa 35%-40% sa nakaraang tatlong taon na pagsasagawa ng proyekto. Dagdag niya, isinusulong din ng proyekto na mapaikli ang calving interval sa pamamagitan ng maagang deteksyon ng pagbubuntis. Ang proyekto ay nagsimula noong 2016 at matatapos ngayong taon. Ito ay isinasagawa sa National Impact Zone (NIZ) o Nueva Ecija at sa San Agustin, Isabela. Ang mga kalabaw na may body condition score na 3-4 at may obaryong may laki na aabot sa 2 cm ang na-kunsidera na ilahok sa proyekto. Tulong sa magsasasaka “Dati kailangan ko pang maghintay ng dalawa hanggang tatlong taon para mabuntis ang kalabaw ko. Ngayon sa sunud-sunod na taon ay may nabubuntis sa aking mga alaga at may siguradong gatas akong nakukuha,” pagbabahagi ni Eddie Allado. Kabilang si Allado sa mga magsasakang maggagatas mula sa San Agustin, Isabela na ayon sa kanya ay hindi nagdalawang isip na mapabilang sa proyekto. Lalo’t aminado siya na sa kulang isang dekada niyang pagsuong sa paggagatas ay naparami niya ang kaniyang kalabaw mula apat hanggang labing-anim sa tulong ng Artificial Insemination (AI) at nitong huli ay buhat sa Fixed Time AI (FTAI). “Buhat sa pagsisimula ng proyekto, dumami na ang nagpapa-FTAI sa San Agustin dahil nakita ng mga maggagatas na epektibo ito,” ani Dr. Atabay. Ang FTAI ay mas pinainam na pamamaraan ng pagpapalahi na ginagamitan ng mga hormones upang itakda ang panahon ng pagpapabuntis ng kalabaw at hindi na hihintayin pa ang natural na paglalandi nito. Base sa datos nang nakaraang taon, nakapagsagawa ng FTAI sa 609 purebred na kalabaw sa NIZ at 122 crossbred na kalabaw sa San Agustin. “Dahil dumami ang aking mga alagang kalabaw, mas tumaas ang aking kita mula sa gatas,” ani Allado. Sa tatlong kalabaw ay nakakukuha siya ng 12-13 litro ng gatas. Ayon sa kaniya, siya ay kumita ng higit sa Php100,000 sa loob ng walong buwan. Bukod sa natugunan niya ang pang-araw-araw na pangangailangan ng pamilya, unti-unti na rin niyang naipaayos ang kanyang bahay at nakapagpundar din siya ng dalawang motorsiklo mula sa kita sa gatas. Pagsusulong ng Proyekto Ayon kay Dr. Jessica Gay Ortiz, isa sa nagsasagawa ng proyekto, pinag-aralan ng husto ang “estrous cycle” ng kalabaw upang makapag-determina at mapagbuti ang mga paraan na gagamitin sa pagpapalahi pati na rin sa pag-alam ng pagbubuntis ng kalabaw. Isinagawa at sinuri ang mga pamamaraan sa ilang kalabaw sa PCC Gene Pool bago gawin sa kanilang target sites. “Kailangan nating mapataas ang porsiyento ng pagbubuntis ng mga kalabaw upang mapakinabangan nang husto ang mga inaalagaan,” ani Dr. Atabay. Upang madetermina sa pinakamabilis na panahon kung nagtagumpay ang pagpapabuntis ay gumagamit naman ng ultrasonography o ultrasound at protein-associated glycoprotein (PAG) assay. Gamit ang mga nasabing pamamaraan, maaring mabawasan ng anim na buwan ang calving interval na maaaring umabot ng kulang dalawang taon o higit pa at ang magsasaka ay posibleng kumita ng hanggang Php45,000. Dagdag niya, dapat pagbuntisin agad ang kalabaw sapagka’t nalulugi ang magasasaka sa panahong walang gatas na nakukuha mula rito habang gumagastos sa pangangailangan ng alaga. Mainam din, aniya, ang ultrasound dahil nagagawang ma-determina kung nakunan ang kalabaw o nagkaroon ng “early embryonic death”. Sa nasabing pangyayari ay nalulusaw ang ipinagbubuntis sa sinapupunan at karaniwang di nalalaman ito ng magsasaka dahil walang sintomas na ipinakikita ang kalabaw. Bunga nito, nagtatamo rin ng pagkalugi ang magsasaka. “Isa pang kagandahan ng ultrasound ay nalalaman kung may problema ang obaryo ng kalabaw at kung mainam ito na buntisin,’ dagdag ni Dr. Atabay. Mas lalo pang pinaiigting ang mga inisyatiba upang makamtam ang layunin ng proyekto sa nalalabing panahon nito.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.