Ang kalabaw dating dagdag sa produksyon ng abono, sentro na ng negosyo Dec 2019 Karbaw Ted Tyrone Matas Jr., millennial farmer, PCC@LCSF By Minda Diloy Tagahakot, tagahila, pang-araro, pangkarera, bukal ng gatas, karne at maging ng organikong pataba–ano nga ba ang silbi ng kalabaw sa isang magsasaka? Ted Tyrone Matas Jr. Ayon kay Ted Tyrone Matas Jr., maituturing na millennial farmer sa edad na 33, inakala niya noong una na ang kalabaw ay isa lamang bahagi ng integrated farming dahil sa dumi nito na pangkaraniwang ginagamit bilang abono o organikong pataba. Ang pananaw na ito ang nag-udyok sa kanya upang dumulog sa Philippine Carabao Center sa La Carlota Stock Farm (PCC@LCSF) na siyang nakakasakop sa Negros Oriental upang magsumite ng application sa paghiram ng kalabaw. Ginawa niya ito upang mabigyan ng katuparan ang kanyang integrated farming at mapaigting ang pag usad tungo sa mas malaking adhikain, ang makamtan ang organic farming certification. Pagtatanim ng lettuce, carrots, bell pepper at iba pang gulay na bagay sa malamig na lugar ang pangunahing pinagkakakitaan ng pamilya ni Ted. Naniniwala siya na mapapaunlad ng organikong pataba mula sa dumi ng kalabaw ang kanyang gulayan sa barangay Malaiba, Canlaon, Negros Oriental. At ito, sa tingin niya ang pinakamainam na opsyon para sa produksiyon ng organikong gulay. Hindi lingid sa kanyang kaalaman na may kakayanan ang kalabaw na magbigay ng maraming dumi hangga’t binibigyan ito ng sapat na pagkain at inumin. Sa pagdulog ni Ted sa PCC@LCSF, inilahad ni Victor Geroche, Artificial Insemination (AI) Coordinator ng Negros Oriental ang tungkol sa Carabao-based Enterprise Development (CBED). Iminungkahi ni Victor ang posibilidad ng pagkakaroon ni Ted ng buffalo dairy family module kung saan pahihiramin siya ng PCC ng gatasang kalabaw, aalagaan ito hanggang manganak, gagatasan at unti-unting magtatatag ng negosyong salig dito. Sa kabila ng nakakaganyak na presentasyon tungkol sa kita mula sa gatas, nanatiling matibay ang pananaw ni Ted na mas pakikinabangan niya ang dumi mula sa maluay na dambuhala. Gayunpaman, itinuloy niya ang application para sa isang dairy module, ang gatas ay incidental at dagdag na kita lamang. Noong Agosto 2017, nabigyan si Ted ng limang (5) purebred Italian Murrah Buffaloes, tatlo dito ay buntis. Makalipas ang ilang buwan, isa-isang nanganak ang mga kalabaw. Namangha si Ted lalo’t wala pang isang taon ay umabot na sa 16 litro ng gatas bawa’t araw ang nakukuha niya mula sa tatlong inahin. Biglang nagbago ang pananaw ng batang farmer-entrepreneur at naniwalang sadyang may lucrative na negosyo mula sa gatas ng kalabaw higit pa sa organikong pataba. Si Ted, graduate ng Political Science ay nag umpisang mag negosyo sa Nueva Vizcaya kung saan nagprankisa siya ng isang gasolinahan. Dala ng kasipagan, sinabayan niya ang negosyo ng pagpapatanim ng gulay gaya ng lettuce, carrots at iba pang sangkap ng chop suey. Lalo pang lumawak ang negosyo niya nang buksan niya ang “The Good Food” Restaurant sa Baler, Aurora kung saan dinadala at niluluto ang bahagi ng inaani niyang gulay. Sa paglipat niya ng gulayan sa mas patag na lupain ng kanilang pamilya sa Canlaon, naiwan sa pamamahala ng kanyang ama ang restaurant sa Baler. Dahil sa magandang produksiyon ng gatas, naisipan ni Ted at ng maybahay nitong si Lovette, isang Registered Nurse na gumawa ng iba’t-ibang produkto mula dito. Sa tulong ng tinagurian niyang “YouTube University” at sa patuloy na “trial and error” practice ay matagumpay nilang nabuo ang mga produktong: flavored milk; butter; dulce de leche at mozzarella cheese. Sa kasalukuyan, ang flavored milk, butter at dulce de leche ay ipinagbibili sa karatig na eskwelahan at order ng mga kapitbahayan na unti-unting kinalulugdan ang dati’y inaakalang gatas na maanggo. Ang mozzarella cheese naman ay dinadala sa Adamo Restaurant sa Dumaguete City kung saan ginagamit itong sangkap ng Bruschetta, isang Italian dish. Nakakarating din sa restaurant nila sa Baler ang ibang mozzarella cheese. Sa pagbabago ng pananaw ni Ted, napagtanto din niya na ang negosyong salig sa gatasang kalabaw ay mas may kasiguruhan dahil hindi kagaya ng gulay, ito ay di gaanong naaapektuhan ng pabagu-bagong panahon. “Sa paggugulayan, mas mataas ang panganib na hindi maibalik ang puhunan sakaling may dumaang kalamidad, pero ang kalabaw mananatiling nakatayo,” aniya. Kasabay ng natuklasang benepisyo at negosyo mula sa gatas ng kalabaw, unti-unti ding itinataguyod ni Ted at ng kanyang pamilya ang pagpapalaganap ng paniniwala na ang naturang “Kabaw” (tawag ng mga taga Canlaon sa kalabaw) ay hindi lamang pang trabaho kundi isang balong ng gatas na may mataas na kalidad at pwede pang lalong pataasin. Na ang gatas na ito ay walang amoy at mas masustansiya. Para kay Ted, ang maliwanag at malapit na hinaharap ay ang pagkakaroon ng “The Good Farm” section sa mga kilalang supermarkets. Sa naturang section ay matatagpuan ang mga lehitimo at hindi pangkaraniwang produkto mula sa gatas ng kalabaw na patuloy na kagigiliwan hindi lamang sa Negros kundi sa iba pang bahagi ng bansa. Dagdag ni Ted, ang nagpapatatag sa kanya upang pag-ibayuhin ang pagtupad sa pangarap na ito ay ang patuloy na paglago ng turismo sa lalawigan at ang patuloy na pagdami ng mga nagkakaedad na Pilipino na naniniwalang ang gatas ng kalabaw ay isang natural, masustansiya at kumpletong food supplement lalo pa’t ito ay organically produced. Naniniwala si Ted na makakamit ng kanilang produktong gatas ang certification bilang organic product dahil pinapakain lamang nila ang alagang kalabaw ng napier, darak ng palay at mais at brewer’s spent grain. Magiging laman din ng The Good Farm Section ang mga organically grown vegetables na ginamitan ng organikong pataba na gawa sa dumi ng kalabaw, ipa ng palay, at coco peat. Dahil sa nakakaengganyong kita mula sa kalabaw, napagpasiyahan ni Ted na ilagay sa gitnang bahagi ng kanyang sakahan ang kulungan ng mga kalabaw pati na lahat ng kakailanganin sa pagpapadami nito gaya ng ipitan para sa AI, pagpupurga, pagbabakuna, at paggagamot kung kinakailangan; pati na ang milking parlor. Sumisimbulo rin ito sa paglipat ng sentro ng negosyo niya sa buffalo dairy enterprise na inakala niya dating ancillary lamang sa produksyon ng organikong pataba. Ang negosyong salig sa kalabaw, ayon kay Ted ay isang negosyong hindi panandalian. Ito ay isang pangmatagalang kabuhayan kaya’t malaking bahagi ng dati niyang gulayan ay tinamnan na niya ng napier grass bilang paghahanda sa pagdami ng gatasang kalabaw. Pinaghahandaan din niya ang pagharap sa panibagong hamon sa pagpasok ng produkto niya sa pamilihan. Ito ay ang tuluy-tuloy na produksiyon ng gatas buong taon upang tuluy-tuloy rin ang pagkakaroon ng produktong mula dito sa mga pamilihan.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.