Keseo sa'yo! Masaganang ani ng tagumpay sa paggawa ng keseo Jun 2020 Karbaw Keseo, Compostela, Cebu, Queseo Festival By Ma. Cecilia Irang Kilala ang Compostela sa Cebu sa paggawa ng keseo na ang pangunahing sangkap ay gatas ng kalabaw. Isang gawain ito na naging bahagi na ng kultura at kasaysayan ng bayan dahil sa tiyak na ganansiyang hatid sa kanilang kabuhayan. Sa tulong ng kita sa paggawa ng keseo at pagbebenta ng mga lalaking kalabaw, napagtapos ng mag-asawang Conrada at Nicolas ng pag-aaral ang kanilang tatlong anak. Ang panganay nila ay nagtatrabaho na sa Saudi, ang pangalawa ay nakatapos ng kursong mechanical engineering habang ang bunso naman ay nurse. Sa katunayan, ang magandang epekto nito sa kanilang hanapbuhay ay ipinagdiriwang sa “Queseo Festival” kasabay ng selebrasyon ng pista ng bayan tuwing Hulyo. Ito rin ang produkto na napili ng bayan sa ilalim ng konseptong one-town-one product (OTOP) ng panlalawigang pamahalaan. Isa sa mga nabago ang buhay dahil sa pagtangkilik sa gawaing ito ay si Conrada Seballo, 65, na mahigit apat na dekada nang gumagawa ng keseo. Ang keseo ay kesong puti na gawa sa gatas ng kalabaw. Karaniwan itong nakabalot sa dahon ng saging at paboritong palaman sa mainit na pandesal lalo na kung may kasamang kape. Sa paggawa ng keseo umiinog ang buhay ng mag-asawang Conrada at Nicolas. Nguni’t bago tuluyang mapadpad sa negosyong ito, naranasan muna nila ang hirap na dulot ng walang tiyak at regular na mapagkakakitaan. Nakikiararo sila noon at nagbebenta ng panggatong na kadalasan ay hindi sumasapat ang kita para matugunan ang kanilang araw-araw na gastusin. “Hinikayat ako noon ng tiyuhin ko na matagal nang gumagawa ng keseo. Mayroon kasi kaming alagang native na kalabaw noon kaya sabi niya gatasan ko raw at ‘yong gatas ay gawin kong keseo at doon na kami nagsimula,” pagbabalik-tanaw ni Conrada. Nang nakakaipon na ay bumili sila ng apat pang babaing kalabaw para mas marami ang magawa nilang keseo. Hindi matatawaran ang dedikasyon na ipinamalas ng mag-asawa para magpatuloy sa gawaing ito sa kabila ng mga balakid na kinaharap nila. Nakatira sa bulubunduking lugar, hindi ganoon kadali ang transportasyon at kailangan nilang bumiyahe ng 12 kilometro mula sa tahanan nila sa barangay Lupa patungo sa Dairy Box products outlet ng Compostela Market Vendor’s Multi-Purpose Cooperative (COMAVEMCO), kung saan sila nagsusuplay ng keseo. Si Conrada ay miyembro rin ng COMAVEMCO, na inaasistehan ng DA-PCC sa Ubay Stock Farm (DA-PCC sa USF). Hindi rin maayos ang suplay ng kuryente at tubig sa lugar nila na siyang lalong nagpapahirap sa gawaing ito. Ilan lamang ito sa mga pagsubok na pinagdaanan ng mag-asawa nguni’t wala kahit isa rito ang naging hadlang para sila ay magtagumpay. “Kahit maraming balakid, hindi kami sumuko at nagpatuloy lang kami,” ani Conrada. Sa kasalukuyan, kumikita ng Php800-Php1,000 kada araw ang mag-asawa sa pagbebenta ng keseo. Karaniwang nasa 40-50 piraso na may timbang na 50 gramo kada isa ang nagagawa niya sa isang araw gamit ang 10 litro ng gatas. Binibili ito ng COMAVEMCO sa halagang Php20 kada piraso. Kalakip ang sipag at tiyaga sa negosyong ito, hindi naman sila nabigong anihin ang mga magagandang bunga ng kanilang pagsisikap. Nakapagpundar na rin sila ng sariling lupa, motorsiklo na nagagamit nila sa pang-araw-araw na pagdadala ng keseo sa bayan, washing machine, at iba pang mga appliances. Kung dati ay nag-iigib lang sila ng tubig sa balon, na 320 metro ang layo mula sa kanilang bahay, ngayon ay mayroon na silang water pump na ipinagkaloob ng DA-PCC para mas mapadali ang paraan nila ng pagkuha ng tubig. Si Conrada rin ang tinaguriang focal person ng COMAVEMCO pagdating sa dairy enterprise. Hinihikayat niya ang mga kapwa niya magkakalabaw na gatasan din ang kanilang mga alagang kalabaw at magproseso ng keseo para magkaroon sila ng dagdag na pagkakakitaan. “Nakita nila na nakapagpaaral kami ng mga anak dahil sa paggawa ng keseo. Tinatanong nila kung paano gumawa ng keseo kaya tinuturuan ko na rin sila,” sabi ni Conrada. May 12 alagang kalabaw sina Conrada. Pito rito ang babae: lima ang ginagatasan samantalang tatlo ang buntis. Nakakokolekta sila ng 12 litrong gatas kada araw. Mayroon din silang sariling taniman ng pakain para sa mga alaga. Maliban dito, dalawang kalabaw din ang pinapaalagaan nila sa dalawang kapitbahay na nagbibigay din sa kanila ng karagdagang kita. Plano ni Conrada sa hinaharap na ipamana ang negosyong ito sa kaniyang mga anak at pauwiin na ang anak niyang nagtatrabaho sa ibang bansa. Dahil sa ang negosyong ito ang nag-ahon sa kanila sa kahirapan, kampante at tiwala siya na ito rin ang magbubuklod sa kanilang pamilya at magbibigay sa kanila ng masaganang ani ng tagumpay.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.