Mula sa gatas ng kalabaw Sep 2020 Karbaw milkybun, Milka Krem By Lenilyn Murayag & Christine Mae Nicolas Higit pa sa pagiging katuwang ng mga magsasaka sa bukid ang nakamamanghang angking abilidad ng mga kalabaw. Pinatunayan ito at patuloy na isinasabuhay ng Philippine Carabao Center (PCC), isang ahensyang kasangga ng Department of Agriculture (DA) sa pagpapakilala ng mga produktong nagmula sa kalabaw. Ang Milkybun ay isa sa mga bagong produkto na ginawa ng DA-PCC Carabao Enterprise Development Section upang makapagbigay ng bagong oportunidad sa mga magsasaka-maggagatas sa pagnenegosyo. Ito ay may sangkap na gatas ng kalabaw na nagtataglay ng magnesium, potassium, calcium, at phosphorus. Ang bawa’t isang Milkybun ay halos katumbas ng 200 ml na gatas ng kalabaw at may 250 calories na nakatutulong sa produksyon ng enerhiya. PCC at Milka Krem Taong 1992 nang itatag ang DA-PCC sa Lungsod Agham ng Muñoz sa bisa ng Republic Act No. 7307 na naglalayong pagtuunan ng atensyon ang carabao farming lalo na at isang agrikultural na bansa ang Pilipinas. Higit pa rito, ninanais din ng PCC na makilala ang kalabaw bilang isa sa mga mapagkukunan ng masustansyang mga pagkain at mga inumin. Upang maibahagi sa masa ang mga benepisyong kayang ihandog ng mga kalabaw sa bawa’t indibidwal partikular sa pagkain at inumin, binuksan taong 2011 ang Milka Krem. Isa itong gusali kung saan makabibili at makatitikim ng mga produktong gamit ang gatas ng kalabaw. Bukod pa rito, idinisenyo rin ang Milka Krem na hawig sa istruktura ng mga karaniwang cafeteria upang makapaglaan ng espasyo sa mga taong nais magpahinga rito habang tumitikim ng mga produkto o humihigop ng mainit na kape na maaaring parisan ng tinapay. Mga tumatangkilik Maliban sa mga mag-aaral, kawani ng Central Luzon State University (CLSU) at mga naninirahan sa mga kalapit na lugar, tagapagtangkilik din ng mga produkto ng PCC ang mga biyaherong dumadaan sa Milka Krem na nais bumili ng pasalubong na mabibitbit pauwi. Mga benepisyo Kabilang sa mga benepisyong dulot ng pagkonsumo ng gatas ng kalabaw ang mga bitaminang tulad ng A and C na nakapagpapalakas ng immune system. Mayroon din itong calcium, manganese, copper, phosphorus, zinc at potassium na nakatutulong sa maayos na pagdaloy ng dugo patungo sa arteries. Mga tampok na produkto Ayon kay Jennica Jove, plant manager, Central Dairy Collecting and Processing Facility ng DA-PCC, kabilang ang pasteurized milk, chocolate milk, yogurt, pastillas at ice cream sa limang pangunahing produkto ng Milka Krem. Gayunpaman, nilinaw ni Jove na nagbabagu-bago ang mga produktong maaaring mabili batay sa produksyon at sa mga tumatangkilik ng mga nabanggit na produkto. Maliban sa tatak na “fresh at natural”, patuloy na nagiging mabenta sa publiko ang chocolate milk dahil sa linamnam at malasang tsokolate nito. Wala ring pinipiling edad ang ganitong produkto kung kaya’t patok sa kahit sinong mamimili. Sumusunod sa pinakamabentang mga produkto ng Milka Krem ang pasteurized milk at yogurt na swak naman sa panlasa ng mga hindi mahilig sa matatamis na pagkain o mga inumin. Hindi rin nagpapahuli ang ice cream na all-time favorite ng lahat bukod pa sa dahilang tumatagal ito ng hanggang anim na buwan sa ref. Kung mahilig naman sa matamis, nariyan ang pastillas na may iba’t ibang flavor. Tumatagal ang mga produktong gatas na walang halong preservative ng pito hanggang 10 araw. Ang pagpapahaba sa shelf life ng mga produktong gatas ang siya ngayong sinasaliksik ng product development team ng DA-PCC upang tumagal ang pag-iimbak sa mga produktong ito o kaya’y maibiyahe sa mas malalayong lugar. Kung magkagayon, mas darami ang makatitikim ng masustansiyang gatas ng kalabaw at mas lalawig ang industriya ng pagkakalabawan sa bansa. (Mula sa CLSU Collegian, Saka, pahina 62, 2019)
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.