Walang krisis sa 'dairy biz' Dec 2020 Karbaw Dairy Biz, COVID-19, By Ma. Cecilia Irang & Lilian Villamor & Marivic Orge Sa isang iglap, nagising ang mundo sa pandemyang dulot ng coronavirus. Milyong buhay ang kinitil ng sakit na COVID-19 at iginupo ang ekonomiya sa iba’t ibang panig ng mundo. Isa itong hindi malilimutang pangyayari sa kasaysayan ng tao. Dairy Biz Sa gitna ng ganitong krisis, ang kakayahang bumenta ng isang produkto lalo na sa industriya ng pagkain ay nakabase sa benepisyong hatid nito sa kalusugan ng mga mamimili. Ang gatas ng kalabaw ay isang produkto na nananatiling matatag sa gitna ng nasabing krisis dahil sa taglay nitong sustansya na mainam para sa nutrisyon ng publiko. Upang maihatid pa rin ang mga produktong gawa sa gatas sa iba’t ibang lugar, hinimok ng DA-PCC ang mga online resellers para maging kaisa sa layuning ito. Base sa datos ng DA-PCC, ang Central Dairy Collecting and Processing Facility nito ay nakapagproseso ng kabuuang 91,615.80 litro ng gatas mula Marso 16 hanggang Hunyo 20. Sa bilang na ito, 22,252.52 litro ang naibenta ng 37 online resellers sa kasagsagan ng community quarantine dahil sa pandemya o 17% ng kabuuang gatas na naproseso. Nakapagtala ng kabuuang Php1,3335,151.09 halaga ang nabenta ng mga online resellers. Sa likod ng mga numerong ito ay ang kwentong dedikasyon ng mga resellers na tumulong sa online marketing at door-to-door delivery ng mga produktong gatas. Ito’y sa Nueva Ecija, kabilang ang San Jose City, Cabanatuan City, Guimba, Palayan City, Bongabon, at Rizal, pati na rin sa ibang lugar sa Luzon gaya ng Metro Manila, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Pangasinan, La Trinidad Benguet, La Union, at Aurora. Personal naming kinapanayam ang mga natatanging resellers na ito upang makahikayat sa iba ang kanilang nakapupukaw na mga kwento. Paano ka nahikayat na magbenta ng mga produktong gawa sa gatas ng kalabaw? Para kay Aaron Baligod, isang batang negosyante mula sa Quezon City, nagsimula ang kwentong dedikasyon niya nang araw na samahan niya ang kaniyang ina na dalhan ng sariwang gatas ng kalabaw ang kaibigan nito na may problema sa bato. Nasaksihan niya kung paano ito biglang sumigla matapos makainom ng gatas. Iyon, aniya, ang nag-udyok sa kaniya na sundin ang madalas ipinapayo ng kaniyang ina na magbenta ng mga produktong gatas dahil siya mismo ay masugid na tagapagtangkilik nito. Dahil din sa adhikaing makatulong sa iba sa pamamagitan ng negosyo sa paggagatasan ang naghikayat kay Wilson Flores, may-ari ng Kamuning Bakery Café sa Quezon City. Ito ay matapos niyang mapag-alaman na maraming magsasaka ang labis na naapektuhan ang kabuhayan dahil sa krisis na dulot ng pandemya. Ngayon ay maaari nang makabili ang mga parukyano sa kaniyang panaderya ng gatas ng kalabaw at iba pang mga produktong gawa rito. Kaisa si Almario Baltazar Jr. sa ganitong adbokasiya na makarating ang gatas ng kalabaw sa mas marami pang mamimili. Naniniwala siya na sa pamamagitan ng pagbebenta ng mga produktong gatas ay nakatutulong siya sa paghahatid ng mga primera klaseng pagkain sa mas maraming pamilyang Pilipino. Ganito rin ang naisin ng mag-asawang Alexander at Evadyn Paraguas ng Balungao Pangasinan. Bilang dating empleyado ng DA-PCC, alam ni Alexander na ang mga produktong gawa sa gatas ng kalabaw na dinedebelop ng ahensiya at mabibili sa advocacy hub nitong Milka Krem ay siguradong sariwa at natural. Batid ang likas na kahalagahan nito sa pagpapalakas ng resistensya, nagpamigay ng gatas ng kalabaw ang mag-asawa sa mga frontliners sa kanilang bayan. Kalauna’y kinonsidera na rin nila ang pagbebenta ng produktong gatas mula sa Milka Krem. Bagama’t pinakabata sa mga online resellers na nagsusulong ng gatas ng kalabaw, parehong sigasig gaya ng iba ang ipinamalas ni Lorraine Sagun sa pagbebenta ng mga produktong gatas. Si Lorraine ay nasa third year college na at kumukuha ng kursong BS Internal Audit sa Bayambang, Pangasinan. Habang hindi pa nagbubukas ang klase dahil sa krisis pangkalusugan, naghanap siya ng oportunidad para maging produktibo. Nagsikap siyang matutunan ang mga pamamaraan sa epektibong pagbebenta ng mga produkto at hindi nagtagal ay nagbenta na rin siya ng gatas ng kalabaw at mga produktong gawa rito. Nakapaghikayat din siya ng iba pa na sumubok din sa ganitong negosyo. Anu-ano ang iyong mga istratehiya sa pagbebenta? Ang paggamit ng social media platforms ang naging istratehiya ng mag-asawang Paraguas at ni Lorraine sa pagbebenta. “Nakafollow kami sa page ng Milka Krem at shineshare namin ‘yong mga posts nito sa sarili naming Facebook account. Marami sa mga Facebook friends namin ang nagustuhan ang mga produkto,” ani Alexander. Ganoon din ang naging paraan ni Lorraine. Nagpost siya ng iba’t ibang produkto mula sa gatas ng kalabaw sa kaniyang social media accounts kung saan marami siyang natanggap na mga orders. “Dahil sa paggamit ng social media, naging posible ang pagpapalawak ng merkado ng gatas ng kalabaw. Nakapagbebenta ako ng produkto hindi lang sa bayan namin kundi pati na rin sa mga kalapit-bayan gaya ng Malasiqui, Calasiao, Dagupan City, Lingayen, Urdaneta City, Villasis, Alcala, Bautista, Basista, at piling mga lugar sa La Union," aniya. Ipinanregalo naman ni Wilson ang mga produktong gatas sa kaniyang mga kakilala na hindi pa ito natitikman. Ang kaniyang layunin: maging regular na parukyano ang mga ito. "Noong una, binibili ko ‘yong mga natitirang produktong gatas namin kada linggo tapos ibibigay ko sa pamilya noong kapatid ko, sa bakers at empleyado namin. Parang pa-bonus ko na rin ‘yon sa kasipagan nila dahil kahit lockdown tuluy-tuloy ‘yong naging operasyon namin dito sa bakery,” ani Wilson. Ang retail price ng ilan sa mga produktong gatas ay hindi pasok sa badyet ng karamihan sa kaniyang mamimili. Ito ang rason kung bakit sinisiguro ni Aaron na ang mga produktong ibinebenta niya ay abot-kaya ng lahat ng mamimili. "Dahil may distributor's discounts kami sa Milka Krem, maliit lang ang patong namin sa mga produkto kaya mas mura ito kumpara sa ibang mga brands sa merkado,” aniya. Mayroon ding libreng delivery sina Aaron sa mga piling lugar sa Quezon City para matiyak na makararating ang mga produktong gatas sa mga parukyano nito sa kabila ng limitadong pagbibiyahe. Ano ang maipapayo mo sa mga bago at nagnanais na maging online resellers? Ang kanilang payo: personal munang tangkilikin at isulong ang mga lokal na produkto para maranasan at masubukan ang kainaman ng mga produktong gawang Pinoy. "Kapag ikaw mismo ay tumatangkilik sa mga produktong gatas, nasusuportahan at natutulungan mo ‘yong mga magsasakang maggagatas natin,” ani Wilson. Sa kabilang banda, pinaalalahanan ng mag-asawang Paraguas ang mga nagnanais maging resellers o negosyante na maging matiyaga at mapagpasensya sa pag-aasikaso sa mga mamimili at isaalang-alang ang bawa’t feedback ng mga ito. Ibinahagi naman ni Aaron ang ‘di niya malilimutang payo ng kaniyang mga magulang pagdating sa negosyo lalo na sa panahon ng krisis, “Para magtagumpay sa negosyong ito, hindi dapat natin samantalahin ang kasalukuyang sitwasyon na papatungan pa natin ng malaki ‘yong presyo ng mga produkto. Lahat tayo ay nagsisikap na makaalpas mula sa mga hamon na dulot ng pandemya. Kaya naman isipin natin kung paano tayo sama-samang makaaahon sa krisis na ito, hindi ‘yong puro sarili lang ang iniisip natin.” Ang pinakabatang online reseller na si Lorraine ay nagsabing ang pinakanatutunan niya sa kaniyang karanasan bilang baguhang negosyante ay ang kahalagahan ng pag-iipon para may dudukutin sakaling magkaroon ng hindi inaasahang pangyayari gaya ng pandemya. “Kapag magsisimula ka ng isang negosyo, kakailanganin mo ng puhunan para maipagpatuloy ito. Ginastos ko ‘yong ipon ko para sa pagbebenta ng produktong gatas noong Mayo 7. Hindi naman po sa pagmamalaki, ‘yong ipon ko po noon na four-digit sa bangko ay umabot na po sa six-digit ngayon,” masayang pagbabahagi ni Lorraine. Sa kabila ng pandemya at sa malaking suliranin na dulot nito sa industriya ng paggagatasan, pag-asa ang naging hatid ng mga resellers sa mga magsasakang hirap makabalikwas. Ang kanilang mga kwento ay nagpapakita lamang na kabutihan pa rin ang mananaig lalo na sa panahon ng kalugmukan.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.