Webinars sa 'New Normal'

 

Kaiba sa nakasanayang pamamaraan na may aktuwal at pisikal na pagdalo ang mga magsasanay, online learning na ngayon ang isinasagawa sa pamamagitan ng webinar series na pinamagatang “Gabay sa Wastong Pangangalaga ng Kalabaw.”

Ito ang makabagong pamamaraan sa paghahatid ng kaalaman at kasanayan sa mga magkakalabaw at maggagatas na isinasagawa ng Department of Agriculture-Philippine Carabao Center (DA-PCC) sa pamamagitan ng Knowledge Management Division-Learning Events Coordination Section (KMD-LECS).

Ang nasabing pagbabago ay kasunod ng mga limitasyong dulot ng pandemya na nagbunsod sa DA-PCC upang isagawa ang proyektong Cara-Aralan sa ilalim ng programang  ALPAS COVID-19 ng DA.

Sa ilalim nito, ang pagpapalaganap ng impormasyon tungkol sa pagkakalabaw ay gagamitan ng digitized information, education, information and communication (IEC) materials at paraang e-learning. 

Nakapagsagawa na ng siyam na webinars na nilahukan ng 360 katao ang DA-PCC buhat nang magsimula ito noong Mayo. Ang mga paksa ay (1) Calving Management, (2) Best Practices in Artificial Insemination and Breeding, (3) Forage Production and Conservation, (4) Kwento at Kwenta sa Kalabawan ni Juan, (5) Artificial Insemination and Pregnancy Diagnosis in Large Ruminants (6) Basic Financial Management in Buffalo Dairy Business, (7) Wastong Paraan ng Paggagatas at Pangangasiwa ng Aning Gatas, (8) Hygienic Milking Practices Along the Value Chain, at (9) Mga Karaniwang Sakit ng Kalabaw (na nahati sa dalawang bahagi), (10) Proper Housing for Calves and Adults, (11) Feeding Management for Buffaloes, at (12) PCC Animal Health Program and Laboratory Services.

Kabilang sa mga naging tagapagsalita ay sina Dr. Marvin Villanueva, Senior Science Research Specialist;  Dr. Edwin Atabay, Scientist I;  Dr. Daniel Aquino,  isang eksperto sa larangan ng animal nutrition; Dr. Peregrino Duran, Scientist I;  Pauline Maramag, Financial Analyst, Mina Abella, head ng Carabao Enterprise Development Section, at Leoncio Callo, isang progressive farmer at dating Chairman ng isang cooperatiba, Dr. Daryl Dela Cruz, Science Research Specialist I, Engr. Eduardo Dalusong, head ng General Services Section at Dr. Gabriel Tubalinal, Science Research Specialist II.

Karamihan sa mga lumahok ay mga technicians, agriculturists, mga magkakalabaw, estudyante, at mga Overseas Filipino Workers na nagnanais na magkaroon ng kaaalaman sa negosyong salig sa kalabaw.

Author

0 Response