Isang hakbang para sa unang patak ng gatas sa Cahanay Jun 2020 Karbaw Yolanda Paches, CADAFA, Canahay, Surallah, South Cotabato By Ma. Cecilia Irang Sa kaniyang inisyatiba nagmula ang unang patak ng gatas sa kanilang lugar. Dahil sa kaniyang sinimulan, marami ang nahikayat hanggang sa sumigla ang paggagatasan sa kanilang bayan. “Masarap sa pakiramdam kapag nakikita mo ‘yong milk performance ng kalabaw mo tapos kapag nahawakan mo na ‘yong kita mo sa paggagatas.” -YOLANDA PACHES Carapreneur Siya si Yolanda Paches, 58, ng barangay Canahay, Surallah, South Cotabato. Isa sa mga miyembro ng Canahay Dairy Farmers Association (CADAFA) na inaasistehan ng DA-PCC sa University of Southern Mindanao (DA-PCC sa USM). Baon ang pagnanais na magkaroon ng maayos at tiyak na mapagkakakitaan, buong-loob niyang sinubukan ang negosyo sa paggagatas. Si Yolanda ang kauna-unahang miyembro ng CADAFA na kaagad ginatasan ang Italian Mediterranean buffalo na ipinaalaga sa kaniya ng DA-PCC sa USM, matapos itong unang mabuntis at manganak noong 2017. Siya rin ang isa sa mga naghikayat sa iba pang mga miyembro na nag-aalinlangang gumatas dahil naaawa sila sa bulo at walang siguradong merkado noon para sa makokolektang gatas. “Ako ang nagtiyaga na maggatas, noong una kalahating litro lang ang nakuha ko. Kung wala kasing magsisimula, walang susunod. Sayang ang programa ‘pag nagkagayon,” ani Yolanda. Sa tulong at suporta ng DA-PCC sa USM, lokal na pamahalaan ng Surallah at municipal agriculture office nito, tuluyang bumuhos ang gatas sa lugar. “Sa totoo lang, hindi naging madali ang lakbayin namin dito sa programa ng paggagatas. Maraming naging pagsubok at balakid. Nguni’t lahat ng paghihirap namin noon ay nagbunga ng masaganang ani at mataas na kita dahil sa gatas ng kalabaw,” patotoo niya. Base sa datos ng DA-PCC sa USM, nakakolekta si Yolanda ng kabuuang 1,034 litro ng gatas noong 2019. Siya ang isa sa may pinakamalaking ambag na aning gatas sa buong Canahay. Sa kasalukuyan, nakakukuha siya ng pitong litrong gatas mula sa dalawang Italian Mediterranean na kalabaw mula sa DA-PCC. Aniya, sa limang araw ay kumikita siya ng mahigit Php3,000 sa benta lang ng gatas. Maliban sa pagbebenta ng gatas, ipinoproseso rin niya ang mga ito sa ibang produkto gaya ng chocomilk at pastillas. Dahil sa pagiging bihasa niya sa paggagatas ng kalabaw, aniya, sa tuwing may on-the-job trainees ng kursong agrikultura sa kanilang lugar ay idinadala sa kaniya upang siya ang magdemonstrate o magturo ng wastong paraan ng paggagatas. Katulong ni Yolanda ang kaniyang asawang si Romeo sa pag-aalaga ng kalabaw, na para sa kanila ay itinuturing nilang “bonding”. Bagama’t walang sariling lupa para pagtaniman at pagkuhanan ng pakain ng mga alaga ay nagsasariling sikap silang mag-asawa para maghanap at magkumpay ng pakain sa iba’t ibang bukid at maisan. Si Yolanda ang naggagatas ng kalabaw habang si Romeo naman ang nagpapaligo sa mga ito at naghahanap ng pakain. Sa kasalukuyan, anim ang alagang kalabaw nina Yolanda. Isang crossbred na kalabaw galing sa provincial veterinary office mula sa kanilang buy-back program, dalawang Italian Mediterranean buffalo, isang dumalaga, at dalawang bulo. Maliban sa pagiging maggagatas, Si Yolanda ay isa ring barangay health worker pero nasisiguro naman niya, aniya, na balanse ang oras niya sa pag-aalaga ng kalabaw at pagganap niya ng kaniyang tungkulin sa barangay. “Ang paggagatas na ang pangunahin naming pinagkakakitaan. Nakatulong ito nang malaki para mapag-aral ko ang bunso kong anak at matustusan ang aming pang-araw-araw na gastusin,” ani Yolanda. Para naman sa ibang ayaw gatasan ang kanilang mga alagang kalabaw, ganito ang kaniyang payo: “Sana gatasan nila ang kanilang mga kalabaw kasi andoon ang kita. Kailangang maintindihan nila na dagdag kita ang gawaing ito at hindi dagdag pasanin.”
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.