1-on-1 coaching sa AI at PD

 

DA-PCC sa CSU — Makabagong pamamaraan ng pagsasanay sa Artificial Insemination (AI) at Pregnancy Diagnosis (PD) in Large Ruminants, na tinatawag na “one-on-one coaching”, ang ipinatutupad ng DA-PCC sa Cagayan State University (DA-PCC sa CSU) sa ilalim ng “new normal”.

Isa sa may malaking gampanin sa carabao upgrading program ay ang mga AI teknisyan kaya naman kahit sa gitna ng pandemya ay patuloy pa rin ang DA-PCC sa pagsasagawa ng mga pagsasanay kaugnay dito alinsunod sa itinakdang health and safety protocols.

Apat na kalahok ang sumailalim sa pagsasanay na nagsimula noong Enero 18 at natapos ng Pebrero 6. Bawa’t isang kalahok ay may isang nakalaan na bihasang village-based artificial insemination technician (VBAIT) ng DA-PCC sa CSU para sa one-on-one coaching.

Maliban sa apat na VBAITs ng DA-PCC sa CSU, nagsilbi ring tagapagsanay at tagapagpadaloy ang AI coordinator ng ahensiya na si Al Bernardino.

Sa unang limang araw ng pagsasanay ay tinalakay sa mga kalahok ang iba’t ibang paksa gaya ng mga sumusunod: Anatomy and Physiology of Female Reproductive Organ; Estrous Cycle and Estrous Detection; Hormonal Interplay in the Regulation of Estrous; Pregnancy Diagnosis in Large Ruminants; Artificial Insemination in Large Ruminants; at Proper Handling and Maintenance of Field Tanks.

Sa mga sumunod na araw ay nagkaroon na ng iba’t ibang practicum ang mga kalahok kung saan bawa’t isa sa kanila ay may nakalaan na tig-isang tagapagsanay na VBAIT na susubaybay at magtuturo ng mga pamamaraan at gawain sa larangan ng AI at PD. Ang bawa’t kalahok ay ginabayan ng kani-kanilang tagapagsanay upang aktwal na matutunan at maisagawa ang mga sumusunod: In-situ familiarization of the female reproductive organ and its structures; In-situ AI gun insertion; body scoring, semen thawing, loading; A.I. gun preparation and insemination; data recording and record keeping; at proper handling and maintenance of semen, field tank straw sheets, and thermo flask.

Matagumpay na nakatapos ng pagsasanay ang apat na kalahok na sina Ryan Rarangol ng Centro 1, Claveria, Cagayan; Glen Dela Cruz ng Alinunu, Abulug, Cagayan; Jayson Reyes ng Santa Maria, Isabela; at Jonathan Dayag ng General Balao, Solana, Cagayan.

Umaasa ang tanggapan ng DA-PCC sa CSU na sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga pagsasanay na kagaya nito ay matutugunan ang pangangailangan ng bansa sa mga AI teknisyan at makatutulong mapaigting ang Unified National Artificial Insemination Program (UNAIP), na mahalagang salik sa pagpapalawak ng Carabao Upgrading Program ng DA-PCC.

Author

0 Response