Bagong DA-PCC OIC Executive Director, ipinakilala

 

DA-PCCNHGP — Pormal na sinalubong ng DA-PCC ang itinalagang bagong Officer-in-Charge Executive Director nito na si Dr. Ronnie Domingo, dating Director ng DA-Bureau of Animal Industry (DA-BAI), sa isang general assembly noong Pebrero 1, habang sinusunod ang itinakdang safety and health protocols.

Sa pagsisimula ng programa ay inilahad ni Dr. Caro Salces, bagong talagang Deputy Executive Director for Administration and Finance, ang iba’t ibang dibisyon na bumubuo sa istraktura ng DA-PCC at ang core values na isinasapamuhay ng mga PCCeans.

Buong galak namang ipinakilala ni Dr. Claro Mingala, dating DA-PCC OIC Executive Director na ngayo’y itinalaga nang OIC-Deputy Executive Director for Production and Research, si Dr. Domingo sa mga PCCeans dahil naging magkatrabaho na rin sila sa DA-BAI.

Sa kaniyang mensahe, ibinahagi ni Dr. Domingo ang ilan sa kaniyang mga natutunan bilang lingkod-bayan.

Philosophy, Competence, at Character o “PCC” ang susi sa pagkakaroon ng makabuluhang kontribusyon sa larangan ng serbisyo publiko. Mahalaga rin na patuloy na sikaping paunlarin ang sariling kakayahan at kaalaman,” aniya. 

Bilang kaniyang pangwakas na mensahe ay binigyang-diin ni Dr. Domingo na kahit may mga hindi inaasahang pangyayari lalo na’t normal na ito kapag nasa serbisyo ng pamahalaan, ang lahat ay magiging maayos para sa mga taong nananampalataya sa Diyos at sumusunod sa Kaniyang kalooban.

Si Dr. Domingo ay isang dating propesor sa Central Luzon State University at University of the Philippines-Los Baños. Maliban sa kaniyang propesyonal na karera, siya rin ay isang pastor at mahusay na motivational speaker.

Author
Author

0 Response