Pagpapaigting ng programang AI sa buong isla ng Negros

 

DA-PCC sa LCSF — Patuloy ang DA-PCC sa La Carlota Stock Farm (DA-PCC sa LCSF) sa pagsusulong at pagpapaigting ng implementasyon ng programang Artificial Insemination (AI) sa mga rehiyong nasasakupan nito o sa buong Negros Island.

Sa ginanap na Year-end AI Accomplishment Review ng DA-PCC sa LCSF noong Enero 15, masayang ibinahagi ng ahensya ang 113% accomplishment nito sa 2020 AI target.

Inilahad naman ng mga AI technicians ang kanilang mga estratehiya sa pagsasagawa ng AI, na nakatulong upang makamit ng ahensya ang nasabing target.

Nagkaroon din ng strategic planning workshop para makapagplano at matalakay ang iba’t ibang mga estratehiya upang matugunan ang mga kasalukuyang problema sa implementasyon ng AI.

Ang DA-PCC sa LCSF, na pinamumunuan ni Dir. Ariel Abaquita,  ay isa sa apat na regional centers ng DA-PCC na nakakuha ng 100% o higit pa na accomplishment sa AI target.

“Malaking tulong ang pagbibigay ng AI Incentives ng DA-PCC sa mga AI technicians sa bawa’t serbisyo nila ng AI para mas ganahan silang gampanan ang kanilang tungkulin. Karamihan kasi sa mga VBAIT ay naging pangunahing hanapbuhay na ang pag-e-AI. Noong tinaasan ang incentives mula Php100 hanggang Php300, tumaas ang bilang ng AI services mula Nobyembre hanggang Disyembre. Ito ang nakatulong kaya nakamit namin ang 113% accomplishment,” ani Rolly Ardeño, AI Coordinator ng DA-PCC sa LCSF.

Binigyan din ng parangal ang mga Top Performing AI Technicians para sa pinakamataas na AI services at calves produced.

Pinarangalan sina Ryan Duran, Phelmor Bongo, at Elmer Montalbo na may pinakamaraming AI Services. Sina Bongo, Doronald Panabe, at Ma. Christina Gareeza naman para sa pinaka maraming calves produced.

Mahigit 20 AI technicians ang dumalo sa nasabing aktibidad.

Ang AI ay isa sa mga teknolohiya para sa mabilis na pagpaparami ng mataas na lahi ng mga kalabaw, na kabilang sa mga pangunahing serbisyo na ibinibigay ng DA-PCC at isinasagawa ng mga Village-based AI Technicians (VBAITs) at LGU AI technicians.

Author

0 Response