Maalab na pagkakalabawan sa Baclay Mar 2021 Karbaw Philippine Carabao Center, Department of Agriculture, DA-PCC sa MLPC, Baclay Multi-Purpose Cooperative, ALAB-Karbawan By Charlene Joanino & Dorie Bastatas Tuluy-tuloy na biyaya ang inaani ng Baclay Multi-Purpose Cooperative (BMPC) sa Zamboanga del Sur buhat ng sumuong ito sa pagkakalabaw. Sa katunayan, napiling kabahagi ang BMPC sa ALAB-Karbawan project na isinusulong ng Department of Agriculture-Philippine Carabao Center (DA-PCC). Ito ay sa pakikipagtulungan sa mga pamahalaang panlalawigan ng mga napiling probinsya. Biyayang inaani ng Baclay Multi-Purpose Cooperative (BMPC) sa Zamboanga del Sur. Sa ilalim ng proyekto, naglaan ng Php10M pondo sa pagpapalago ng kooperatiba. Ang naturang pondo ay mula sa opisina ni Senator Cynthia VIllar. Taong 2017-2019 nang ang koop ay nakatanggap ng Php30M grant mula sa iba’t ibang ahensya ng pamahalaan at isa na rito ang DA-PCC. Pinagkalooban ang mga miyembro ng mga gatasang kalabaw, kagamitan at materyales para sa pagprodyus at pagproseso ng gatas. Tumanggap din ang kooperatiba ng suporta galing sa DA-PCC sa Mindanao Livestock Production Center (PCC sa MLPC) ng tulong teknikal. Sa pamamagitan din ng DA-PCC sa MLPC, nagkaroon ang BMPC ng kapasidad sa pagbuo ng grupo para sa mga nagmamay-ari ng gatasang kalabaw at sila’y nakatanggap ng mga serbisyong artificial insemination (AI), pagbibitamina at pagpupurga sa mga alagang kalabaw. “Malaki ang aking pasasalamat na nakahanap ng co-op conduit na may liquidity to operate securely at viable sa Zamboanga del Sur. Sila ang ating maka kasama sa pagpapatupad ng programa. Maliban doon, ako din ay natutuwa sa mga opisyales ng koop dahil nakita nila ang malaking potensyal sa negosyong paggagatas. Sa hinaharap, nakikinita ko na ang BMPC ay magiging ahente sa pagbuo ng dairy industry sa Zamboanga del Sur,” ito ay ayon kay Cecelio Velez, Center Director ng DA-PCC sa MLPC. Ngayon, nasa Php100M ang kabuuang pag-aari ng BMPC sa loob ng 27 taon. Naitatag ang BMPC sa pangunguna ni Serafin Esperante bilang samahan ng mga magsasaka ng niyog. Taong 1993 nang irehistro ang BMPC sa Cooperative Development Authority (CDA) na kalaunan ay naging consumers’ cooperative. Si Leopoldo Santos ang siyang naging unang pangulo ng kooperatiba. Mula sa 34 na kasapi, lumago ito sa 88 at umabot sa Php400,000 ang halaga ng kabuuang assets ng BMPC noong 2013. Sa parehong taon, naging kasosyo ang BMPC sa National Confederation of Cooperatives (NATCCO). Sa kasalukuyan, ang kooperatiba ay may limang negosyo: (1) Credit and Savings; (2) Farm Machineries; (3) Agrivet Supply; at (4) Dairy Enterprise sa ilalim ng Zambo Sur Dairy at (5) Bakeshop na binuksan lang sa taong ito. “Kami ay pinagpala na naging conduit cooperative ng ALAB-Karbawan project dahil nakapag-engganyo kami ng karagdagang miyembro at nakalikha ng lokal na pangkabuhayan,” ani Richard Hidalgo, Manager ng BMPC. Ayon pa sa tagapangasiwa ng BMPC, dahil sa kasalukuyang pandemya ay nahihirapan sila sa pagbebenta ng gatas. Pero sa pamamagitan ng Kadiwa Buffalo Milk on Wheels (BMW), kahit paano’y nasolusyunan ang problemang ito. Ang Kadiwa BMW ay isang inisyatiba ng DA-PCC na layong mailapit ang gatas ng kalabaw at mga produkto nito sa mga mamimili. Dahil dito unti-unting nakilala ang dairy products sa Zamboanga del Sur. Sa ngayon, ang malaking pinagkakakitaan ng koop ay ang credit and savings program nito. Sa kasalukuyan, may mahigit na 6,000 miyembro ang BMPC at isang satellite office sa Pagadian City para sa credit and savings business nito. Lumawig na rin ang nasasakupan ng koop hanggang sa Misamis Occidental at Lanao del Norte dahil sa pakikipagtulungan nito sa DA-PCC at DepED.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.