Visayas: Ang mapalad na lupain ng pagtatagumpay at kahusayan Mar 2017 Karbaw PCC at Ubay Stock Farm, Ubay Bohol, Visayas, mapalad na lupain ng pagtatagumpay at kahusayan By Anselmo Roque Binubuo ng pitong malalaki at daan-daang maliit na islang nakapalibot sa Visayan, Samar at Camotes seas , ang Visayas ay isa sa tatlong pangunahing isla ng bansa. Kilala ito sa katawagang “Central Philippines”. PCC at Ubay Stock Farm, Ubay Bohol Tinagurian itong “mapalad na lupain ng pagtatagumpay at kahusayan” batay sa pinagmulan nitong terminong “Visayas” na hango sa Emperyo ng Srivijaya sa Sumatra. Sinasabi ng kasaysayan na sampung datu, na tumakas sa paninikil ng rajah ng Borneo, ang nakarating sa Isla ng Panay. Sila, kasama ng kanilang mga kabig, ang itinuturing na mga ninuno ng mga “taong Visayan”. Ginugunita at ipinagdiriwang ng mga pistang “Ati-Atihan” sa Kalibo, Aklan at “Binirayan” sa San Jose Antique ang kanilang pagdating sa Visayas. Sa Panay, isang tulang epiko, ang “Hinilawod” na may 29,000 berso, ay nagsasaad ng mga “Kuwentong Mula sa Bukana ng Ilog Halawod”. Tumatalakay ito sa mga pakikipagsapalaran ng tatlong mala-Diyos na magkakapatid na Labaw Donggon, Humadapnon at Dumalapdap ng sinaunang Panay. Taglay nito ang mga kaalaman ukol sa kultura, relihiyon, at mga ritwal ng mga sinaunang tao ng Sulod at nagpapakita na ang mga sinaunang Filipino ay naniniwala sa mga “sagrado”, kahalagahan ng dangal ng pamilya, at mga personal na katapangan at dignidad. Ang mga pangunahing isla ng Visayas ay Bohol, Cebu, Leyte, Masbate, Negros, Panay, at Samar. Matatayog na bundok ang makikita sa kalakhang bahagi ng Isla ng Visayas maliban sa Samar at Masbate na maituturing namang lubhang maburol. Maluwang ang kapatagan sa dakong silangan ng Panay, na tinatamnan ng tubo at palay, samantalang sa dakong kanluran naman ay makikita ang malawak na kapatagan sa Negros. Ang mga pangunahing lenguwahe sa Visayas ay Cebuano sa Central Visayas at Negros Oriental, Hiligaynon o Ilonggo sa Western Visayas at Negros Occidental, at Waray sa Eastern Visayas. Ang iba pang lengguwahe ay Aklanon, Kinaray-a, Capiznon at pangalawang lengguwahe ang English at malaganap din ang lenguwaheng Filipino. Binubuo ng 16 na probinsiya, ang Visayas ay nahahati sa apat na rehiyong administratibo. Ang mga ito’y Western Visayas (Region VI na ang sentrong panrehiyon ay sa Iloilo City), Negros Island Region (NIR/Region XVIII, Bacolod City at Dumaguete City), Central Visayas (Region III, Cebu City); at Eastern Visayas (Region IX, Tacloban City). Hiyas ng mga pook-pasyalan Mapalad ang Visayas sa pagkakaroon ng mga bantog na pook-pasyalan. Pangunahin na ang Boracay sa Aklan na kilala sa buong mundo. Tinagurian itong “best island of the world” noong 2012 ng “Travel + Leisure” na isang pandaigdigang travel magazine. Sa Bohol, makikita ang 1,268 chocolate hills na mga nakakumot na ay nagbabago ng anyo at nagiging kulay tsokalate sa takdang panahon. Kinilala ito na “National Geological Monument”. Sa Bohol din makikita ang Panglao Island na ang tampok ay ang Hinagdanan Cave na may ‘underground water source”. Tampok din ang Balicasag Island na pinagdarayo dahil sa mga isdang dagat na barracuda at jack fish, mga pagong, murray eels o palos at bilang isang “dive resort”. Sa Bohol pa rin matatagpuan ang ”wildlife sanctuary” na kinaroroonan ng mga Philippine Tarsier na tinatawag na mawmag sa Cebuano at mamag sa Luson. Ang hayop na ito, na may laking 85 hanggang 160 milimetro, ay matatagpuan din sa Samar, Leyte at maging sa Mindanao at maliliit na isla ng Maripipi, Siargao, Basilan, at Dinagat. Sa Leyte, pinagdarayo ang lugar na kung saan dumaong si Gen. Douglas McArthur bilang pagtupad sa kanyang ipinangakong “I shall return”. Naroroon din ang pananda sa “Battle of Leyte Gulf” na pinakamatagal na bakbakang sa karagatan sa kasaysayan ng mundo. Sa Samal Island naman ay ang San Juanico Bridge, ang pinakamahabang tulay sa Pilipinas. Doon din ang pondahan ng mga behikulo para sa “roll on, roll off” (Ro-Ro) patungong Luson, sa Dumaguete City naman ang bantog na Silliman University, sa Bacolod City ay ang “Maskara Festival” at sa Guimaras Island naman ay ang pamosong “Guimaras mango”. Pangunahing pinatutunguhan lunsod sa Visayas ang Cebu City” na tinaguriang “Queen City of the South”. Ito ang pinakamatandang komunidad na itinatag ng mga Kastila noon sa bansa, Nasa lunsod na ito ang isang Taoist Temple pinagdarayo rin dahil sa “flower ritual” kung Mierkoles at pook-tanawan ng buong Cebu Island at ng papalubog na araw. Marami pang ibang pook-pasyalan at mga “landmarks” sa Visayas – mga 120 pa. Agrikultura Sa Western Visayas (Antique, Iloilo, Capiz, Negros Occidental, at Guimaras), ang bahaging ito ay may mahigit sa 666 libong ektaryang lupa na pinanggagalinan ng mga produktong agrikultural. Pinakamalaki ang sa Iloilo (180,000 ektarya) at kasunod ang Negros Occidental (132,000 ektarya). Pangunahin sa kanilang produkto ay palay (471,000 ektarya), kasunod ay tubo (136,000 ektarya), at mais (55,000 ektyarya). Ang Negros Occidental ang siyang kinikilang “sugar bowl” ng bansa. Pangunahing produkto sa Aklan at Antique ay niyog, saging sa Capiz, Iloilo at Negros Occidental, at kalamansi sa Guimaras. Sa Eastern Visayas (Eastern Samar, Leyte, Biliran, Northern Samar, at Southern Leyte), may kabuuang 723,000 ektaryang lupaing agrikultural. Ang pinamalawak ay Leyte (258,000 ektarya) at ang kasunod ay Samar (102,000 ektarya). Pangunahing produkto ay palay, mais, root crops, at tubo, niyog, abaka, cacao, at saging. Ang Central Visayas (Bohol, Cebu, Negros Oriental, at Siquijor) ay binubuo ng 522,000 ektaryang lupang agrikultural na nahahati sa 430,000 bukirin. Sa lawak, pinamalaki ang Negros Oriental (228,000 ektarya), kasunod ang prubinsiya ng Cebu (146,000 ektarya) at pangatlo ang Bohol (136,000 ektarya.) Pangunahin ang mais bilang produkto sa Cebu, Negros Oriental, at Siquijor samantalang palay naman sa Bohol. Sa permanenteng pananim, pinakamarami ang niyog sa rehiyong ito (10.5 milyon), kasunod ang saging, at mangga. Pagkakalabawan Sa larangan ng pagkakalabawan, ang Eastern Visayas ay siyang pangalawang may pinamalaking populasyon ng kalabaw na umabot sa 233,069 sa buong Pilipinas batay sa imbentaryo noong Hulyo, 2016. Pangalawa ito sa Bicol na may pinakamaraming kalabaw (292,880). Ang kabuuang populasyon ng kalabaw sa Pilipinas ayon sa imbentaryo ay 2.89 milyon. Ang Western Visayas ay may 205,848 kalabaw at sa Negros Island Region ay 165,785. Marami-rami na rin namang mga gatasang kalabaw sa buong Visayas. Patuloy ring umaangat sa maraming bahagi ng Visayas ang mga industriyang-salig-sa-kalabaw. May apat na panrehiyong tanggapan ang Philippine Carabao Center sa Visayas. Ang mga ito’y sa Carlota Stock Farm sa Negros Occidental, Ubay Stock Farm sa Bohol, Visayas State University sa Leyte, at West Visayas State University sa Iloilo. Ang mga panrehiyong tanggapang ito ng PCC ay siyang masidhing nagsusulong ng Carabao Development Program sa Visayas.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.