Grasya sa OND Genesis Farm Sep 2021 Karbaw OND Genesis Farm By Chrissalyn Marcelo Nag-uumapaw sa galak ang puso ni Ma. Dolores Olog, 63, isang madre na miyembro ng Oblates of Notre Dame (OND) na isang religious congregation ng mga Katoliko sa Cotabato City, sa mga nata-tanggap na biyaya. Para sa kanya, isang paraiso ng pagpapala ng Diyos ang pinangangasiwaang OND Genesis Farm na matatagpuan sa Barangay Saguing, Makilala, Cotabato. Sister Ma. Dolores Olog ng OND Genesis Farm, Barangay Saguing, Makilala, Cotabato City “Gusto ko na lahat ng pumupunta sa OND Genesis Farm ay maramdaman na may Diyos. ‘Yon bang masasabi nila na: ‘Wow! God is so generous. God is so gracious. Nag-uumapaw kung magbigay ng biyaya ang Diyos!” buong galak na pagbabahagi ni Sister Dolores. “Lahat ng mga bagay sa farm na ito ay itinuturing naming nagmula sa mabiyayang kamay ng Diyos kabilang na ang mga tinanggap naming kalabaw mula sa DA-PCC. Sa katunayan, pinangalanan ko ang ilan sa kanila ng Grasya, Dagaya, at Bugay dahil sa sila ay biyaya at regalo sa amin. Ang “Dagaya” ay nangangahulugang nag-uumapaw na suplay ng grasya samantalang ang “Bugay” naman ay galing sa salitang Ilonggo na ang ibig sabihin ay regalo,” aniya. Mapagpakumbabang simula Ayon kay Sister Dolores, taong 2012 nang siya ay maitakda ng OND bilang tagapamahala ng OND Genesis Farm. Noong una’y mga puno ng rambutan at lansones ang nakatanim sa limang ektaryang lupain. Hindi ito gaanong produktibo, sa isip-isip niya, dahil minsan lang sa isang taon kung ito’y mamunga. Dito niya sinimulang taniman ng ibang high-value crops ang farm katulad ng cacao, mangosteen, guyabano, durian, niyog, cranberry, turmeric, luya, saging at iba pa upang dumami pa ang pagkakakitaan sa farm. Layon din niyang makapagbigay ng trabaho sa mga walang hanapbuhay sa kanilang lugar. Pakikipagbalikatan sa mga ahensya Maliban sa lokal na pamahalaan ng Cotabato, nagkaroon din ng ugnayan at pakikipagtulungan si Sister Dolores sa DA-Agricultural Training Institute (ATI) at DA-Philippine Carabao Center (PCC) upang lalong mapaghusay ang pangangasiwa ng farm. Sa katunayan, lumawig na ang mga klase ng hayop na inaaruga nila katulad ng manok, bibe, kambing, at baka maliban sa mga kalabaw na galing sa DA-PCC. Sumuong din ang kanilang farm sa paggawa ng organikong pataba dahil sa adbokasiya nito sa pagtataguyod ng “organic farming”, paggamit ng “zero chemicals” sa paghahalaman, at sa layunin nitong mahirang bilang isang learning site ng DA-ATI. Noong 2017, kinilala nga ang OND Genesis Farm na isang learning site ng DA-ATI sa Cotabato. Doon na rin nasimulan ang pagsasagawa ng mga immersion at practicum programs para sa mga estudyanteng kumukuha ng kursong agrikultura na nais mag-on-the-job training (OJT) sa farm. “Habang nakapagbabahagi kami ng aming kaalaman sa mga estudyante ay nakatutulong din naman sila sa mga gawain dito kaya mas lalong naging produktibo ang farm,” ani Sister Dolores. Biyaya ang kalabaw Taong 2019 nang dumating ang mga gatasang kalabaw sa OND Genesis Farm. Dalawang kalabaw na may lahing Italian Mediterranean ang mga una nilang natanggap mula sa DA-PCC sa University of Southern Mindanao (DA-PCC sa USM) at kalaunan ay nadagdagan ito ng kalabaw na may lahing Bulgarian Murrah. “Bago kami nabigyan ng mga kalabaw ay binisita muna kami ni DA-PCC sa USM center director Benjamin John Basilio at inabisuhan na magtanim kami ng maraming damong Napier,” ani Sister Dolores. “Napakasaya namin nang dahil naniniwala kami na araw-araw ang kita rito hindi tulad sa iba naming tanim na halaman o punong-kahoy na seasonal ang kita o kaya naman ay sa pagbebenta ng manok, kambing na may kita lang kung kailan may gustong bumili,” masayang sabi ni Sister Dolores. Bukod sa gatas, ang dumi ng kalabaw ay nagagawa rin nilang organikong pataba. Kung kaya’t, ayon kay Sister Dolores, napakainam na regalo mula sa Diyos ang kalabaw. “Nang matanggap namin ang dalawang kalabaw, nanganak ito ng halos magkasunod lang pagkatapos ng ilang araw. Labing apat na litro agad ‘yong nakuha namin noon sa dalawang kalabaw sa dalawang beses na paggagatas gamit ang milking machine,” masayang sabi ni Sister Dolores. Dagdag pa niya, ibinebenta nila sa halagang Php25 kada 250ml ang gatas ng kalabaw kaya naman halos aabot o higit pa sa halagang Php1,400 ang kita nila sa gatas ng kalabaw araw-araw dahil ang iba rito ay ipinoproseso nila bilang chocomilk at pastillas. Ani Sister Dolores, ibinebenta nila noon ang gatas at iba pang produkto sa mga OJTs o kaya naman ay sa mga estudyante ng The Notre Dame of Kabacan, Inc. at The Notre Dame of Pikit, Inc. sa Cotabato noong wala pang pandemya. “Madali lang sa amin na maibenta ang gatas ng kalabaw dahil gustung-gusto ito ng mga estudyante bukod sa inaadbokasiya naming zero junkfood para sa lahat,” masayang sabi ni Sister Dolores. Sa kasalukuyan, umabot na sa anim ang mga gatasang kalabaw ng farm. “Bagama’t nagkapandemya, may market pa rin kami ng gatas sa tulong ng DA-PCC sa USM dahil isinusuplay ito sa national milk feeding program,” ani Sister Dolores. Pagiging mabuting katiwala ng biyaya Kasama ang mga kapwa niya madre na sina Zita Quintos, Fely Renacia, at Cora Corpuz at ang tatlo nilang mga farm workers ay araw-araw nilang ipinagdarasal ang pag-unlad ng kanilang farm at ang pagpapasalamat sa Diyos sa mga biyayang natanggap. Masikap at matalino rin nila itong pinamamahalaan upang lalong maging mabunga. “Alas kwatro y medya pa lang ng umaga ay gumigising na ako, tinitingnan ‘yong mga kalabaw, kambing at lahat ng andito sa farm kung maayos ang kalagayan nila habang inihahanda ko ang aking sarili para sa community prayer namin ng alas singko ng umaga. Sa community prayer kami nagsasama-sama ng mga kapwa ko madre upang manalangin. Pagkatapos niyan ay mag-aalmusal at lalabas ulit ako at pangangasiwaan ang pagpapakain sa mga alagang hayop katuwang ang mga farm workers,” ani Sister Dolores. Pagbabahagi pa niya, pinakakain din nila ang mga alagang kalabaw ng saging tuwing tanghali upang masiguradong busog lagi ang mga kalabaw. Galing ang saging, aniya, sa DOLE Stanfilco Company na nakabase sa Makilala, North Cotabato na exporter ng saging mula sa Pilipinas. “Sumulat ako noon sa DOLE Stanfilco Company para makahiling na maibigay sa amin ‘yong mga reject nilang saging para ipakain sa kalabaw. Sinabi ko sa sulat na sa pagtulong nila sa amin ay tumutulong din sila sa adbokasiya namin na makatulong sa mahihirap sa pamamagitan ng pagpapapaunlad ng pagkakalabawan,” ani Sister Dolores. Dagdag niya, inaprubahan naman ito ng kompanya kung kaya’t simula noon ay sa farm na idinederetso ang mga saging na ‘di pumasa sa quality control. Umaabot sa isang truck ang dinadala sa farm dalawang beses sa isang linggo. Dahil dito’y naging sagana ang pakain nila sa kalabaw. “Simula nang magpakain kami ng saging, napansin ko na dumami ang ibinibigay na gatas ng mga kalabaw. Sa katunayan, ‘yong Italian Mediterranean kong kalabaw ay nagbigay sa amin ng 10 liters sa isang araw na siyang pinakamataas naming nakuha simula nang maggatas kami,” masayang sabi ni Sister Dolores. Ang DA-PCC sa USM, na nasaksihan ang pagsisimula ng farm sa negosyong pagkakalabawan, ay nanatiling nakaagapay kay Sister Dolores na isa pa niyang labis na ipinagpupuri sa Diyos. “Mula nang mabigyan kami ng kalabaw, nakaagapay lagi ang DA-PCC sa USM sa amin. Lagi nila kaming sinusubaybayan at binibigyan ng kaalamang teknikal at binibigyan din nila ng vitamins at pinupurga ang aming mga kalabaw,” masayang sabi ni Sister Dolores. Bilang ganti, aniya, sisiguraduhin nilang lalaganap pa ang mabuting layunin ng farm para makatulong sa komunidad at sa bayan at higit sa lahat upang maitaas ang pangalan ng Diyos sa gawaing ito. “Nais namin na maging sustainable itong farm para sa tuluy-tuloy na pagtulong sa kapwa. Gusto rin namin na sa pamamagitan nito ay makita ng marami pa ang nag-uumapaw na pagpapala ng Diyos na matatagpuan sa kalikasan. Pagdating ng panahon, ang pinakamimithi natin ay marami pang gamitin ang Diyos para maisagawa ang mga katulad na gawain para sa Kanya at para sa bayan,” masayang pagtatapos ni Sister Dolores.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.