‘Pastillas with a Twist’ Sep 2021 Karbaw CCLand, Pastillas By Chamanei Elias Kilala ang pastillas na tradisyunal na panghimagas nating mga Pinoy. Malimit din itong paboritong pasalubong dahil hindi naman ito basta basta nabibili sa kahit saang tindahan. CCLand World of Sweets; Pastillas with a twist. Ang pastillas de leche or milk candies ay nagsimula bilang isang homemade milk soft candy sa mga tahanan ng mga magsasaka. Ito ay gawa sa sariwang gatas ng kalabaw o baka na niluto sa mahinang apoy hanggang sa mabuo, pinagulong sa asukal, at inirolyo sa papel na kung minsan ay iba-iba ang kulay. Sa taglay nitong kaiga-igayang lasa kung kaya’t naging patok sa mga mamimili, sino ang mag-aakalang may mas isasarap at igaganda pa pala ang paborito nating pastillas? Dahil sa teknolohiya, may mga karagdagang pamamaraan nang ginagawa upang lalong mapasarap ang pastillas katulad ng paggamit ng powdered milk at mga food flavoring. Ang CCland World of Sweets sa Sta. Rosa, Nueva Ecija, halimbawa, ay ginawang kakaiba ang kanilang mga panindang pastillas. Tinawag nila itong pastillas with a twist dahil sa iba’t ibang disenyo at kulay ng mga ito. Sakto rin sa panlasa ang tamis at malinamnam ang gawa nilang pastillas dahil sariwang gatas ng kalabaw pa rin ang pangunahing sangkap nito. Ang CCland World of Sweets ay sinimulan ng mag-asawang Oliver Gene, 30, at Cindy Torres, 24, nito lamang 2019. Naging inspirasyon ng mag-asawa ang nanay ni Cindy na si Lie Esmundo na dati nang nagbebenta ng tradisyunal na pastillas sa palengke at sa kanilang sari-sari store. Dating OFW si Cindy at ang kanyang asawa. Noong nagbuntis si Cindy sa kanilang panganay na anak ay napagdesisyunan nilang bumalik ng Pilipinas upang magtayo ng sariling negosyo. Sinubukan nilang magbenta ng ukay-ukay, magtayo ng ice cream store at ihawan. Naging reseller din sila ng iba’t ibang produkto hanggang sa naisipan nilang ipagpatuloy ang pagbebenta ng pastillas ng kanilang nanay. “May knowledge ako sa paggawa ng pastillas dahil negosyo ito ng nanay ko. Naisip ko bakit hindi namin gawing kakaiba at iinnovate to build my own brand name for online selling. Gumamit kami ng gatas ng kalabaw dahil ito naman talaga ang orihinal na sangkap ng pastillas. Naisipan din naming idisenyo ang mga pastillas para mas maging kapansin-pansin. Sinimulan naming lagyan ng design yung mga pastillas nung nagkapandemic. Dinesenyo naming burger, pig, panda at iba pa. Sa bawa’t layer ay iba-iba rin ang flavor,” pagkukuwento ni Cindy. Ang CC sa CCland ay pinagsamang pangalan ni Cindy at ng kanyang anak na si Camry. Ayon sa kanya, nahirapan siyang magbenta ng kanilang mga pastillas sa social media. “Chat dito, post doon. Lahat na yata ng Facebook friends ko na-chat ko para i-offer and product ko pero puro seen zoned. Pero hindi pa rin ako tumigil, it was a slow process but soon after, dahil sa walang sawang pagchachat may mga sumubok bumili. We received good feedbacks and ngayon customers na ang nag-aaproach para bumili,” dagdag pa ni Cindy. Nagtuluy-tuloy naman ang magandang kapalaran ng online selling ni Cindy. Mula sa sariling pagbebenta, lumago ang CCland World of Sweets at isa na itong distribution company. Mula Sta. Rosa, nagkaroon na ito ng mga resellers mula sa iba’t ibang panig ng Luzon, Visayas, at maging hanggang sa Mindanao. “Naging layunin ko noong lumalago na ang pagbebenta ko ng pastillas na makatulong din sa ibang nais magkaroon ng alternative source of income,” ani Cindy. Ayon pa sa kanya, mula sa P2,000 na puhunan, nakagagawa sila ng 300 na pastillas na naibebenta nila sa halagang P130 kada box ng 12 piraso. Kung isa kang reseller, sa 25 na kahon ay kikita ka ng 3,250 pesos o higit pa depende sa dami ng iyong mabebenta. Mas dumami rin ang disenyo ng kanilang mga pastillas na iniaayon din nila sa trend sa social media. Mayroon na rin silang cream puffs, cookies, milky nougats, donut pastillas, burger pastillas, cinnamon roll pastillas, macapuno pastillas, ube halaya pastillas at mga pastillas na idinisenyo base sa okasyon at iba pang alam nilang papatok sa mga netizens. Maaari ring magpapersonalize o customize ng disenyo na walang adisyunal na bayad. Ang naipon nila abroad ay ginamit nilang panimula ng bagong negosyo na ngayo’y mas lumalago pa dahil sa kanilang pagtitiyaga. Malaking tulong din ang pagkakaroon nila ng mga resellers at distributors sa patuloy na pag-ikot ng kanilang negosyo. “May pangarap kami sa buhay at maaabot lang namin ‘yon kung pagtatrabahuan talaga namin. Save and invest and don’t settle for less just because it’s the only available at the moment,” panghihikayat ni Cindy. Mabibili ang CCland World of Sweets sa kanilang physical store sa Santa Rosa, Nueva Ecija. Makikita rin ito sa Facebook page: Ccland-World of Sweets-MAIN, Instagram: ccland_world of sweets at shopee: ccland world of sweets pastillas para sa mga gustong umorder at magpadeliver.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.