Pagbubukas ng dairy processing plant, marketing outlet sa Matanao, Davao del Sur

 

“Great blessings come with great responsibilities. "

Ito ang paalala ni DA-PCC OIC Executive Director Dr. Ronnie Domingo sa mga miyembro ng Inyam Pintuan Asbang MultiPurpose Cooperative (IPAMCO) na isa sa mga biniyayaang muli ng kumpletong kagamitan sa pangongolekta ng gatas, 50 kalabaw, processing machines at equipment, marketing outlet, at iba pang kagamitan na magpapatakbo sa nasabing pasilidad. Ito ay bahagi ng Carabao-based Business Improvement Network (CBIN) na pinondohan at isinusulong ng Commitee on Agriculture and Food Senate Chairperson Cynthia Villar.

Ipinaalala ng DA-PCC at mga katuwang na ahensya sa mga miyembro ng kooperatiba na ang turnover ceremony na ito ay hindi pagtatapos ng kanilang mga gawain, kundi umpisa ng kanilang panibagong hanapbuhay at pagsisikap upang mas mapaunlad at maisakatuparan ang programa. At upang makamit ang Masaganang Ani at Mataas na Kita na isinusulong ng Kagawaran ng Agrikultura.

Kabilang sa mga dumalo ay sina Liaison Officer Lloyd Legal, mula sa opisina ni Senator Villar, PCC at USM Center Director Benjamin Basilio, Provincial Veterinarian Dr. Catherine Ressurreccion, Municipal Agricultural Officer Dennis Jay Lugto, Punong Barangay Jerwin Salas, at IPAMCO Chairperson Eustaquio Pasalo, Jr.

Author

0 Response