ALAB Karbawan sa Abra nagsimula na

 

DA-PCC sa MMSU- Nagsimula ang ALAB Karbawan sa Abra sa pagpapatayo ng kauna-unahang Dairy Box o dairy processing facility sa Brgy. Calaba, Bangued at pagkakaloob ng 58 na babaeng kalabaw sa mga miyembro ng Abra Farmers and Provincial Employees Multi-Purpose Cooperative (AFPEMCO) noong Nobyembre 5 at 22.

May mga karagdagan din na production inputs, supplies, materials at mga equipment para sa milk processing ang ipagkakaloob para sa processing facility.

Pinasinayahan ang pagpapatayo ng dairy processing facility at store sa Abra Breeding Station, Brgy. Calaba, Bangued, Abra noong Nobyembre 5 sa pangunguna nina Center Director ng DA-PCC at MMSU, Grace Marjorie Recta, Chairperson ng AFPEMCO Cris Albolete, at Provincial Veterinarian Dr. Ruston Valera.  Magsisilbi itong outlet kung saan ibebenta ang mga produkto ng kooperatiba na gawa sa gatas ng kalabaw sa abot-kayang presyo.

Ang mga benepisyaryo ng Carabao-based Business Improvement Network (CBIN) ay patuloy na nagsasanay upang matutunan ang mga wastong pamamaraan sa pagpapaunlad ng pagkakalabawan sa pangunguna ng Carabao-based Enterprise Development (CBED) Coordinator ng PCC sa MMSU, na si Florencio T. Malicad Jr.

Ang CBIN ay pinondohan ng opisina ng Senate Committee on Agriculture and Food and Agrarian Reform Chairperson Senator Cynthia Villar na naglalayong magtatag ng masigla at kumikitang pagkakalabawan sa buong bansa.

Author

0 Response