Pag-asa’t pagbangon sa pagkakalabawan Dec 2021 Karbaw Dong, Elpidio Manaloto Jr. By Dine Yve Daganos Naging malaking hamon sa hanapbuhay ng marami ang pagdating ng pandemya. Maraming mga negosyo ang tuluyan nang nagsara, samantalang ang iba ay naghihintay at umaasa na babalik sa dati ang takbo ng negosyo. Meron din namang ilan na matapang na nakikipagsabayan sa alon ng “new normal”. Ang mga halamang napier at mais na galing sa sakahan ni Dong ay ginagamitan ng chopper at hinahaluan ng molasses, asin, soya, rice bran (second class) o D2, at grower concentrate. Dating namamahala ng Restaurant si Elpidio o “Dong” Manaloto Jr. sa sentro ng Angeles City sa Pampanga. Dahil nga sa pandemya, naging matumal ang kita bunga ng travel restrictions na ipinatutupad ng mga awtoridad sa lahat ng pagkilos sa mga pampublikong lugar. Napilitan si Dong na ipasara ang kanyang negosyo subali’t hindi siya tumigil na maghanap ng iba pang paraan para kumita. Sa pagkakalabawanan nahanap ni Dong ang potensyal na kumita. Kambingan ang dating negosyo ng pamilya kung kaya’t wala pa silang kasanayan sa pagkakalabaw nguni’t masigasig niya itong pinag-aralan at nakitang mainam itong pagkakitaan sa kabila ng pandemya. Pinaghandaan ni Dong ang proyektong ito at gumawa ng sarili niyang pananaliksik ukol sa kalakaran ng pagkakalabaw. Sa katunayan ay mayroon siyang sariling sistema na sinusunod sa bawa’t proseso ng kanyang operasyon. Mula sa preparasyon ng pakain para sa mga kalabaw, si Dong mismo ang naghahanda ng mga sangkap na gagamitin. Ang mga halamang napier at mais na galing din sa kanyang sakahan ay ginagamitan ng chopper at hinahaluan ng molasses, asin, soya, rice bran (second class) o D2, at grower concentrate. Ayon sa kaniya, mainam itong paraan ng paghahanda ng pakain upang madaling kainin ng mga kalabaw at nang gayundin ay pwede itong itabi upang mapakinabangan sa susunod pang mga araw o di kaya ay para ibenta. Dati na ring gumagawa ng silage si Dong noon pang 2011 na siyang ipinapakain nila sa mga alagang kambing. Bago ang pagsasaayos ng kanyang pasilidad, una niyang pinagtutuunan ng pansin ang pag-iimbak ng pakain para sa mga kalabaw. Ayon sa kaniya, mahalagang masiguro ang masaganang supply ng pagkain para sa mga hayop kaya naman nagkaloob siya ng sapat na lupang sakahan para rito. Bilang dagdag kita ay plano niya rin gawing pang-commercial ito para sa mga magsasaka mula sa mga karatig barangay. Nais niya itong umpisahan ngayong Disyembre. Bukod sa dairying, nais din ni Dong na pumasok sa meat production. Bilang dating restaurant operator, batid niyang maganda ang kitaan sa pagbebenta ng karne ng kalabaw sa palengke. Ayon sa kaniya, mababa ang bili ng mga storeowner mula sa trader subali’t malaki ang dagdag nilang patong kung ibebenta na nila ito sa merkado. Mas mainam para sa kaniya kung direkta ang pagsupply sa mga kostumer para mabili nila ang karne sa mas mababang halaga. Sa kasalukuyan, nasa 147 na ang bilang ng kalabaw ni Dong. Aniya, may ilang kakilala siya na nagsasabing pahamak ang ginawang hakbang dahil sa laki ng puhunan. Subali’t nang makita nila ang kaayusan sa pasilidad na ipinundar niya, tila nakita rin nila ang magandang kahihinatnan ng pinasok na negosyo ni Dong. Dahil dito, isa siya sa mga nabigyan ng parangal bilang Outstanding Dairy Buffalo Farmer sa ilalim ng commercial category ng Department of Agriculture-Philippine Carabao Center (DA-PCC) kasabay ng pagdiriwang nito ng National Carabao Conference noong nakaraang Oktubre. Ang pinasok ni Dong na kabuhayan ay pagkakakitaan ding natagpuan ng 16 katao na nawalan ng trabaho noong nagkapandemya. Nagsilbi na rin itong magandang training facility sa isa pang katuwang niya na nakapagtapos kamakailan lang sa kursong animal science. Sa pasilidad din na ito niya patuloy na napaghuhusay ang kaalaman sa artificial insemination. Bagama’t nagsisimula pa lang ay buo ang loob ni Dong sa magiging resulta ng kanyang naging pagpapasya. “Ang tao ang sinusundan niya ay sistema at programa. Kaya sabi ko nga iyong programa ng PCC yayakapin po namin ‘yan kasi alam kong kahit hindi pa namin nagagawa ang lahat kasi nag-uumpisa pa lang, pero may tiwala po kami sa programa ninyo at alam namin kung saan kami nito dadalhin,” ani Dong. Bukod sa malaking tiwala sa nasalihang programa ng gobyerno, nais din ni Dong na magsilbing patunay sa iba pang magsasaka na totoong maganda ang kita sa pagkakalabawan. Balang-araw, gusto niyang makapagbalik sa tulong na ito ng gobyerno sa pamamagitan ng pagtulong din sa kapwa at pananatiling matapat sa naipagkatiwala sa kanyang kabuhayan.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.