Patuloy ang serbisyo

 

Nagpadala ng food packs ang DA-PCC sa mga residente ng Ubay, Bohol sa pangunguna ni DA-PCC Deputy Executive Director for Administration and Finance Dr. Caro Salces at DA-PCC sa Ubay Stock Farm (USF) Center Director Dr. Ma. Dinah Loculan.

Nakapagpamahagi ng 400 food packs ang DA-PCC sa USF sa mga kawani nito, pati na rin sa mga residente ng Brgy. Lomangog, Ubay, Bohol. Inaasahang madaragdagan pa ito sa mga darating na araw sa patuloy na pagbibigay ng voluntary contributions ng mga kawani ng ahensiya mula sa DA-PCC national headquarters at regional centers.

Lubhang napinsala ang mga gusali ng DA-PCC sa USF, isa na rito ang processing at marketing outlet,  dahilan upang maantala ang operasyon nito pati na rin ang paggagatas ng mga magsasaka na siyang kanilang pangunahing hanapbuhay.

Ang production area naman ay nakapagtala ng nasa 95% damages sa mga istruktura nito. Bumagsak ang buong istruktura ng cows/milking barn dahil sa bumigay nitong mga haligi.

Ang mga damong pakain sa kalabaw tulad ng napier ay lubha ring napinsala kung kaya’t apektado ang nutrisyon ng mga alagang kalabaw.

Tinatayang aabot sa PHP25.4M ang naging pinsala sa mga istruktura sa DA-PCC sa USF at PHP3.1M naman para sa mga housing ng mga magsasaka na kasapi ng Bohol Dairy Cooperative (BODACO).

Nakapagtala naman ang DA-PCC Institutional Herd ng isang animal mortality at isang sugatan.

Samantala, hindi naman gaanong napinsala ang gusali at mga kagamitan ng LAMAC Multipurpose Cooperative, inaasahang magbabalik operasyon ang kooperatiba sa tulong ng generator set. Ito ang nakikitang paraan ni Dr. Caro upang magpatuloy ang paggagatas ng mga magsasaka sa Bohol.

Naglaan ng PHP2.6 bilyon ang DA, sa pangunguna ni Secretary William Dar, bilang ayuda sa mga magsasakang nasalanta ng Bagyong Odette.

Author

0 Response