‘From fast food to cara-dairy’

 

Masayang ibinahagi ni Gng. Noemi Liangco ng Amancio Nicolas AgriTourism Academy kina OIC Executive Director Dr. Ronnie Domingo at Deputy Executive Director for Admin. and Finance Dr. Caro Salces ang mga produkto nilang gawa sa gatas ng kalabaw.

Ang mga dairy products gaya ng choco milk at pasteurized milk na nakapakete sa mga foil pouches ay produkto ng kanilang bagong dairy processing plant sa probinsya ng Isabela.

Nagagalak niyang ikinuwento na kaya na nilang makapagprodyus ng 12,000 pouches kada araw sa loob lang ng 2 shifts. Ito, aniya, ang bilang ng pouches na tinatarget nilang magawa noon.

Si Gng. Liangco ay kilalang negosyante na nagmamay-ari ng ilang franchises ng sikat na fast food chain. Naibahagi nito na isa sa kanilang branch ang kinailangang magsara dahil sa lumalaganap na pandemya. Ang kanilang mga dating staff, na karamihan ay mga millenials, ay ngayo’y kanila nang katuwang at sumuong na rin sa negosyong gatasang kalabaw.

Author

0 Response