Pagbangon sa kabila ng mga hamon Kwento ng tagumpay ng kauna-unahang retort facility para sa sterilized milk sa Rehiyon 2 Jun 2022 Karbaw Karbaw By Ma. Cecilia Irang Sa likod ng isang maganda at nakapupukaw na kwento ay ang mga tagong pagpapagal, mga masasakit na karanasang nalampasan, mga problemang natugunan, at mga hamon na napagtagumpayan. Pagbangon sa kabila ng mga hamon Kwento ng tagumpay ng kauna-unahang retort facility para sa sterilized milk sa Rehiyon 2 Kagaya na lamang ng kwento sa likod ng tagumpay ng kaunaunahan at bukod-tanging retort facility para sa sterilized carabao’s milk sa buong Rehiyon ng Cagayan Valley o Region 2 na dumaan din sa matinding pagsubok bago tuluyang naisaayos ang operasyon. Buong-pusong idinetalye ni Noemi Liangco, presidente ng Amancio Nicolas Agri-Tourism Academy (AATA) sa Cordon, Isabela na namamahala sa nasabing retort facility, ang mga kinaharap at pinagdaanang pagsubok sa pagsisimula niya sa negosyong salig sa kalabaw partikular na sa pagsusupply ng sterilized milk at kung paano sila nakabangon dahil sa mga natanggap na tulong at suporta mula sa komunidad. “I am just one person among the many people who made this possible. Gusto kong maacknowledge ‘yong mga taong tumulong noong mga panahong hirap na hirap kami dahil sa totoo lang hindi talaga tungkol sa’kin ang buong kwento, bahagi lang ako nito,” ani Noemi. Sinubok, nagtagumpay! Isang kilalang negosyante sa Isabela, mataas ang pinag-aralan, at marami nang napatunayan sa larangan at industriya ng pagnenegosyo, buong pagpapakumbabang inaamin ni Noemi na sa kabila ng mga katangiang ito ay nangangailangan pa rin ang isang tulad niya ng tulong at suporta. Kabilang ang negosyo ng pamilya ni Noemi sa labis na naapektuhan dahil sa banta ng pandemya. Isa sa tatlong branches nila ng sikat na fast food chain ang kinailangang magsara. Kabilang din sa huminto ang operasyon ay ang tatlong branches nila ng hotel at restaurant. Batid ang magiging epekto nito sa mga tauhan at kasamahan niya sa negosyo na dito lamang umaasa, sinuong ni Noemi ang negosyong salig sa kalabaw para magkaroon sila ng ibang pagkakakitaan. Ito’y matapos siyang hikayatin ng mga kawani ng DA-Philippine Carabao Center (DA-PCC). “I was seeking support at mapalad ako na naramdaman ‘yon ng DAPCC kagaya nina Ma’am Mina Abella, Dr. Libertado Cruz, Dr. Caro Salces, Dr. Ericson Dela Cruz, Joel Cabading at mga empleyado ng DA-PCC sa Cagayan State University (DA-PCC sa CSU) at tinulungan nila ako,” ani Noemi. Matapos ang masinsinang pagaaral at pagsisiyasat ukol sa bagong negosyo na kanyang susuungin, nagpasya nang humingi ng tulong si Noemi sa mga kaibigan niyang sina Jum Supaksiri at Yay San Pedro ng Belldas Thailand para sa retort facility ng sterilized carabao’s milk. “Ang nasa isip ko noon kung sasali ako sa milk feeding, paano ako maiiba? Hindi ka pwedeng mag-join sa market na gumagaya ka lang. Dahil lahat pasteurized milk ang produkto, nagresearch ako at napag-alaman ko na itong sterilized milk sa room temperature ay mas mahaba ang shelf life na aabot hanggang anim na buwan. Kaya ang target ko ay ‘yong mga nasa malalayong lugar,” paglalahad ni Noemi. “Ayoko naman na kapag pumasok ako sa negosyong ito ay mawawalan ng pagkakakitaan ‘yong ibang suppliers; dapat inclusive tayo, kaya mas maganda na magkaiba rin kami ng market. Hindi ‘yong pagpasok ko na-exclude na ‘yong iba. Kailangan lumalakas tayo as a community,” dagdag niya. Nguni’t sa kanyang pagsisimula ay hindi naging madali ang daan na kanyang tinahak. Kabi-kabilang problema, mapapersonal at propesyunal, ang kinaharap niya sa kanyang lakbayin sa industriya ng paggagatasan. Inilahad niya ang mga pinagdaanang pagsubok at kung paano siya mas pinatibay ng mga ito upang mas umigting ang pagnanais niya na makamit ang adhikaing maging bukal ng gatas ng kalabaw ang Cagayan Valley sa buong Hilagang Luzon. “I am operating on the basis of trust and trustworthiness. Hindi ko napansin ‘yong tunay na presyo ng retort facility dahil Thai Baht pala hindi Philippine Peso ‘yong halaga na nakalagay. Kung napansin ko kaagad ‘yon, hindi na ‘ko tumuloy sa negosyong ito pero talagang may dahilan ang lahat dahil mabait ‘yong supplier, nagtiwala siya sa’kin na mababayaran ko siya at sa awa ng Diyos naitawid ko ang huling balance ko sa kanya,” kwento ni Noemi. Maliban dito ay nagkaproblema rin sina Noemi sa packaging dahilan para maantala ang operasyon ng retort facility at subukan pansamantala ang pasteurized milk. “Ito ‘yong time na nakita ko talaga ang puso ng DA-PCC sa CSU partikular na sina Dr. Rovina Piñera at Dr. Aileen Bulusan na matulungan ako. Sabi nila magpasteurize muna ako para kahit papaano makabawi sa gastos,” ani Noemi. Sa Schools Division Office (SDO) ng Isabela nagsupply ng pasteurized milk sina Noemi para sa School-based Feeding Program (SBPF) ng Department of Education (DepEd) sa ilalim ng RA 11037 o “Masustansyang Pagkain para sa Batang Pilipino Act” nguni’t may kalayuan ang mga lugar dahilan para mapanis ang ibang gatas habang ibinabyahe patungo sa drop-off point kung saan nasa kabuuang 60,000 pouches ng pasteurized milk ang nasayang. “Ang training namin sa global brand, food safety is all or nothing. Kaya hindi na namin pinanghinayangan ‘yong lugi sa mga nasirang gatas. ‘Yong ibang pouches na hindi nasira ay ipinamigay namin sa community,” wika ni Noemi. Maliban sa problema sa kanyang negosyo ay dumaan din sa matinding personal na pagsubok si Noemi na mas lalong nagpahirap sa sitwasyon niya nguni’t sa halip na sumuko ay pinanghawakan niya ang pananampalataya na “ito ay bahagi ng napakagandandang grasya ng Panginoon dahil wala namang maganda na hindi pinaghihirapan”. “Sa tagal ko nang nagnenegosyo, sa dami ng mga pagsubok na pinagdaanan ko, hindi naman ako pinabayaan ng Diyos. Nandoon na ako sa punto na pati ang mga paghihirap ay itinuturing ko na ring mga blessings. Halimbawa, kung mayroon akong ma-discover na hindi magandang behavior ng mga empleyado, ang sinasabi ko sa sarili ko ay ganito: ‘Noemi, hindi ito personal sa’yo, ito na ang institution na ginagalawan mo’,” paliwanag ni Noemi. Ayon kay Noemi, tinulungan siya ni Mina Abella, milk feeding national coordinator ng DA-PCC, na makipag-ugnayan at sumangguni kay Jaime Tiongson ng Laguna Training and Consultancy Services, para sa operasyon ng kanilang retort facility. “Talagang dumarating ang mga anghel kapag kailangan mo. Ni-refer ni Sir Jaime si Sir Noel Laforteza ng Bagong Pag-asa Engineering Company para tulungan ako sa packaging machine. True to its name “Bagong Pag-asa”, binigyan nila kami ng bagong pag-asa sa kabuhayang ito dahil pinautang muna nila sa’min ‘yong machine. Tinulungan din kami ng Integrated Farmers’ Cooperative sa mga materyales,” nakangiting sambit ni Noemi. Disyembre 2021 nagsimula nang magdeliver ng 83,208 pouches ng 180 ml sterilized carabao’s milk ang AATA para sa 3,467 benepisyaryo ng 3rd batch ng milk feeding program sa SDO Isabela sa loob ng 24 feeding days. Samantala, 148,800 pouches ng sterilized milk naman ang naideliver nila sa CAR Region para sa 1,240 benepisyaryo at 552,000 pouches para sa 4,600 benepisyaryo sa Region 2 sa loob ng 120 feeding days sa ilalim naman ng 11th cycle ng feeding program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD). Nasa kabuuang 30,000 pouches ng sterilized milk ang napoprodyus ng AATA sa isang araw. Nanggagaling ang supply nito ng gatas mula sa inaasistehang kooperatiba ng DA-PCC sa CSU gaya ng Quirino Dairy Cooperative (QUIDACO) sa Maddela, Quirino at San Agustin Dairy Cooperative (SADACO) sa San Agustin, Isabela. Nagsupply din ng gatas dito ang Nueva Ecija Federation of Dairy Carabao Cooperatives sa Talavera, Nueva Ecija at DA-PCC sa CSU. Retort facility Layunin ng retort facility ng AATA ang isterilisasyon ng gatas ng kalabaw sa Region 2 upang mas mapaigting pa ang produksyon at pagsasapamilihan ng gatas sa KIsAViQ dairy zone na kinabibilangan ng mga probinsya gaya ng Kalinga, Isabela, Aurora, Nueva Vizcaya, Ifugao, at Quirino. Ito’y inaasahang makapagbibigay ng siguradong kita sa mga maggagatas at makatutulong sa pagpapabuti ng kalusugan ng mga batang kulang sa nutrisyon na nasa malalayong lugar sa hilagang bahagi ng Luzon. “Grabe ang epekto ng pandemya sa negosyo namin kaya malaking blessing talaga ang pagdating ng dairy enterprise. Nakita ko na pangmatagalan ito dahil nasa batas na siya at gusto namin ng asawa kong si Amancio M. Liangco Jr. na magretire sa negosyong ito. Dahil dito, walang edad, walang prangkisa, at pwedeng iwanan sa next generation. Nakita ko na pinagpapala ng Panginoon ang negosyo na may magandang dulot sa komunidad,” buongpagmamalaking sabi ni Noemi. Determinado ang AATA na buong-pusong tangkilikin ang negosyong salig sa kalabaw. Sa katunayan, nagpoproseso na rin sila ng dairy products gaya ng choco milk, pandan-flavored milk, at pasteurized milk na nakapakete sa mga foil pouches. Mayroon din silang inaalagaang 13 kalabaw na nakasuga sa 30 ektaryang lupain nila kasama ang ilan pang mga hayop gaya ng mga tupa at manok. Bukod sa gatas ng kalabaw, iba’t ibang agri-products din ang handog ng AATA para masuportahan ang mga lokal na magsasaka gaya ng santol wine, coffee, buro, green tea, at iba pang mga organikong produkto. Plano rin ng AATA na magparami ng green tea para sa organic milk tea gamit ang gatas ng kalabaw na nakalinya nilang ilunsad sa hinaharap. Sa kasalukuyan, tapos na ang 2021 contract commitment ng AATA sa milk feeding program at naghahanda na para sa kakailanganing supply ng sterilized milk para sa feeding program sa 2022. “Everything is Grace. May kinapuntahan lahat ng luhang iniiyak. Hindi ako nawalan ng pagasa at naniwala ako na maganda ang bunga ng lahat ng ito basta manalig ka at marunong kang kumilala sa mga taong tumulong sa’yo noong panahong lugmok na lugmok ka,” patotoo ni Noemi. Ang kwento ng lakbayin ni Noemi sa negosyong paggagatasan ay sumasalamin sa marami pang istorya na nagpapatunay na “no man is an island”, na sa lahat ng kaganapan ay laging may magandang kahihinatnan ang pagtutulungan at makabuluhang ugnayan.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.