Pamanang kabuhayan, liglig na pag-asa ng bayan Jun 2022 Karbaw Karbaw By Dine Yve Daganos Karaniwan na sa mga kabataang bagong nakapagtapos ngayon ang maghangad ng trabaho sa malalaking siyudad o mga kumpanya o di kaya’y maranasang humawak ng mataas na posisyon sa lipunan. Kung may pagpipilian, ito’y ayon sa maraming pag-aaral, hindi ang larangan ng agrikultura ang makapupukaw sa atensyon o ambisyon ng isang kabataan. Notice: Undefined variable: imgDesc in C:\laragon\www\post.php on line 114 Ibang-iba naman dito ang pananaw ng isang kabataan sa Bohol. Si Pedro “Jay” Valles III, 22 taong gulang, at ang kanyang ama na si Pedro Valles Jr., 46 taong gulang ng barangay Tipolo, Ubay, ay parehong kinagisnan ang pagsasaka sa murang edad. Pangunahing hanapbuhay sa Central Visayas, kabilang ang lalawigan ng Bohol, ang pagsasaka. Sa katunayan, ayon sa Bohol Provincial Planning and Development Office, nasa 184,847 hectares o halos 45% ng kabuuang lupa ng probinsya ang nakalaan sa pagsasaka kasama na ang sa livestock at poultry production. Katuwang ang buong pamilya kasama ang dalawang nakababatang kapatid at inang si Elsie, ilan sa mga pananim na sinasaka nina Jay ang saging, buko, palay, at ibang gulay katulad ng kalabasa. Taong 2019, nagsimula na ring magbenta ng gatas ng kalabaw sina Jay mula sa dalawang Italian buffalo na ipinagkaloob sa kanila ng DA-PCC taong 2014. Taong 2019 din nang mapahiraman sila ng bull na siyang magkasunod na nakapagpabuntis sa dalawa niyang inahin. Ito’y matapos na maging kalahok sa Farmer Livestock School on Dairy Buffalo Production (FLS-DBP) training ng DA-PCC ang kanyang tatay na si Pedro. “Malaki ang kita sa paggagatas ng kalabaw.” Ito ang mariing sagot ni Jay sa tanong kung bakit pinipili niyang manatili sa pagbubukid at pagkakalabaw. Katulad din ng ibang kabataan, minsan na ring sinubukan ni Jay na lumuwas sa lungsod para maghanap ng ibang mapagkakakitaan. Matapos ang kaniyang pag-aaral sa ilalim ng Alternative Learning System (ALS) Program ng Department of Education (DepEd) noong 2020, nagdesisyon siyang pumunta ng Bulacan upang doon maghanap ng trabaho. Nakakapanibago man at malayo sa nakagisnang buhay sa probinsya ay buong tapang pa ring sinuong ng binata ang panibagong pakikipagsapalaran. Isang taon siyang nagtrabaho bilang bodegero, tatlong buwan bilang tricycle driver, at isa pang buwan bilang service boy sa isang water refilling station. Hindi nagtagal, napagod si Jay sa pagpapalipat-lipat ng trabaho kaya’t nagdesisyon siyang bumalik na lang ng probinsya. “Mas mainam pa rin ang pagkakalabaw kaysa sa dati kong pinasukan,” pagkukumpara ni Jay noong magbalik sa pagpapastol at paggagatas ng kalabaw. “Minuto lamang ang pagkuha ng gatas at hindi rin matrabaho ang pagpapakain sa kanila,” dagdag pa niya. Sa paggagatas naman, dapat aniyang panatilihing malinis ang mga kalabaw at ang milk collection facility upang masigurong de-kalidad ang aning gatas. “Pinaliliguan muna ang mga kalabaw saka pinatutuyo. Sunod na inihahanda ang lalagyan ng gatas na may kasamang malinis na telang pansala. Pagkatapos makolekta ang gatas ay dinadala ito malapit sa kalsada para mabilis na maisasakay ng collector,” ani Jay. Ganito ang eksena sa paggagatasan ni Jay tuwing alas-sais hanggang alassiete ng umaga araw-araw. Aabot aniya sa anim na litro ang nakukuha sa isang kalabaw na ibinibenta nila sa halagang Php50 bawa’t litro. Dahil sa malaking kita mula rito, pangarap ni Jay na dumami pa ang kanyang mga gatasang kalabaw at pinaplano na rin niyang subukan ang carabao breeding para mangyari ito. Mga hamon sa pagkakalabaw Mahirap ang supply ng tubig sa barangay Tipolo lalo na sa panahon ng tag-init na nagsisimula tuwing buwan ng Marso. Bagama’t malakas kahit sa gitna ng matinding sikat ng araw, nakararanas pa rin ng pagkabalisa ang mga kalabaw dulot ng uhaw at kawalan ng lubluban dahil sa pagkatuyot ng mga lawa at water holes. Sa pagdaan ng bagyong Odette sa pulo, humina rin ang bentahan ng gatas. Kasunod nito ay ang biglaang pagtigil ng isa sa kanilang kalabaw sa pagbibigay ng gatas. Hinala ng pamilya ni Jay na marahil ay bunga ito ng stress na pinagdaanan ng kalabaw dahil sa malalakas na hangin at ulan na dulot ng nagdaang bagyo. Gayunpaman, masasabing mapalad pa rin ang kanilang pamilya at hindi gaanong malaki ang naidulot na pinsala ng bagyo sa barangay samantalang ang mga karatig-bayan ay hindi pa rin tuluyang nakababangon sa tinamong pinsala at trauma. Haligi ng masaganang agrikultura Nang tanungin kung may balak pa ba siyang maghanap ng ibang trabaho, ang tahasang sagot ni Jay ay wala na dahil ang kanyang buong atensyon, aniya, ay nakatuon na sa pagkakalabaw. Kung para sa ibang kabataan ang pagsasaka ay huli sa kanilang mga pinagpipiliang propesyon, para kay Jay ay mahalaga ang pagsasaka at kailanma’y hindi matatawaran ang katuturan ng gawaing ito. “Sa mga kabataan ngayon, hindi hamak na trabaho ang pagsasaka dahil sa katunayan ay isa itong malaking business opportunity. Katulad ng iba ring hanapbuhay, kikita at yayaman ka rito. Sa katunayan, kaya nitong talunin ang kita ng ibang propesyonal,” ani Jay. “Kung walang mga magsasaka, mawawalan ng pagkain ang mga tao. Kung walang mga kabataang magsasaka, wala ring pag-asa ang ating agrikultura sa mga susunod na panahon. Sa paggagatas ng kalabaw malaki ang kita at hindi nangangailangan ng matinding trabaho,” panghihikayat niya. Mangilan-ngilan sa ngayon ang mga kabataang katulad ni Jay na piniling sumunod sa yapak ng kanyang mga magulang na magsasaka. Ngayong nakararanas tayo ng kabi-kabilang hamon dulot ng pandemya at mga kalamidad, ang pamanang kabuhayan ay maituturing na rin ngayong pag-asa ng bayan.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.