Kagamitan para sa produksyon, ipinagkaloob sa grupo ng magkakalabaw

 

Inaasahang mas mapauunlad ang produksyon ng gatas at mga produktong gawa rito matapos makatanggap ng iba’t ibang kagamitan kaugnay dito ang tatlong piling grupo ng magkakalabaw mula sa proyektong ALAB Karbawan.

Ang mga benepisyaryo ay ang Rosario Dairy Farmers’ Cooperative (RDFC), Sudipen Dairy Farmers Association (SDFA), at Aringay Dairy Carabao Raisers Association (ADCRA), na inaasistehan ng DA-PCC sa Don Mariano Marcos Memorial State University sa Rosario, La Union.

Kabilang sa mga kagamitan na ipinagkaloob sa grupo noong Marso 23 sa ilalim ng proyektong ALAB Karbawan ay 66 ice boxes, 10 grass cutters, isang tri-wheel, isang motorcycle, 20 drums, 27 milk pails, pitong milk cans, at isang pasteurizer and sealing machine.

Noong nakaraang taon ay napagkalooban din ng kabuuang 50 gatasang kalabaw ang mga Ni Ma. Cecilia Irang-Mariano benepisyaryo. Dalawampung kalabaw ang naipagkatiwala sa RDFC habang tig 15 kalabaw naman ang naipamahagi sa SDFA at ADCRA.

Ayon sa DA-PCC, ang salitang “ALAB” sa ALAB-Karbawan ay isang acronym na ang ibig sabihin ay Accelerating Livelihood and Assets Buildup samantalang ang salitang “Karbawan” naman ay salitang mula sa Visayas at Mindanao na ang ibig sabihin ay “pagkakalabawan”.

Ang naturang proyekto ay mula sa inisyatiba at pondo ng opisina ng Senate Committee on Agriculture, Food, and Agrarian Reform na pinamumunuan ni Sen. Cynthia Villar.

Author

0 Response