Walk the talk Apr 2023 Karbaw Walk the talk By Rovelyn Jacang Noong 2014 sinimulan nina Doc Lui at Ruena na bumili ng gatasang kalabaw. Iyon din ang panahong wala pang interes sa pagkakalabaw ang mga tao sa kanilang lugar. Ang tingin ng marami noon, matrabaho at mahirap ang pagkakalabaw. Walk the talk Nagsimula ang mag-asawa sa pagpapaalaga ng maginang kalabaw dahil kasalukuyan noong empleyado pa sa agriculture offi ce si Ruena samantalang si Doc Lui naman, na isang beterinaryo, ay sa isang pribadong kumpanya. Umaabot sa limang litro ang naaaning gatas mula sa nabili nilang kalabaw at ang kita ay hinahati nila sa tagapag-alaga. Hindi na bago sa mag-asawa ang konsepto ng paghahayupan dahil si Ruena ay babad sa mga gawaing pang-agrikultura dahil sa kanyang trabaho. Gayundin si Doc Lui na ang trabaho ay sa isang feedmill company. Malimit din silang namamahagi ng kaalaman sa mga magsasaka sa kainaman ng paghahayupan partikular na ang paggagatas kaya naman napagpasyahan nilang sila mismo ang magpakitang-gawa ng kanilang mga itinuturo. Makalipas ang apat na taon ng pagpapaiwi, nailipat muli sa pangangalaga ng mag-asawa ang mga kalabaw. Pagkagaling sa opisina, madalas na sa farm matatagpuan si Doc Lui. Pamilyang sama-sama sa pagkakalabawan Kahit full-time pa rin sa kani-kanilang trabaho, nagpatuloy sina Doc Lui at Ruena sa pagkakalabaw katulong ang mga anak na sina Joseph Nathaniel, Niño Andree Louis, at Benedict Ryan. Bagama’t masasabing sila ay nakaaangat sa buhay, pinalaki ng mag-asawa ang kanilang mga anak na sanay sa mga gawaing bahay kundi man ng mga gawain sa farm. Dahil dito ay kakikitaan na rin ng pagpapahalaga ang kanilang anak sa kanilang pagkakalabawan. Sa katunayan, nagresign sa trabaho ang anak na si Joseph noong 2016 para tumulong sa negosyo ng pamilya. Kalaunan ay nagkaroon na sila ng dalawang tauhan na makakasama sa pag-aalaga ng mga kalabaw. Taong 2021 nang magdesisyon naman ang mag-asawa na magretire na at tutukan ang pagkakalabaw. Ayon sa asawang si Ruena ay malimit nang gabihin sa farm si Doc Lui. “Hindi na niya namamalayan ang oras dahil nag-eenjoy siya ng sobra. Kung hindi niya passion ang paghahayupan, hindi naman dadami ang aming mga kalabaw,” ani Ruena. Stress reliever para sa mag-asawa ang pagbisita sa farm. Tinututukan ni Doc Lui ang pagpapabuti sa kalusugan ng mga kalabaw pati na ang kanilang nutrisyon. Patuloy siyang sumusubok ng mga improved forage upang masiguro ang nutrisyon ng mga gatasang kalabaw. Nagpapakain din sila ng mga legumbre at iba pang suplementong pakain gaya ng sapal ng taho at spent grain dahilan upang dumami ang kanilang aning gatas at tumaas ang kalidad nito. Wastong pangangalaga Ayon sa The Rosario Livestock and Agriculture Farming Cooperative, kung saan dinadala ang kanilang mga aning gatas, maganda raw ang recovery ng kanilang aning gatas kapag pinoproseso. Ang gatas mula sa Caguimbal farm ay ipinoprosesong yogurt at keso dahil sa magandang kalidad nito. Sa kasalukuyan, mayroong 40 kalabaw ang Caguimbal dairy farm at pito rito ay gatasang kalabaw at may nakagayak pang manganganak sa mga susunod na buwan. Araw-araw silang umaani ng 37-40 liro ng gatas na ipinagbibili sa halagang PHP70 kada kilo. Ang mga lalaki at mga hindi na mabuntis na kalabaw ay kanila namang ibinebenta. “Hindi kami nalulugi sa pagbebenta ng kalabaw, kapag for culling na ang kalabaw at hindi na mabuntis, ibinebenta na namin at kung minsan ay higit pa nga sa presyo ng pagkakabili namin,” ayon kay Doc Lui. Ginagawa nila ang culling and selection para maiwasan ang pagkakaroon ng mga “boarder” o mga kalabaw na nakakadagdag na lang sa operational cost ng farm kung hindi mabuntis-buntis matapos ang artificial insemination. Tumatanggap din sina Doc Lui ng pagpapabulog sa kanilang bulugang kalabaw nang libre. Serbisyo anila ito sa mga magkakalabaw na tulad nila. Model farm Ang Caguimbal Dairy Farm ay isa na ngang modelo ng mahusay at epektibong pag-aalaga ng kalabaw. Nagbibigay ito ng dagdag na kasiyahan sa mag-asawa sa tuwing may bumibisita sa kanilang farm tulad ng mga kooperatiba at mga magsasaka mula sa iba’t ibang lugar. Kamakailan lang ay kinilala ang Caguimbal Farm bilang “Outstang Dairy Buffalo FarmSemi Commercial” ng DA-PCC noong 8th National Carabao Conference. “Iyon ‘yong isa sa mga benefits, ‘yong lagi kang masaya kapag may bumibisita,” anang mag-asawa. Ineengganyo rin nila ang mga bisita na pwedeng gayahin ang sistema sa kanilang farm kung nakikita nila itong makatutulong sa kani-kanilang sariling pagkakalabawan. Bukod sa kanilang magagandang pamamaraan sa pagpapalaki ng kawan at negosyong paggagatasan, kabutihang-loob at magandang pakikipagkapwatao ang mga dahilan sa pagiging modelo ng pamilya Caguimbal sa larangan ng pagkakalabawan.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.