DA-PCC, bubuo ng regional at national council para sa Dairy Box standardization

 

Ang DA-PCC ay bubuo ng regional at national council para sa standardisasyon ng 24 na Dairy Box sa Pilipinas na pinagkasunduan ng mga cliente at ng mga carabao-based enterprise development (CBED) coordinators.

Ang kasunduang ito ay ginanap noong nagkaroon ng Dairy Box Standardization Workshop ang ahensya sa Ilo-ilo (para sa Visayas at Mindanao clusters) at Baguio City (Luzon cluster) noong Hunyo 1-2 at Hulyo 7-8.

Ayon kay Dairy Box standardization lead at Project Evaluation Officer Jan Czarina Salas, ang inisyatibang ito ay nagsimula nang mapansin ng DAPCC ang pagkakaiba-iba ng branding at operations ng mga ito kaya naman kailangang bumuo ng regional at national council upang pangasiwaan ito.

Sa ginawang kasunduan, ang regional at national councils ay magkakaroon ng kanya-kanyang mga organisadong opisyales na papangunahan ng chairperson at vice-chairperson.

Ang regional council ay mabubuo sa labindalawang regional centers ng DA-PCC. Samantala, ang opisyales ng national council ay maoorganisa sa pamamagitan ng botohan. Ito ay bubuuin ng mga public at pribadong sektor kasama ang mga farmerbeneficiaries.

Tinalakay din ang iba pang concerns katulad ng product mix, store merchandising, marketing and promotion, record keeping, and cash and inventory management, guidelines in promotion distribution, at creation of partnership and sustainability program

Author
Author

0 Response