Sa Dairy may money, saksi diyan si CAMPCI Apr 2023 Karbaw CAMPCI By Ronaline Canute Sa tuwing maaalala ni Ferdinand Cueva, chairman ng Catalanacan Multi-Purpose Cooperative Inc. sa Science City of Muñoz, Nueva Ecija ang kalagayan ng kanilang kooperatiba noong dekada 90s ay may kaginhawaan sa kanyang puso Sa Dairy may money, saksi diyan si CAMPCI Sa loob ng ko-op ay kakikitaan ng mga miyembrong nagpupulong, may mga abala naman sa mga papeles. Sa kanilang bakuran ay may mga nagbibilad ng palay, may abalang nagmamasa ng tinapay sa may gawi, at may mga nakapila para kunin ang kanilang benepisyo. Ito ang karaniwang tagpo sa CAMPCI na hindi lubos inakala ng mga nagtatag nito na makakaranas sila ng kaginhawaan. Bahagi ng kanilang kasaysayan ang malungkot na karanasan. Ang kanilang kooperatiba ay dumaan sa isang tila madilim na panahon na ang natatanging takas ay ang sumuko. Nguni’t sa panahon na inakala nilang katapusan ng kanilang pamamalakad ay may liwanag ng pag-asa ang umusbong. Taong 2020, mapalad ang CAMPCI na mapabilang sa listahan ng mga kwalipikadong supplier ng Milk Feeding Program at ng Karabun (milk flavored bun) ng Department of Education (DepEd). Ang CAMPCI ay naka-ipon ng Php 54,497,300 mula sa 2,701,770 packs ng toned milk para sa milk feeding. Sa kabilang banda, Php600,000.00 ang kanilang kinita mula sa paggawa ng 600,000 piraso ng karabun. Sa wakas ay nagbunga na rin ang kanilang skap bilang miyembro at opisyal ng kooperatiba. Sa kasalukuyan ay apatnapu mula sa 131 miyembro ng CAMPCI ang naggagatas. Bawa’t isang litro ay binibili ng kooperatiba sa halagang Php76. Ayon kay Ferdinand, ang kanilang pakikisali sa feeding program at karabun ay nakatulong sa kanila upang kanilang mabawi ang titulo ng lupa ng koop at mga utang sa bangko. Maliban pa dito, nagkaroon din ng magandang pagbabago sa buhay ng kanilang miyembro. Isa-isa niyang ibinahagi ang mga pagbabagong ito. “Nakabili kami ng limang hektaryang lupa na nagkakahalaga ng 8.6 milyon. Nakakuha rin kami ng elf truck na dalawang milyon ang presyo at nakapagpatayo kami ng gasoline station na nagkakahalaga ng 1.50 million pesos,” pagmamalaking sabi ni Ferdinand. Maliban pa sa mga nabanggit ay nagtayo sila ng panaderya na inilaan para sa paggawa ng mga pastry na gawa sa gatas ng kalabaw. Sa kasalukuyan, ang CAMCI ay merong tatlong negosyo tulad ng trading, lending, at dairying. Pinatotohanan ni Ferdinand na ang dairying ang may pinakalamaking kontribusyon sa kanilang total income. Taong 2015, binuksan ng DAPCC ang kauna-unahang Dairy Box sa Pilipinas na matatagpuan sa Maharlika Highway, Science City of Muñoz, Nueva Ecija at ito ay ipinamahala sa CAMPCI. Bahagi ng kanilang plano sa hinaharap ang pagpapalawak at pagpapatayo ng dairy box upang mas lumaki ang market ng kanilang produkto. Labis ang pasasalamat ng CAMCI kahit na sa mga kabiguan na kanilang pinagtagumpayan. Ang CAMPCI ay pinagkalooban ng “Best Dairy Buffalo Farmer Cooperative” noong ika-anim at ika-pitong National Carabao Conference nd DA-PCC. Isa sila sa mga nagpatunay na may tagumpay na naghihintay sa mga taong nagpupursige at nananampalataya.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.