Ang kalabaw na busog, siksik-lusog na gatas ang handog Jun 2023 Karbaw Karbaw By Dine Yve Daganos "Huwag mo silang tipirin sa pagkain, hayaan mo silang magpakabusog pero huwag mo rin silang sagarin.” Ang kalabaw na busog, siksik-lusog na gatas ang handog Yan ang pahayag ni Jeffrey Cueco nang tanungin ang kanyang mga kasanayan sa pag-aalaga ng kanyang mga kalabaw. Sa pamamagitan ng pamamaraan niyang ito ay nakamit ng kanyang kalabaw ang titulo bilang Best Dairy Buffalo na pure-bred senior cow sa ginananap na National Carabao Conference noong Nobyembre ika 15 hanggang 16 nitong nakaraang taon sa Philippine Carabao Center (PCC) National Headquarters sa Science City of Muñoz. Laking Sta. Cruz, Baybay City, si Jeffrey, 38, kung saan pangingisda at pagsasaka ang nangungunang kabuhayan ng mga residente dito. Ang lahat ng kanyang kaalaman sa pag aalaga ng mga hayop ay natutunan niya sa kanyang amang si Gregorio, 67, na lumaki rin sa pagsasaka. Ang kanyang ama rin ang nanghimok sa kanya na sumubok sa carabao dairying. Taong 2017, minsang iniwan ni Gregorio ang dalawang kalabaw sa pangangalaga kanyang anak habang pansamantala siyang nanatili sa Dapitan upang sumailalim sa pagsasanay ng therapeutic massage service bilang karagdagang pagkakakitaan. Dito mas lumawak ang kaalaman ni Jeffrey sa dairying at kalaunan ay nawili siyang mamuhunan dito. Pakikipagsapalaran Sa una, hindi gaano pinagtutuunan ng pansin ni Jeffrey ang kanilang mga kalabaw dahil nakagisnan lamang ang mga ito bilang katuwang sa pag-araro ng bukid at pagbubuhat ng mga saka. Subalit, kalaunan ay nabago ang buong pananaw niya rito noong aktwal niyang naranasan ang pangongolekta ng mga gatas at pagbenta nito. Sa halagang 70 pesos kada litro, hindi inaasahan ni Jeffrey na ganon kalaki ang pakinabang sa gatas ng kalabaw. Magmula noon, sineryoso ni Jeffrey ang pagkakalabaw. Sinimulan niya ang pagpapaayos ng koral para sa mga kalabaw at regular na pagkonsulta sa mga Artificial Insemination (AI) technician mula sa PCC sa Visayas State University (VSU) para mapabuntis at maparami pa ang kanilang mga kalabaw. Sa kasalukuyan, nasa 15 na ang bilang ng inaalagaang kalabaw ng mag-ama na kinabibilangan ng 4 na lalaki at 11 na babaeng kalabaw. Sinikap din ni Jeffrey na sumailalalim sa pagsasanay bilang AI technician sa ilalim ng DA-PCC sa VSU para hindi na nila kailangang tumawag ng mga empleyado mula rito sa tuwing mangangailangan sila ng AI services. Naghire din siya ng dalawang katulungan sa pag-aalaga ng mga kalabaw tuwing weekdays habang siyay nasa trabaho bilang quarantine officer. Gayunpaman, gusto niyang masanay ang mga kalabaw sa kanya kayat naglalaan siya ng oras na pakainin o paliguan ang mga ito pagkatapos ng kanyang trabaho at tuwing sabado at linggo. Ang bahagi ng lupang kinatatayuan ng koral at milking parlor ng mga kalabaw, kabilang na ang bahaging pinagsasakahan ng mag-ama para sa damong pakain sa mga alaga ay nirentahan din ni Jeffrey para sa pagpapalago ng kanilang dairy business. Katulad ng ibang nagnenegosyo, nandyan din ang ilang pagsubok na pagdadaanan. Nangunguna na dito ang kasalukuyang inflation sa mga bilihin na nagdudulot ng sakit sa bulsa. Halimbawa,ayon kay Jeffrey, mula 700 pesos hanggang 800 pesos ay tumaas ang presyo ng feeds sa halagang 1000 hanggang 1200 pesos per kilo. Dahil dito, minsan ay umaasa siya sa mga damong legumbre bilang alternatibo para hindi makompromiso ang sustansya ng pagkain na binibigay sa kalabaw. Maliban dito, nandyan din ang gastos sa upa at pambayad ng kanilang mga katulungan sa farm. “Kung gusto mong maging maayos at maganda ang operasyon ng iyong negosyo, kailangan mo talagang gumastos,” ani ni Jeffrey. “Gayunpaman, nababawi naman namin ang mga gastos kapag nagsimulang magggatas ang mga kalabaw at nakakapagbenta na ulit kami, kaya gusto ko talagang maparami pa ang mga gatasang kalabaw namin para sa mas mataas na kita” dagdag nito. Good practices sa pagkakalabaw Sa pagpapakain, hindi tinitipid ni Jeffrey ang kanyang mga kalabaw lalong lalo na sa tuwing buntis ang mga ito at kapapanganak pa lamang. Pinaghalong feeds at damo ang karaniwang diet ng mga alaga ni Jeffrey. “Minsan pinapakain ko rin sila ng mais kapag season ng mais. Hinahaluan ko ito ng molasses, corn bran, at asin,’ dagdag ni Jeffrey. “Pagpatak ng alas-otso ng umaga, dadalhin namin sila sa tabing ilog para maligo at magpalamig lalong lalo na ngayong tag-init. Doon din sila kumakain ng mga damo na tumutubo sa tabi ng ilog. Pagsapit ng ala-ona saka namin sila ibabalik sa kanilang koral,” dagdag nito. Mae, Anne, Thaleya, Sheena, Jane, Bea, at Queenie – pawang pangalan ng mga magagandang dilag. Ito ang ilan sa mga pangalang ibinigay sa mga kalabaw nina Jeffrey at ang dalawang kasama sa bukid. Bumabagay naman sa kanilang pangalan ang espesyal na pag-aalagang natatanggap nila kay Jeffrey na mababakas sa malulusog at pintog na pangangatawan ng mga ito. Maliban sa gatas na nakokolekta nila na umaabot sa 15 hanggang 19 litro mula sa apat nilang naggagatas na kalabaw, napagkakakitaan din ni Jeffrey and dumi ng mga kalabaw. Binebenta niya ito sa halagang 150 pesos bawat sako at 15 pesos per kilo naman kapag ginawang vermicompost. Paminsan minsan din nilang ibinebenta ang mga lalaking bolo kapag nasa tamang pangangatawan na ang mga ito. Buo ang isip at tiwala ni Jeffrey na ipagpatuloy ang sinimulang negosyo. Plano niya ring magdagdag ng mga kalabaw para maparami pa ang produksyon nila ng gatas na maibenta. Gayundin, naghahanda siya para sa pagpapalawak ng kanilang milking parlor na ipapatayo sa mas angat na bahagi upang makaiwas sa baha lalo na tuwing tag-ulan. “ Karagdagang seguridad ko rin pang pinansyal ang dairying maliban sa tarabaho ko. Masaya rin ako na magsilbing inspirasyon sa kapwa ko mga magsasaka para tangkilikin ang paggagatas ng kalabaw. Gusto ko ring ipakita na malaki ang kita sa dairying kahit gayunman na nagrerenta lang ako ng lupa para isakatuparan ito”.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.