Sa kalabaw nagpaligaw, ngayon, kita'y umaapaw Jun 2023 Karbaw Karbaw By Ronaline Canute Limang oras ang binabagtas ng DA-PCC sa USM upang makarating sa Pangi, Maitum, Sarangani. Sa bilis ng takbo ng kanilang sasakyan, daig pa nila ang isang binatang hahamakin ang lahat upang masilayan ang dilag na kanyang nililigawan. Limang oras ang binabagtas ng DA-PCC sa USM upang makarating sa Pangi, Maitum, Sarangani. Sa bilis ng takbo ng kanilang sasakyan, daig pa nila ang isang binatang hahamakin ang lahat upang masilayan ang dilag na kanyang nililigawan. Abala ang Pangi Multi-Purpose Cooperative (PAMULCO) sa Pangi, Maitum, Sarangani ng kani-kanilang regular na trabaho sa koop. Maya-maya, nakarinig sila ng bumubusinang sasakyan sa tapat ng kanilang opisina. Bumaba ang mga masigasig na manliligaw at nagpakilala. Ngunit sa unang pagtatagpo ay hindi agad nakasagot ang PAMULCO sa nanliligaw na si DA-PCC dahil may pag-aalangan pa itong nararamdaman. “Nong dumating ang DA-PCC, hindi pa namin pinansin kasi kalabaw na naman ‘yan. Sayang lang ang pera ng gobyerno na ipamigay sa mga farmers tapos iiwan din lang” panimulang kwento ni PMPC Manager Ronald Briones. Umalis mang bigo ang DA-PCC, nagiwan naman sila ng mga babasahing magasin na nakatawag nga pansin kina Ronald. Laon ng magasin ang mga kwentong tagumpay ng mga carapreneurs sa iba’t ibang panig ng bansa. “Parang maganda pala ito. Ginanahan ako sa nabasa ko,” naka-ngiting ani Ronald. Napag-alaman din ni Ronald na ang proyekto ay pinondohan ng opisina ni Senator Cynthia A. Villar. “Ang una ko naisip hindi basta basta ‘yan. Hindi pag-aaksayahan ni senator ng panahon iyan kung hindi magandang mapakinabangan. Popondohan nila ito na walang silbi, imposible” dagdag pa niya. Upang actual pa nilang maranasan at makita ang biyayang handog ng gatasang kalabaw, dinala sila ng DA-PCC sa USM sa mga matatagumpay na carapreneurs. Sa family module, naging halimbawa nila ang mga maggagatas sa Canahay, Surallah, South Cotabato. Bumyahe rin silang Kabacan, North Cotabato upang mabisita ang kalabawan ni Dominic Paclibar. Para sa marketing naman ay dinala sila sa Dairy Box ng Sta. Catalina Multi-Purpose Cooperative sa Pres. Roxas, North Cotabato at sa dairy outlet ng DA-PCC sa USM. “Isang bus kaming naglibot. Naantig ako sa kwento ni Dominic Paclibar at doon sa nakita naming tagumpay,” dagdag pa ni Ronald. Ito na ‘yon Sa isang bakanteng lote sa tapat ng munisipyo ay may nakatayong tarpaulin na kakabasaan ng, ‘soon to rise, Pangi Dairy Box.’ Dito itatayo ang isang pasilidad na balang araw ay magiging pangalawang tahanan ng mga dairy farmers sa lugar. Hindi nagtagal ay tinurn-over ang kompletong dairy enterprise package sa PAMULCO. Ang package ay kinabibilangan ng 50 dairy buffaloes at isang Dairy Box processing plant and marketing outlet. Malaki ang naging papel din ng lokal na pamahalaan ng Maitum sa pangunguna ni Mayor Alexander Bryan B. Reganit. Nagbigay siya ng 250 sqm sa PAMULCO bilang kanyang suporta sa kanilang negosyo. Ngunit bago pa ang Pangi sa dairying. Kung hihintayin nila ang 50 dairy buffaloes na maggatas ay aabutin sila ng taon. May Dairy Box nga ngunit walang gatas na maibenta. Dahil dito, binigyan sila ng DA-PCC sa USM ng mga pagsasanay sa pagproseso ng gatas kung saan hindi lang mga staff ang nagtraining. Kabilang din sa mga dumaan sa pagsasanay ang kanilang mga leader. Ayon kay Nasrola Ibrahim, CBED Coordinator ng DAPCC sa USM, ang sikreto sa matagumpay na negosyo ay ang mga nasa tungkulin ay dapat matuto at ma-involve rin sa mga prosesong ginagawa ng kanilang mga miyembro. Pagkatapos mapatayo ang Dairy Box at magkaroon ng sapat na training, bumili ang PAMULCO ng mga gatas na ani ng mga dairy farmers mula sa Lake Sebu at Canahay, Surallah, South Cotabato sa halagang PHP70 kada litro. Kanila itong pinoprocess at ginagawang ice cream, ice candy, at inumin. Ang malinamnam na lasa ng mga ito ay naggaganyak sa mga estudyante tuwing recess, lunch break, at uwian. Ang Dairy Box ng PMPC ang kauna-unahan sa probinsya ng Sarangani kayat maraming nagkaka-interesadong mag-resell sa kanilang mga dairy products. “Ito lang ang project na nakita magkakapera muna si farmer bago ang ko-op, napakaganda dahil kompleto. Merong Dairy Box at meron pang feeding program na sasalihan, wala ka nang masasabi pa.” Ito ang naging pahayag ni Ronald nang tanungin siya kung ano ang nakita niyang maganda sa proyekto sa loob ng maiksing panahon nilang pagkaroon ng dairy business. Ang kanilang ko-op na nagsimula bilang samahan ng mga magsasaka sa Pangi noong 90s ay marami ring hirap na nalagpasan. Naranasan nilang umutang sa traders, ma bankrupt, mag-loan, at madapa ng pandemya ngunit hindi nila naisipang magsara ng pinto sa mga magsasakang umaasa sa kanila. Ang kanilang pinapanalangin at pinaghahandaan sa ngayon ay ang makapag-supply sila sa milk feeding program ng DSWD. Agyaman kami ‘Agyaman kami’ ay salitang Ilokano, ang pangunahing lenggwahe ng Maitum na nangangahulugang salamat. “Maraming salamat sa DA-PCC dahil hindi nila kami sinukuan. Kahit pandemic bumabalik sila rito para ipakilala ang mga magagandang dulot ng gatasang kalabaw,” pasasalamat ni Ronald. Bilang sagot sa pasasalamat ng PAMULCO ay nagbahagi rin si Ibrahim ng kanyang personal na pasasalamat sa kanila bilang isang CBED Coordinator. “Noong Ktalk nong 30th anniversary, nakikinig ako at na realize ko na kung wala pala tayong nagawa sa mga pinagsisilbihan natin, wala tayong maiiwang legacy. Balang araw, may maipagmalaki tayo dahil ang mga ko-op na namomonitor natin ay nagkaroon ng income. Kaya palagi kong sinasabi, hindi ko susukuan ang mga farmers araw man o gabi, typhoon man o may covid,” panimula ni Ibrahim. Sa tradisyunal na paraan ng panliligaw, ang binata ay hahamakin ang lahat upang masagot ng kanyang napupusuang dilag. “Kung susukuan mo ang trabaho mo, anong legacy ang maiiwan mo na maaalala sa’yo ng mga tao. Nabubuhay ang pamilya natin dahil sa mga farmers kasi kung wala sila, wala tayong trabaho at sweldo. Nabuo ang ahensya natin dahil sa kania kaya ibinabalik lang natin sa kanila ang tamang serbisyo,” madamdaming pagtatapos ni Ibrahim.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.