Benepisyaryo ng EPAHP, sumailalim sa pagsasanay ng DA-PCC-UPLB, DSWD V

 

DA-PCC-UPLB—Nagsagawa ng social preparation at basic dairy buffalo training sa ilalim ng Enhanced Partnership Against Hunger and Poverty (EPAHP) Zero Hunger project ang DA-Philippine Carabao Center sa UPLB (DA-PCC sa UPLB) at Department of Social Welfare and Development Region V (DSWD V) noong Mayo 24-25, sa Municipal Hall, Prieto Diaz, Sorsogon.

Lumahok sa dalawang araw na pagsasanay ang dalawampu’t limang benepisyaryo ng EPAHP Zero Hunger na convergence Benepisyaryo ng EPAHP, sumailalim sa pagsasanay ng DA-PCC-UPLB, DSWD V project ng DA-PCC sa UPLB at DSWD V. Ang mga kalahok sa basic dairy buffalo training ay pinagkalooban ng mga kasanayan at karunungan tungkol sa wastong pabahay at pamamahala, pangangasiwa ng nutrisyon, at pangangasiwa sa kalusugan ng hayop.

Ang programang EPAHP Zero Hunger ay naglalayon na maibsan ang gutom, tiyakin ang seguridad sa pagkain at nutrisyon, bawasan ang kahirapan sa mga urban at rural na komunidad (kabilang ang mga marginalized na komunidad), pagpapahusay ng kapital ng lipunan, at mapalakas ang batayan ng mapagkukunang pangekonomiya.

Bago ang pagsasanay, nagsagawa ang DA-PCC sa UPLB ng social preparation training na kilala rin bilang SPT (Pagsasanay sa Pagtanggap ng Programa ng Gatasang Kalabaw), upang tiyakin na naiintindihan ng mga benepisyaryo ang mga programa ng DA-PCC bago sumuong sa pamamahala, produksyon, at negosyo ng dairy buffalo.

Ang DA-PCC sa UPLB Training team ay binubuo nina Center Director Dr. Thelma Saludes, CBED coordinator Engineer Jose Canaria, Farm Superintendent II, Dr. Jessica Ortiz, Regional Knowledge Manager Marinella Ledesma, at Richard Nepomuceno.

Author

0 Response