Bumisita na sa Dairy Box-Guimaras!

 

DA-PCC sa WVSUMaliban sa mga matatamis na manggang dinarayo ng mga bisita sa Guimaras, maaari nang bisitahin ng mga turista ang bagong bukas na Dairy Box sa San Miguel, Jordan, Guimaras.

Ang pasilidad ay pamamahalaan ng Guimaras Employees Multi-Purpose Cooperative (GEMPC), na nagsimula sa pagproseso ng dairy noong Marso.

Itinayo ang Dairy Box para sa pagproproseso ng gatas ng kalabaw na nakolekta ng mga magsasakang maggagatas at pagsasapamilihan ng mga produktong gatas.

Mabibili rito ang mga fresh at locally-produced na produkto ng gatas ng kalabaw tulad ng white cheese, yogurt, fresh and flavored milk, at ice cream.

Nagpasalamat ang GEMPC Manager na si Raymundo L. Lao sa pagkakapili ng koop nila na pamahalaan ang proyekto.

Ito ang ikaapat na Dairy Box na binuksan sa tulong ng DA-PCC sa West Visayas State University. Ang tatlong iba pang Dairy Box ay nasa probinsya ng Antique (Hamtic at Pandan), at isa sa probinsya ng Iloilo (Barotac Nuevo).

Ang pasilidad na ito ay itinatag bilang bahagi ng Carabao-based Business Improvement Network (CBIN) project o mas kilala bilang “Accelerating Livelihood and Assets Buildup (ALAB) Karbawan” na ipinatutupad ng DA-PCC at pinondohan ng opisina ni Sen. Cynthia Villar.

Author

0 Response