Paggagatasan sa Marinduque, sisimulan na

 

DA-PCC sa UPLB – Natanggap ng Marinduque Diocesan Development Cooperative (MDDCO) ang 37 kalabaw sa ilalim ng proyektong Carabao-based Business Improvement Network (CBIN) Project, Accelarating Livelihood and Assets Buildup (ALAB Karbawan) nitong Mayo 16, 2023 sa Provincial Capitol Compound, Brgy. Bangbangalong, Boac, Marinduque.

"Ang layunin ng programang ito ay matulungan ang mga magsasaka na maging negosyante gamit ang mga kalabaw upang itaas ang antas nila sa buhay at makatulong sa pagdevelop ng dairy indutry sa Pilipinas," pagbabahagi ni Jose Canaria, CBED coordinator ng DA-Philippine Carabao Center sa UPLB (DA-PCC sa UPLB).

Kung sa larangan ng agrikultura, hindi nagpapahuli ang lalawigan ng Marinduque. Sagana ang mayamang lupain nito sa niyog, palay at mais kaya’t inaasahan na ang bagong proyekto na kanilang natanggap ay makatutulong sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga lokal lalo na ang mga magsasaka.

Nagpahayag ng mensahe si Hon. Presbitero Velasco, Governor ng Probinsya ng Marinduque.

"Maganda itong proyektong ito upang palakasin ang hanapbuhay at mag-acquire ng bagong kaalaman. Kailangan ng sipag at tiyaga upang umasenso sa buhay.

Sa mga nakatanggap ng kalabaw, Mahalaga na alagaan ang mga ito,” ani gobernador.

Nagpaabot naman ng pasasalamat si MDDCO Chairperson, Carlito Fabaleña sa Provincial Veterinary ng Marinduque, DA-PCC, at sa PLGU.

Ayon sa kanya, ang proyekto ang simula ng pagbabago, bagong mukha ng lalawigan at bagong pagkakakitaan na magpapaunlad sa buhay ng mga magsasaka.

Author

0 Response