Nasungkit na pangarap ng batang manunumpit Nov 2023 Karbaw VBAIT By Rodolfo Jr. Valdez “Dati ay tagahawak lang ng buntot, ngayon tuktok ng pangarap kaya nang maabot!” Nasungkit na pangarap ng batang manunumpit Ganito ilarawan ni Rey John Estañol, 20, ang biglang pagbabago sa kanyang buhay mula sa pagiging “ordinaryong” probinsyano at ngayo’y isa nang tanyag na batang manunumpit o artificial insemination (AI) technician ng Surallah, South Cotabato. Namulat sa kahirapan si Rey John. Ang kanyang mga magulang ay parehong nakikisaka at trabahador sa bukid, na ang sahod ay kakarampot lang. Nguni’t noong 2016, nasumpungan ng pamilya Estañol ang programang pagkakalabawan ng DA-Philippine Carabao Center sa University of Southern Mindanao (DA-PCC sa USM) nang sila’y mabiyayaan ng isang Italian Mediterranean buffalo. Simula noon, naging katuwang na si Rey John ng kanyang mga magulang sa pagaalaga ng kalabaw bagama’t noon ay hindi pa niya lubos na nauunawaan ang malaking biyayang dulot nito sa kanilang buhay. Hindi na bago kay Rey John ang pagpapabalik-balik ng mga taga-DA-PCC sa USM at Municipal Agriculture Office ng Surallah para magbigay ng iba’t ibang serbisyong teknikal na para sa mga hayop sa kanilang lugar. Noong 2020, panahon ng pandemya, inalok sa kanya nina municipal agriculturist Loel Nillos at ni DA-PCC sa USM Carabaobased Enterprise Development (CBED) coordinator Nasrola Ibrahim ang pagsasanay para maging isang AI technician. Bilang isang batang masunurin at may pusong gustong tumulong sa pamilya, tinanggap ni Rey John ang alok ng DA-PCC. Unang sumpit Hindi naging madali sa isang 17-year old na si Rey John ang mabago ang pang-araw araw niyang gawi ng pamumuhay. Ang pagsasanay sa basic AI ay nagbigay ng maraming “firsts” para kay Rey John. Iyon ang unang pagkakataon na mawalay siya sa kanyang pamilya, unang byaheng palabas ng kanilang probinsya, unang beses na makihalubilo sa mga taong nagmula sa iba’t ibang lugar sa Mindanao, at marami pang iba. Ang determinasyong makatulong na maiahon sa kahirapan ang kanilang pamilya ang nagtulak sa kanya upang makumpleto ang pagsasanay. Matapos ang isang buwan, naging isang ganap na VillageBased AI Technician (VBAIT) si Rey John. Sinimulan niya ang pag-AI sa mga kalabaw ng mga miyembro ng kanilang asosasyon, ang Canahay Dairy Farmers Association o CADAFA. Layunin niya na matulungang maparami pa ang kanilang mga kalabaw para mas dumami pa ang kanilang gagatasan. “Hindi ako naniningil sa kanila dahil alam ko na wala rin silang maibibigay. Bukal sa puso ko na magserbisyo sa kanila kasi alam ko ang hirap ng buhay. Bumagyo man o umaraw, matuyuan man ng gasolina ang motor na gamit ko, pupuntahan ko sila basta’t may naglalanding kalabaw,” ani Rey John. Batay sa datos ng DA-PCC sa USM, mayroon nang naitalang 283 serbisyong AI si Rey John simula noong 2020. Dahil sa naipamalas niyang dedikasyon at kontribusyon sa Carabao Upgrading Program ng DA-PCC, napili syang sumailalim sa Advanced Training on AI and Ovarian Palpation noong 2022 sa Bukidnon. Dahil sa angking galing, nasungkit ni Rey John ang 2021 Outstanding VBAIT- 2nd Runner Up noong 8th National Carabao Conference sa Nueva Ecija. “Halos maiyak ako noong natanggap ko ang award na iyon. Nakita ko na ang bunga ng aking pagsisikap sa larangan ng AI. Hindi ko akalain na kikilalanin ako bilang isa sa magagaling na AI technicians sa buong Pilipinas,” nagagalak na pagkukwento ni Rey John. Dahil sa kanyang determinasyon at malasakit sa mga magsasaka ng South Cotabato, si Rey John ngayon ay isa nang kawani sa Municipal Agriculture Office sa bayan ng Surallah. Mula sa isang asosasyon, isang buong bayan na ngayon ang sineserbisyuhan ni Rey John. Dahil sa patuloy na paglawak ng kanyang lugar na naaabot, dumaraming tagapagtangkilik ng kanyang serbisyo, at paghirang sa kanyang kakayahan, napatunayan ni Rey John na hindi hadlang ang kanyang edad para maabot ang kanyang mga pangarap. Aniya, hindi sya magsasawang tumulong sa mga magsasaka at manghikayat ng mga kapwa niya kabataan na pumasok hindi lamang sa negosyong salig sa kalabaw kundi sa sektor ng agrikultura dahil sa larangang ito, sa bunga ng sipag at tiyaga, mga pangarap na gustong makamit ay posibleng masungkit!
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.