Kwentong Cara Cuero Dec 2023 Karbaw CBED By Mikee Antonio Sa negosyong paghahayupan, hindi maiiwasang may mga alagang magkakasakit o mamamatay. Isa ito sa katotohanang kinakaharap ng mga dairy farms hindi lang ng ahensya kundi ng mga kooperatiba na inaasistehan nito. Nguni’t sa halip na ituring na balakid o suliranin, isa itong oportunidad para sa DA-PCC sa Central Luzon State University (DA-PCC sa CLSU). Sa negosyong paghahayupan, hindi maiiwasang may mga alagang magkakasakit o mamamatay. Isa ito sa katotohanang kinakaharap ng mga dairy farms hindi lang ng ahensya kundi ng mga kooperatiba na inaasistehan nito. Nguni’t sa halip na ituring na balakid o suliranin, isa itong oportunidad para sa DA-PCC sa Central Luzon State University (DA-PCC sa CLSU). Sa isang pambihirang pagkakataon, nakadaupang-palad ng center director ng DA-PCC sa CLSU na si Dr. Ericson N. Dela Cruz ang mga ministrong sina Bro. Pete Miranda na nakapag-aral sa isang leather school sa London at Bro. Marc Urmatan, parehong mula sa Christ Accepts Righteousness You are Now Apostles (CARYANA) ng Magalang, Pampanga. Bilang marurunong sa paggawa ng mga produktong gawa sa balat, ipinakita nila kay Dr. Dela Cruz ang manu-manong paggawa ng leather products gawa sa balat ng kalabaw. Dito nagbukas ang isang panibagong industriya para sa DA-PCC sa CLSU—ang industriya ng leather products gawa sa balat ng kalabaw kasama na ang sungay nito. Nakilala rin nito kalaunan ang isa sa pinakamalaking tannery sa Meycauayan City, Bulacan na CHELSI Leather and Services, Inc. Ito ngayon ang katuwang ng DAPCC sa CLSU sa pagdebelop ng mga carabao leather products na tinawag nitong “Cara Cuero” na hango sa mga salitang “carabao” at “cuero” o corium sa salitang Latin na ang ibig sabihin ay skin, hide, leather o balat. Si Karyssa Tantiongco, carabao-based enterprise development (CBED) staff ng DA-PCC sa CLSU, ang nakaisip sa pangalang ito. Unang ipinakilala sa publiko ang mga produktong ito noong Marso 2023 sa ika-30 anibersaryo ng DA-PCC. Kabilang sa mga una nitong produkto ang coin purse, key chain, at card holder na gawa sa balat ng kalabaw. Mula naman sa sungay ng kalabaw, nag-display ito ng figurine, back scratcher, at suklay. Nagsimula sa proyekto Ang proyektong Cara Cuero ng ahensya ay ipinanganak sa isang capstone project na isinagawa ni Dr. Dela Cruz para sa kanyang pag-aaral sa isang Executive Course on Leadership, Innovation, Communication, and Knowledge Management (CLICK) Batch 3 noong 2022. Ang nasabing capstone project na may titulong “Utilizing hide of deceased carabao for leather production” ay naglalayong magamit ang balat ng kinatay na kalabaw bilang raw material. Ang CLICK ay isang intensive training program na binuo ng Development Academy of the Philippines (DAP), Aboitiz and National Union of Career Executive Service Officers Inc. (NUCESO). Pagsubok sa simula Naging mainit ang pagtanggap ng publiko sa Cara Cuero at maraming positibong komento at suhestyon ang natanggap ng DA-PCC sa CLSU para makagawa ito ng iba’t ibang produkto pa na mula sa balat at sungay ng kalabaw. Nguni’t ang sumunod nitong hamon ay kung saan kukunin ang bastanteng suplay ng raw material. Ginalugad ng DA-PCC sa CLSU ang mga posibleng lugar sa Region III at karatig lugar na panggagalingan ng balat at sungay. Napag-alaman nito sa pamamagitan ni Dr. Noel Soliman, ang city veterinarian ng Tarlac City, na mayroong maaaring mapagkunan ng balat at sungay sa slaughterhouse ng bayan. Ayon pa kay Dr. Soliman, halos 10 hanggang 15 ang kinakatay na kalabaw araw-araw sa bayan ng Tarlac na ikinalungkot ni Dr. Dela Cruz. Ang sumunod na problema ay ang pagtanggi ng mga mangangatay na ibenta sa ahensya ang mga balat dahil may siguradong mamimili na nito na gumagawa ng chicharon at balbakwa. Sa masugid na pangungumbinse ni Dr. Dela Cruz, napapayag ang mga mangangatay na makipagtulungan sa ahensya para sa pagsusulong ng panibagong kabuhayan na salig sa balat at sungay ng kalabaw. Ang tiwala at kumpyansa ay humantong sa pirmahan ng kontrata na seselyo sa regular na pagbili ng raw hide. Ang sumunod namang hinanap na supplier ng ahensya ang mangangalakal ng asin na gagamitin para ipreserba ang mga nabiling balat. Sa bayan naman ng Bulakan, Bulacan ito nahanap ng ahensya. Pagsuporta at pagkilala kay Cara Cuero Simula nang ito ay maipakilala sa publiko, naging patok na pangtoken ang Cara Cuero sa mga VIP guests at dignitaries. Umaapaw na suporta ang natanggap ng DA-PCC sa CLSU mula sa DA-PCC top management na pinangungunahan ni OIC Executive Director Dr. Caro B. Salces na ipinagmalaki kay DA Undersecretary for Livestock Deogracias Victor B. Savellano ang mga produktong balat na naghudyat sa huli para gawing token ang Cara Cuero sa pakikipag-ugnayan nito sa Taiwan. Kamakailan din ay kinilala ni Department of Budget and Management (DBM) Secretary Aminah “Mina” F. Pangandaman ang kagandahan ng produkto nang ibigay itong token sa kanya sa CLSU kaugnay ng Research Innovation and Development (RIDe) Festival nito noong Oktubre. Ipinost ito ni Sec. Mina sa kanyang Facebook page at hinikayat ang kanyang followers na tangkilikin ang iba pang mga produkto ng DA-PCC. Ganun na lang din ang pagsuportang ibinibigay ng CLSU community sa Cara Cuero. Ipinakilala ni CLSU President Dr. Edgard A. Orden ang Cara Cuero sa isang pagtitipon ng CLSU International Alumni Association na ginanap sa Thailand. Ginawa rin itong token ni CLSU Vice President for Administration Dr. Evaristo Abella sa kanyang pakikipagugnayan sa National Economic and Development Authority (NEDA). Ang Cara Cuero rin ang ginawang token para sa mga VIP guests at resource persons sa katatapos na 9th National Carabao Conference (NCC) sa Lamac, Pinamungajan, Cebu. Dahil sa mainit na pagtanggap sa Cara Cuero, ganun na lang din ang pagsisikap ng DA-PCC sa CLSU na pag-ibayuhin ang pagdebelop ng iba pang disenyo ng mga produkto nitong gawa sa balat ng kalabaw. Inspirasyon kung ituring ng DA-PCC sa CLSU ang mga tinatanggap nitong papuri sa iminomodelong negosyo. Isa sa mga maraming pakinabang mula sa gawaing ito ang untiunting panunumbalik ng mga nawawalang kaalaman noong unang panahon kabilang na ang tradisyunal na pagpoproseso ng leather. Inaasahan ng DA-PCC na mapataas ang demand para sa balat ng kalabaw na magbubunga ng mas maraming trabaho sa industriyang ito.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.