Serbisyong Angeles,One of the Best! Apr 2024 Karbaw AI Tech By Camilla Soliman Tinaguriang pambansang hayop ng Pilipinas ang kalabaw o water buffalo. Simbolo rin ito ng kalakasan at kasipagan na kadalasang maihahalintulad sa ugali at katangian ng isang mamamayang Pilipino, tulad na lamang ng kinilalang 2023 Outstanding Village-Based Artificial Insemination Technician (VBAIT) na si Edgardo DC. Angeles mula sa bayan ng Floridablanca sa Pampanga. Serbisyong Angeles,One of the Best! Noong una ay isang AI service lang kada buwan ang nagagawa ni Edgardo, dahilan para kwestyunin niya kung makabubuhay nga ba ng pamilya ang trabahong ito. Gayunpaman, hindi niya sinukuan ang gawaing ito sa halip ay nagtiyaga siya at nagpursige na makilala ang kalidad ng kanyang serbisyo. Hindi nagtagal, nagbunga na nga ang pagpapagal ni Edgardo. Makalipas ang halos dalawang taon, dumami na ang mga magsasakang sumasangguni sa kanya at unti-unti na siyang nakilala sa larangan ng AI sa Floridablanca. Lalo siyang nagsikap na mapalago ang serbisyo niya bilang AI technician. Nasa PHP800 na rin ang singil niya kada AI kasama na rin dito ang deworming at castration. Nakararating na rin siya sa mga karatig probinsiya upang magserbisyo gaya ng Zambales at Bataan. Noong 2021, nasa kabuuang 502 ang AI services na nagawa ni Edgardo, 403 ang naipanganak dito o 80.27% calf drop sa taong 2022. Dahil sa kinikita niya sa pagiging AI technician, naipaayos na nina Edgardo ang kanilang bahay na dati ay gawang sawali o kugon lamang. Umabot na rin, aniya, ng PHP13,000 ang pinakamataas na kita niya sa isang araw na ni minsan ay hindi niya inakalang mangyayari sa buhay niya. Ngayon, halos 12 kalabaw na ang sinisimilyahan ni Edgardo sa loob lang ng isang araw. Itinuturing din ni Edgardo na bahagi ng kanyang tagumpay ang bayaw niyang si Edward Manuson, na nagwagi rin bilang Outstanding VBAIT noong 2010. Si Edward din ang nagpakilala kay Edgardo sa DA- Philippine Carabao Center at nagrekomenda na magsanay bilang VBAIT. Naging inspirasyon din si Edgardo ng isa sa kanyang mga anak na sumunod sa kanyang yapak at nagsanay na rin SERBISYONG ANGELES... bilang isang AI technician nang makapagtapos ng high school. Pasasalamat naman ang mensahe ni Edgardo para sa DA-PCC sa Central Luzon State University (DA-PCC sa CLSU) dahil sa suporta nitong kabuhayan na naging dahilan para matustusan ang pagaaral ng kanyang mga anak. “Kung wala ‘yong DA-PCC sa CLSU ‘di ko mapag-aaral ang aking mga anak. Dahil sa trabahong ito, gumanda ang buhay ko at nakatutulong pa ako sa aking mga kababayan,” aniya. Ayon kay Edgardo, ang pagiging AI technician ang pinakamagandang nangyari sa buhay niya. Bagama’t maraming pagsubok, alam niyang hindi siya magsasawang magbigay ng teknikal na serbisyo para sa mga hayop. Pinatunayan ni Edgardo na kung sasamahan ng sipag at tiyaga ang trabaho ay tiyak may kapupulutan itong magandang bunga.
Terms and Conditions Welcome to DA-PCC Knowledge Portal (K-Portal)! Thank you for visiting k-portal.pcc.gov.ph website. Subscription to the K-Portal is free. We don’t charge you to use or access this platform. Your privacy and security are very important to us. Please read the information below for your guidance. Data Policy To provide you with the services of our K-Portal, we must process information about you. We do not collect your personal information unless you choose to provide them. Rest assured that we do not share or sell your personal information but we do collect technical information about your visit to our website. When you visit k-portal.pcc.gov.ph website, our system automatically stores: Your personal information that you provided for subscription (email, password, name) Date and time of subscription Words or information you searched for The publications/ categories you viewed on our website The items you clicked on our website Your comments Items you downloaded from our website This process does not collect or track any of your personal information but makes our website more useful to visitors. Through such information, we learn about the number of visitors to our website, detect operational problems, and continuously improve the website’s overall functionality and security. Your comments will be visible to the public. Please make sure to not share information that you do not want made available to the public. We will not be responsible for how other visitors may use your information. Please be reminded that when you voluntarily submit information, it constitutes your voluntary consent to the use of the information you submit for the website’s improvement and maintenance. General Disclaimer and Copyright Notice All the contents uploaded to our website are considered public information, which can be used as reference and may be shared but we strictly request that our agency, DA-PCC, and our knowledge portal website including authors of knowledge products be cited as the source of any information, photos, and images copied from this site and that any photo credits or bylines be similarly credited to the photographer or author. The articles, publications pdf, AVPs, books, manuals and other materials owned by DA-PCC should be directly acquired from the knowledge portal and not through other sources that may change the information in some way or exclude material crucial to the understanding of that information. Disclaimer While we make every effort to provide accurate and complete information, some information may change between site updates. With a lot of articles and documents available and uploaded within short deadlines, we cannot guarantee that there will be no errors. We make no claims, promises or guarantees about the accuracy, completeness or adequacy of the contents of this website and expressly disclaim liability for errors and omissions in the contents of this website.